AUTUMN MEETS WINTER ( XXXIX )

1.3K 85 0
                                    

"Teka, saan tayo pupunta?" tanong ko kay Nigel ng mapansin kong papalabas na kami ng building kung saan ginaganap ang event.

"Away from here." seryoso niyang sagot ng hindi inaalis ang pagkaka angkla ng braso niya sa balikat ko.

50-50 ang emotions ko ngayon dahil sa plano niya.

50% okay dahil ilalayo niya ako panandalian sa mga tao duon sa event. Lalo na duon sa dalawa dahil hindi ko alam kung makaka function pa ba ng maayos ang utak ko mula sa mga nalaman ko at nangyari sa pagitan naming tatlo today.

50% not okay dahil alam kong sa pagkakataong ito nasagad ko na ang pasensya ni kuya at malamang sa malamang kung hindi niya ako ipapatay sa mga tauhan niya ay itakwil niya ako at palayasin tuluyan ng bahay namin. Not that hindi iyon sumagi sa isip ko before na umalis or mapalayas na ako tuluyan sa bahay pero i don't know. May part sa akin na hindi komportable knowing na makakasama ni kuya sa bahay namin yung so-called fiancee niya. It makes my blood boil.

"Hop in." saad niya sa nakapara niyang sasakyan sa labas ng hotel.

Muntik na akong mapanganga ng makita ko ang sasakyan niya.

It's a Lamborghini Aventador Roadster in gray.

Nanginginig kong binuksan ang pinto ng backseat ng biglang, "Just because you're Quilo's brother doesn't mean you're going to make me your driver." may tono ng inis sa sinabi niya kaya dali-dali akong sumakay sa shotgun seat.

Shit. Kailan ko ba mare realized na nasa malaking pamilya ako? Na hindi ako dapat parang tangang mangha at nahihiyang kumilos sa mga ganitong bagay na para sa mga tulad naming mayayaman ay balewala lang?

Pero kasi. . gusto ko lang naman ng simpleng buhay. 'Yung masaya. Hindi 'yung dinadaan lahat sa pera. Gusto ko yung saya ng isang pamilya kagaya ng nararamdaman ko kina Tita Shine at Pearl at kapag nasa Paradise Hunt ako kasama si Miss Thalia at iba ko pang katrabaho.

"Anywhere you wanna go?" tanong niya ng mai-start niya ang kotse.

Bahagyang bumuka ang bibig ko pero dahil wala naman talaga akong sasabihin eh nagkibit-balikat nalang ako. Shit. Shit. Pakiramdam ko talaga mukha akong tanga sa ka awkwardan ko.

"That's fine. I know where we could go."

Wala pang ilang minuto habang tahimik akong nakaupo sa biyahe namin ay sunud-sunod ang naging pag tunog ng cellphone ko. Yikes!

Alam ko na kung sino ang maaaring nagtetext sa akin ngayon at iyon ay walang iba kundi si Enix. Hindi siya basta tumatawag sa akin ng hindi muna hinihintay ang reply ko sa text niya kung pwede siya tumawag, at kung tatawag man siya ay alam kong pangangamusta iyon dahil nagaalala siya. Unlike kung si kuya, siguradong tata--

*Ring-Ring*

Speaking of the devil.

Pasimple akong tumingin kay Nigel at sa cellphone kong tumutunog sa luob ng bar ko at sa labas ng bintana. Nagiisip ako kung sasagutin ko ba ang phone dahil panigurado, pagka pindot ko palang ng accept isang bulyaw na agad ang babasag sa eardrums ko.

"Give me your phone." utos ni Nigel kaya agad ko siyang nilingon para makasiguradong siya talaga ang narinig kong nagsalita. Baka kasi guni-guni ko lang.

"Don't make me repeat." inilahad niya pa ang palad niya na wari ay naghihintay sa cellphone ko.

Opps. May vibes siya na katulad kay kuya. At dahil ayaw kong makita kung paano magalit ang isang ito, agad kong kinuha ang kanina pang tumutunog na cellphone ko sa bag ko at ibinigay ito sa kanya.

Napalunok ako ng walang pakielam niyang sinagot ang tawag. Patay! Siya ang makakasalo ng bulyaw na para sana sa akin.

Kahit hindi naka loud speaker ang phone, dinig na dinig ko ang pagsisisigaw ni kuya sa galit sa kabilang linya. Actually, mas lamang ang pagmumura. Nakapatataka ngang ngumisi lang si Nigel at para pang nagpipigil ng tawa. Hala siya. May sira ba sa ulo itong si Nigel? Bakit ganuon lang ang reaksyon niya eh gayong may taong galit na galit? Weird.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon