AUTUMN MEETS WINTER ( LXV )

923 78 7
                                    

Nakahinga ako ng maluwag ng walang nangyaring kung ano sa pagitan namin ni kuya kanina ng mapayakap ako sa kanya dahil sa walang hiyang kulog na iyon at ngayon nga, kahit ayaw ko ay nakasakay ako ngayon sa kotse niya at pabalik kami ng office ko para kuhain ang mga gamit ko at ihatid ako pauwi.

Don't get me wrong. Ayaw ko talagang magpahatid sa kanya pero sobrang persuasive niya kaya wala akong nagawa kundi magpahatid dahil ang sabi niya kung hindi ako papayag eh hindi siya papayag na umalis ako ng company building niya. Whew.

Hay kung alam ninyo lang. Sobrang awkward ng atmosphere dito sa luob ng sasakyan at ramdam mo yung tensyon sa pagitan namin.

Ang nakakainis pa, hindi nakakatulong yung tugtog na mahinang nagpeplay sa background dahil bukod sa ang lakas ng ulan eh ang traffic din. Tsk.

May bagyo ba? Halos isang oras na kaming nandito sa gitna ng traffic at nilalamig na ako pero ayaw kong ipahalata sa kanya.

Baka mamaya may kung ano pang mangyari eh. Ayaw ko ng dagdagan yung nagawa kong kahihiyan kanina.

Ang alam pa naman niya na pinipilit ko sa kanya ay hindi ako 'yung kapatid niya at may asawa ako.

Hindi kami nagkikibuan pero hindi naman ako manhid para hindi mapansin na sumisimple kami ng tingin sa isa't-isa.

Napangiti ako sa isip ko dahil hindi pa rin nagbabago si kuya, Ang hilig niya pa rin sa old songs.

Naalala ko bigla yung nangyari dati. Ganito din iyon.

Galing ako kina Pearl at nagmamadali pa akong makauwi sa amin kung saan muntik na akong masagasaan. Only to find out na si kuya iyon at sumakay ako sa backseat. May tumutugtog din na old song ng mga oras na iyon at naipit kami sa traffic at pagkatapos narinig ko siyang kumanta ng paborito niyang kanta.

Hindi ko namalayan na ngumingiti na pala talaga ako pero nagtutubig na rin ang mga mata ko sa ala-alang iyon ng nakaraan. Humarap ako sa bintanang nasa kanang bahagi ko at pinagmasdan ang pagpatak ng ulan para pigilan ang nagbabadyang luha ko sa pagtulo.

Bakit kasi dito ako umupo sa shotgun seat? Siniksik ko ang katawan ko sa pagkakasandal at sumabay sa kantang tumutugtog para libangin ang sarili ko not knowing na sumabay din pala si kuya sa pagkanta ng chorus.

Foolish heart
Hear me callin'
Stop before you start fallin'
Foolish heart
Heed my warning
You've been wrong before
Don't be wrong anymore

And for some I don't what kind of force happened, sabay kaming napatingin ni kuya sa isa't-isa.

Napalunok ako ng makita ko ang mga nangungusap niyang mga mata. Hindi ko alam kung segundo lang ba ang tinagal ng titigan namin pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa puso ko ng siya ang unang umiwas ng tingin.

Sinampal ko mentally ang sarili ko sa nangyari. Shit.

Ano bang nangyayari sa iyo, Arista?

Get a hold of yourself! Girlfriend niya na ang bestfriend mo!

Bumalik nalang ako sa panunuod ng pagtulo ng ulan sa labas at hinayaan ang sarili ko na makalimutan ang sandaling ito.

Nagising ako may marahan na yumuyugyog sa akin at pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko ang nakayukod sa akin na si kuya at may hawak na payong sa nakabukas na pinto sa parte ko.

Huh? Nakatulog ako?

"S-sorry." paghingi ko ng paumanhin at patayo na ako ng marealized kong may naka takip sa akin at iyon ay 'yung suot na blazer ni kuya. Shit!

Napalunok ako at agad na muling napatingin sa kanya. Muli akong napasampal sa sarili ko mentally ng mapagmasdan ko ang magandang hubog ng katawan niya.

Halos kasi parang any moment sasabog na yung butones sa suot niyang puting long sleeve.

