AUTUMN MEETS WINTER ( I )

7K 186 9
                                    

Now Playing: Break Free by Ariana Grande

"This is the part where I break free 'coz I can't resist it no more. ." sabay ko sa kanta habang nagsho-shower. Sabihin ninyo ng mukha akong tanga dito sa luob ng banyo pero literal na sumasayaw ako habang nagsasabon ng katawan at nagsha-shampoo. Aba! Bakit ako matatakot madulas? Advance yata ako mag-isip kasi syempre, bago ako tuluyang madulas ay hahawak na agad ako sa shower curtain para hindi ako lalong matuluyan dahil yari ako sa kuya ko kung maaksidente ako habang naliligo.

Sabihin na naman niya, tatanga-tanga ako eh pinagaaral ako.

Pagtapos ko mag shower ay kinuha ko ang cellphone ko na nakalagay sa gilid ng sink at lumabas ng banyo.

45 minutes ang tinagal ko sa banyo? Oh well, hindi na bago. Isa pa, need kong maging super linis at bango lalo pa't medyo sikat kasi ako. And speaking of pagiging medyo sikat, hindi ko pa pala naipapakilala ang sarili ko sa inyo.

Tumapat ako sa harap ng malaking salamin na nakadikit sa cabinet ko at nag pose na ala ANTM. Baka bigla kasing magpa-audition sina Joe King o Tyra Banks kaya araw-araw akong nagpa-practice dahil syempre advance akong mag-isip na makukuha agad ako pero syempre joke lang kasi medyo sikat din si kuya at hindi ako payagan.

Ako si Arista Gabriel. Yes, Gabriel po ang surname ko kaya madalas akala ng ibang tao kapag sinabi ko ang complete name ko ay second name ko ang Gabriel. Half Fil-Jap ako pero may 25% yata ako na Spanish blood na nakuha mula sa mama ko. Fil-Spanish kasi siya. Share lang. 18 years old na ako at senior high school sa isang private school. Only child.

Syempre alam kong tatanungin ninyo ako ng bakit at paano? Eh parang kanina lang ay nagbabanggit ako ng tungkol sa kuya ko.

Well, sabihin nating anak ako sa labas kaya ang apelyido na gamit ko ay sa mama ko na hindi ko man lang nakita physically kundi tanging sa pictures lang. Maternal death ang kinamatay niya. Hindi siya as in totally namatay agad pagka-ire niya sa akin, nakapag spend pa daw siya ng time with me mga thirteen minutes before siya kinuha ni Lord sabi ni Tita Shine.

Coincidence lang siguro yung thirteen minutes kahit na marami ang nagsasabi na malas daw ang numero na iyon. Para kasi sa akin, hindi siya malas - nasa way of thinking lang nating mga tao na malas ang isang bagay kasi nataon siya sa isang scenario sa buhay natin.

Si Tita Shine ang bestfriend ni mama kaya siya ang nag alaga at nagpalaki sa akin hanggang sa nag seven years old ako kasama ng anak niyang babae na si Pearl na five years old lang ng mga panahon na iyon.

Kinuha ako sa kanya ng biological dad ko ng malaman niyang nagkaruon siya ng anak kay mama which is ako at inuwi sa bahay nila ng pamilya niya. Nung una, ayaw ko sumama sa kanya kasi okay naman na ako kina Tita Shine kaso si Tita na mismo kinausap niya at si Tita na rin mismo ang nangumbinsi sa akin na sumama kay papa kasi mas magiging maayos daw ang buhay ko duon dahil mayaman si papa at ang pamilya niya.

Hindi lang sila basta mayaman lang eh dahil makapangyarihan din sila. Si papa ang kasalukuyang Heir ng Yakuza ng mga panahon na iyon kaya para siyang diyos na sinusunod ng kahit na sino. Napaisip nga ako kung paano sila nagkakilala ni mama at paano sila nagmahalan. Curious ako kasi never nagbanggit ng about du'n si Tita Shine.

Tanda ko pa ng una akong tumapak sa bahay ni papa, nakatitig sa akin ang asawa't anak niya. Malamang ay sinusuri ako kung talaga bang totoong anak ako ni papa pero nawala din ang takot ko ng bigla akong yakapin ni Tita Keiko. Tuwang-tuwa siya dahil nalaman niyang may matatawag pa siyang anak bukod sa totoong anak niya - kabaligtaran sa naisip kong baka ipagtabuyan niya ako dahil anak ako sa labas katulad ng nakikita ko sa tv na pinapanuod ni Tita Shine tuwing hapon kung saan minamaltrato ang mga anak sa labas.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon