"Pearl!" tawag ko at yumakap sa kanya ng mahigpit.
"Birthday ko ba?" natatawang tanong niya kaya binatukan ko.
Tss. Kung alam lang niya ang dahilan kung bakit ganito ako kasaya na makita siya.
"Kamusta ka kagabi? May nangyari ba sa'yo?" nagaalalang tanong ko.
"Ha? Sa akin? Wala naman bukod sa may mga boylet kagabi na pinagmamasdan ako sa labas ng convenience store. Natulala yata sa kagandahan ko. Hahaha!"
Baliw talaga. Kung alam lang niya na maaari niyang ikapahamak ang mga lalaking sinasabi niya kagabi. Walang dudang mga tauhan ni kuya ang nakita niya.
"Ikaw? Kamusta? Hindi ka ba sinaktan ng kuya mo?" tanong niya at lumipad ang isip ko sa eksena kagabi sa bahay.
"Uy, namumula ka d'yan! Sabihin mo! May nangyari ba?" alalang tanong niya at niyugyog ang balikat ko.
"W-wala. Sinermunan lang ako." pagsisinungaling ko. Alangang sabihin ko na sinaktan niya ako at inutusan na mag jack off sa harap niya at lunukin ang laway niya. Ang baboy di ba?
"Buti naman. Nagalala ako sa'yo kagabi kasi hindi ka nagtext or call man lang sa akin."
"Sorry." paumanhin ko at inakbayan siya.
Habang naglalakad kami sa hallway ay nakasalubong namin si Enix. Wow. Just great!
"Good morning." bati niya sa amin.
"Gandang morning?" parang tanga kong sagot.
Takte. Hindi ako ready na makita siya lalo pa't nakabihis lalaki ako. Nakakailang!
"Nag breakfast na kayo?"
"Ako, oo itong si Arista, hindi ko alam." nakangiting asong sagot ni Pearl. Luh siya. Ano kayang nasa isip nitong baklita na ito?
"Ganun ba? Why don't you join me then? Hindi pa kasi ako nagbe-breakfast. Wala naman sigurong magagalit di ba?" nakangiting tanong niya habang nakatitig sa akin. Shomba!
Takte. Bakit kasi ang gwapo nitong bad boy na ito na ang pangalan ay Enix? Ugh.
"Naku, wala! O'sya Arista, lumakad na kayo at masama pinaghihintay ang grasya!" pagtataboy niya sa aming dalawa ni Enix.
Walang hiyang babae ito. Ibinugaw ako?!
Hahaha.
"Close talaga kayo ng kaibigan mong iyon 'no?" basag niya sa katahimikan ng kami nalang dalawa.
"Oo. Simula bata pa kami magkaibigan na kami n'yan eh kaya kapatid na turing ko d'yan."
"Naiinggit tuloy ako sa kanya."
"Huh? Bakit naman?" gusto niya rin ba ng maituturing na kapatid? Pwede naman ako. Hahaha. I-volunteer talaga ang sarili eh 'no? Parang pinagtataksilan ko na tuloy si kuya.
"Kasi lagi kayong magkasama at mas marami siyang alam tungkol sa'yo." sagot niya at umakbay sa akin.
Ayan na naman si kamatis sa pisngi at nahihinog. Pfft.
"Magkasama naman tayo ngayon ah?"
"Oo nga pero sana lagi."
Kung pwede lang eh kaso si kuya. Hahaha. Takte. Kinikilig ako. Shemay!
Patay talaga ako nito kay kuya at umagang-umaga, naglulumandi ang kapatid niya.
Same boring and normal day at school na puro lecture but this time with recitation naman.
Nakakapagod mag-aral pero alam kong mas nakakapagod ang ginagawa ni kuya. Siya kasi ang nagpapatakbo lahat ng naiwang business ng parents namin at ganun din ang pagiging leader ng Yakuza.
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...