"Shall we?" nilahad ni kuya ang kamay niya sa akin at marahan kong iniwan sa upuan ko ang blazer niya at inabot ang kamay niya.

Nagulat ako sa ginawa ko dahil shit! Did I just--?! Bago ko pa magawang bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin ay siya na ang unang bumitaw at nilingkis ang kamay niya sa bewang ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin dahil naglalaban ang utak at puso ko sa sitwasyon na ito.

May side sa akin na nagsasabing kailangan kong kumawala sa pagkakalingkis ng kamay niya sa bewang ko pero may side din sa aking nagsasabi na hayaan nalang dahil ayaw kong mabasa si kuya kapag humiwalay ako sa kanya at ako ang payungan niya instead na dalawa kami maghati dahil hello, isa lang yung payong at hindi pa kalakihan kaya may tendency na may mas mababasa sa aming dalawa. Whew.

Nakarating kami sa office namin ni Rence at pagpasok namin ay agad kong inayos ang mga gamit ko para agad na makaalis. Ayaw ko ngang maipit uli kami sa traffic!

Habang nagliligpit ako bigla akong hindi sinasadyang napatingin ng mapansin kong parang pinupunasan ni kuya ang kaliwang braso niya hanggang sa marealized kong basang-basa 'yung parte na iyon. Ang lakas kasi ng ulan sa labas. Nakonsensya ako bigla at dali-daling naghanap ng pwedeng maipang punas sa drawer ko at lumapit sa kanya.

Mukhang nabigla si kuya sa ginawa ko pero hindi na ako umimik at tinuloy ang pagpunas. Hindi ko nga alam kung nakakatulong ginagawa ko eh pero bahala na.

"Thanks but you don't really have to." sabi niya ng matapos ako sa ginawa ko.

"U-uh yeah. Ayaw ko lang kasi mabasa pa yung ibang parte ng suot mo." reasoning ko na kahit ako alam kong nonsense.

Nakita ko sa peripheral ko ang pag ngiti niya kasabay ang pag iling at laking pasalamat ko na hindi niya nakita ang pagpula ng mukha ko.

"T-tara na." sabi ko hawak ang gamit ko na kinuha niya mula sa akin, "A-ah, teka. A-ako ng magdadala n'yan."

Pero syempre knowing kuya, hindi niya pinansin 'yung sinabi ko at siya ang nagdala ng gamit ko hanggang sa makabalik kami sa kotse niya kung saan, yung kanang braso naman niya ang nabasa samantalang ako at 'yung gamit ko kaunting talamsik lang ang meron.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nag panic ng biglang mag unbutton si kuya ng suot niyang long sleeve at sa taranta ko dahil baka may makakita sa gagawin niya ay agad ko siyang pinigilan not realizing na naipatong ko yung isang kamay ko sa hita niya malapit sa 'you know' niya at ang isa ko pang kamay ay nakahawak sa braso niya. Oh fuck!

Agad akong lumayo sa kanya at yumuko sa kahihiyan na nagawa ko.

"S-sorry. Uhm, a-ano. . Ano ba kasing ginagawa mo?" fuck! Nanginginig yung kamay ko na nahawak ko sa hita niya. Nahihirapan din akong huminga kasi parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko.

"Don't worry, love. I'm just going to change." kahit nakayuko ako alam kong nakangisi siya sa sinabi niya at naramdaman kong may inabot siya sa backseat. A-anong sinabi niya? Tama ba 'yung narinig ko? Did he just call me love?At change? Dito siya magpapalit sa luob ng sasakyan? Eh paano kung may makakita sa kanya? Sira ulo ba siya?

Nang maramdaman kong hindi na namumula ang mukha ko ay nag angat na ako ng tingin not knowing na mamumula din pala ako ulit ng lumapit siya sa akin suot ang bagong palit niya na long sleeve at bumulong sa tenga ko.

"No one's going to see what's yours except you, love. The windows are tinted."

Hindi ko naiwasang kilabutan at mapahawak sa braso niya ng bigla niyang marahang ihipan ang tenga ko. Buti napigilan ko ang sarili ko na mapaungol sa ginawa niyang iyon. Lumayo siya sa akin at sinimulan ng paandarin ang kotse.

"Let me take you home."

Fuck. Fuck. Just fuck!!! Ano bang nangyayari sa akin?! Ugh! I hate this day! Seriously! I hate it!

------------------------------------------------------

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon