AUTUMN MEETS WINTER ( LXVII )

820 73 9
                                    

"Lets go?" tanong ni Rence ng sabay kaming mapatingin sa wall clock.

Shoot! Kanina pa yata nagsisimula 'yung birthday party ni Mister Gonzales.

Eight o' clock kasi ang usapan. Naku, yari na. Parehas naming hindi napansin 'yung oras dahil abala kami sa mga ginagawa namin.

Inayos ko muna ang desk ko bago kinuha ang gamit ko at sinundan si Rence papuntang parking lot. Habang nakasakay ako sa kotse niya bigla kong naalala 'yung naging usapan namin ni Garet. Napangisi ako. Loko talaga iyon.

Sumimple ako ng tingin kay Rence na busy sa pagmamaneho.

Well, hindi naman ako manhid para hindi mapansin na may mga weird itong inaakto kapag magkasama kami but I try to shrug it off. Ilang beses na nga rin ito nag try na ihatid ako sa bahay kaso lagi kong dine-decline ang offer niya. Ayaw ko kasing makita ng anak ko na may naghahatid sa akin pauwi kaya nga laking pasalamat ko kagabi at si Garet lang ang nakakita ng ihatid ako ni kuya na thankfully hindi niya alam na si kuya. Wait! Baka naman alam niya? Kaya niya ako inaasar? Pero hindi naman bumaba si kuya ng kotse niya kaya paano niya malalaman na si kuya iyon?

"Hey, we're here." nakangiting sabi ni Rence sa akin na tinapik pa ang hita ko.

"U-uh, yeah." ngumiti ako sa kanya at inalis ang seatbelt ko.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng pigilan ako nito na pinagtaka ko.

"Let me." sabi niya ng siya ang nagbukas mula sa labas ng pinto ko. Naiilang man pero tinawanan ko nalang siya sa ginawa niya.

"Bodyguard?" biro ko.

Napabuntung-hininga ako ng mapagmasdan ko mula sa labas ang nirentahan ni Mister Gonzales na place para sa birthday celebration niya. Whew. Iba talaga kapag matandang binata at maraming pera. Hahaha.

Pagpasok namin sa luob, sinalubong kami ni Rence ng maraming bisita na abala sa kani-kanilang businesses. In fairness, ang ganda ng luob. Mamahalin. Pang VIP.

May mga naglalaro ng billiard, dart at bowling sa isang gilid, samantalang may mga sumasayaw-sayaw naman na iilang bisita sa tatlong pole na nasa stage na I assume may mga tama na ng alak, 'yung iba naman busy sa pagkaraoke at meron ding mga nakatambay sa bar counter at nagiinom at nakikipag usap sa bartender.

"Wow! What have we missed around that one hour that we're not here?" nakangising tanong sa akin ni Rence habang hinahanap namin si Mister Gonzales.

"I don't know." kibit-balikat kong tugon at nagulat ako ng biglang may humatak sa akin.

"Sabi sa iyo eh! Si Arista ito! Uy hi, Rence! Late kayo ng dating ah? Kanina pa nag start 'yung party!" sabi sa amin ng humatak sa akin na kasamahan namin sa firm. Mukhang hindi pa naman lasing itong isang ito. Uhm, I think?

"May mga tinapos lang kami sa office. Nasaan si Mister Gonzales?" tugon ni Rence.

"Ay iyon ang hindi namin alam. Mamaya ninyo na siya hanapin. Samahan ninyo nalang muna kami dito. Late na nga kayo eh!" may pa lungkot effect pa na sabi ng isa pang kasamahan namin pero ngumisi sa huli niyang binanggit. Hala. Ano kayang kalokohan naiisip nito?

Hindi ko nalang ito pinansin at umupo katabi ni Rence.

"Oh shot!" natawa nalang ako at napailing ng abutan agad kami ng mga katrabaho namin ng tig isang baso na may alak.

"Grabe naman! QAlak agad? Gutom pa naman kami." biro ni Rence pero totoo naman kasi. Hindi pa kami nagdinner. Dumiretso na agad kami dito thinking na may makakain kami.

"Shot muna! Mamaya na iyang gutom na iyan!"

Nagkatinginan kami ni Rence habang hawak ang mga baso namin at nailing nalang.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon