AUTUMN MEETS WINTER ( XXVIII )

3.1K 124 14
                                    

Slow motion akong bumaba ng hagdan habang pinagmamasdan si kuya na tumutugtog ng piano sa saliw ng paborito niyang kanta. Any guess what? Syempre yung kinanta niya nuon ng nasa kotse niya kami pauwi ng bahay namin. Paano ko naman nalaman na iyon ang favorite niya? Madalas ko kasing marinig na kinakanta niya iyon tuwing nandito siya sa bahay. Sinearch ko nga iyon sa Google at Youtube at napagtanto ko na bittersweet ang mensahe ng kantang iyon. Ang tanong tuloy ngayon na bumabagabag sa akin bukod sa paano niya nagustuhan yung fianceè niya ay kung para ba sa fianceè niya ang kantang 'yon o para sa iba? Wala mema lang. Gusto ko lang i-stress sarili ko para panandalian ko makalimutan yung naging usapan ni kuya at ng tauhan niya tungkol sa akin kagabi.

Gusto ko sanang batiin si kuya ng magandang hapon dahil yes, ala una na ako ng hapon nagising. Buti nalang at weekend ngayon. Anyway, going back, gusto ko sanang batiin si kuya kaso natatakot ako na baka magalit siya sa akin kasi sobrang fixed ng attention niya sa ginagawa niyang pagtugtog. I bet he didn't notice me too since nakapikit lang siya habang tumutugtog. See? Sobrang dinadama niya ang ginagawa niyang pagtugtog kaya nakakatakot na masira ko ang momentum niya na iyon.

Kahit nasa kusina na ako ay dinig ko pa rin ang pagtugtog niya na sobrang relaxing and chill m kaya kahit nagugutom na ako ay parang gusto ko mag ballet pero joke lang syempre. Nandyan si kuya. Alam ninyo naman. Baka mabuking ako. Mamaya mapasabi siya ng, "Sabi na eh! Barbie!" Hahaha. Joke.

Biglang tumigil ang pagtugtog ni kuya habang abala ako sa pagluluto ng Spaghetti Bolognese na siyang hindi ko gaanong inintindi baka kasi either, no. 1 napagod na siya or no. 2 nagiisip siya ng bagong tutugtugin, ng biglang may magsalita sa tabi ko na ka-muntik ng ikalaglag ng puso ko. Woosh! Yeah, I know. I should've expect na may magsasalita sa tabi ko na namely si kuya kasi dalawa lang kaming nandito sa bahay (dalawa nga ba?) pero still, nakakagulat pa rin ano!

"G-gusto mo rin ba kumain, kuya? A-ano kasi, hindi pa luto yung sauce."

"You didn't greet me when you went downstairs." mas malamig pa sa freezer niyang sabi sa tono ng boses niya.

"A-ano po kasi. . a-ayaw kong makaistorbo sa pagtugtog mo, kuya."

"I see," bahagya siyang lumapit at hinawakan ang panga ko ng may kadiinan at linapit ang mukha niya sa akin na siyang kinakaba ko, "Don't be used to not greeting me when you see me, 'kay?"

"O-opo, kuya. S-sorry. Hindi na po mauulit."

"Good." binitawan niya ako at lumakad papunta sa hapag-kainan at duon pumwesto. Hindi ako makakilos ng maayos dahil alam kong pinagmamasdan niya ako at hindi ko maintindihan kung bakit. Ang weird.

Habang hinahalo ko na yung pasta sa sauce ay pasimple akong humahawak sa panga ko sa sakit na dulot ng hawak ni kuya kanina. Grabe. Parang pigil yung gigil sa way ng hawak niya kanina. Feeling ko kung hindi pigil 'yon ay baka wasak na panga ko.

"At what time do you come home during weekdays?"

Muntik na akong mabulunan habang kumakain kami sa itinanong niya. Is he trying to build a conversation or baka naman may balak siya na ipagawa sa akin?

"Between 5 pm to 6 pm po."

"6 pm? Your schedule at school ends at 4:30, right?"

Oh shit. Nakalimutan kong alam niya ang schedule ko sa school kasi nga, dapat lahat alam niya pag tungkol sa akin kahit madalas parang wala siyang pakialam sa akin.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon