Ang bilis lumakad ng panahon! Anim na buwan na rin pala ang nakalipas mula ng mangyari ang mga bagay-bagay na hanggang ngayon hindi ko inakalang mangyayari at malalagpasan namin lalung-lalo na ni kuya. Akala ko huli na ang lahat para sa amin pero masyadong mabait ang nasa itaas at hinayaan na mabuhay siya siguro ay para na rin maitama namin ang mga pagkakamali namin sa isa't-isa lalo na ako sa ginawa kong pagtatago sa anak namin sa kanya.
Siguro tadhana din talaga na magkabati kami at mabuo bilang isang pamilya. Alam ko ang ilan na makakaalam ng kwento namin ay maaaring maging tutol sa amin pero kung ito ang nakatadhana na mangyari, sino ba naman ako para itanggi iyon. Isa pa, pinangarap ko rin naman na magkaruon ng buo at masayang pamilya hindi ko lang inakala na mangyayari iyon sa piling ng half brother ko na kinamumuhian ako o namin ang isa't-isa pero masaya ako at ayos na ang lahat sa amin na para bang walang nangyaring drama sa pagitan namin sa lumipas na mga panahon.
Tandang-tanda ko pa ng araw na gumising si kuya ay kaparehas nito ang naging saya ko ng una kong masilayan ang anak namin na si Claec. Umiiyak lang ako nu'n habang siya nakayakap sa akin. Walang ni isang nagsasalita hanggang sa dumating ang doktor at dalawang nurse para icheck ang kalagayan niya. Hindi siya nagtagal sa hospital dahil agad siyang nagpa discharge, tinakot niya pa ang doktor sa bagay na iyon. Ayaw niya kasi na tumagal pa duob dahil sa tingin niya ay mas makaka recover siya kung magkiki-kilos na ulit siya gaya ng dati niyang ginagawa kung saan sanay ang katawan niya kesa ang nakahiga.
Mabilis din ang mga naging pangyayari matapos nuon dahil kinuha niya kami ni Claec sa bahay ni Garet para duon tumira sa dati naming bahay. Ang nuo'y kwarto ko at naging kwarto ni Claec samantalang ang kwarto ni kuya ay well, naging kwarto naming dalawa. Ng una ayaw ko talagang pumayag pero dahil mapilit siya ay wala na akong nagawa. Sinabi pa nito na wala namang masama dahil mag asawa namin kami at kailangan ni Claec na ng sarili niyang kwarto ngayong 'big boy' na daw ito. Sa totoo lang, hindi kumportable din ng una si Garet ng kinuha kami ni kuya pero nagkausap sila nito at ayun. Nagulat nalang ako at ito pa mismo ang tumulong sa amin na ihatid ang mga gamit namin sa dati naming bahay. Iyon pala, na hindi ko na rin kinagulat, isang linggo after naming makalipat ay nabalitaan ko nalang na magkasama na sa bahay sina Pearl at Garet dahil kinwento sa akin ni Tita Shine.
Isang gabi mula ng makalipat kami ni Claec kasama si kuya sa dati naminh bahay ay napag usapan namin ang mga balak niya para sa 'pamilya' namin. Balak nito na sa ibang bansa nalang kami manirahan for good para na rin mas mabantayan niya kami ng husto at para makapagsimula ulit. Kinlaro kasi nito sa akin na oo nga at hindi niya pinaalam sa akin ang tungkol sa naging kasal namin nuon pero hindi ibig sabihin nito ay null and void ito dahil tunay ang kasal namin kaya naman kinukulit na ako nito na papalitan ang apelyido ko sa mga papeles na nuon ay ayaw na ayaw niyang mangyari. Natawa ako sa isiping iyon dahil minsan nagpaparinig siya sa akin na baka may balak pa akong maghanap ng ibang asawa bukod sa kanya dahil gamit ko pa rin ang 'maiden' name ko.
Nakaligtas man kaming tatlo nina Claec at Garet sa nangyaring pangkikidnap sa amin ni Miguel na kasabwat si Nigel at Lesanna ay hindi naman kami nakaligtas sa late effects nito. Syempre inuna kong ipatingin ang anak ko samantalang kami ni Garet ng magtigas pa na lilipas lang din ang mga sintomas na parang sakit pero hindi rin nakaiwas si Garet na magpatingin matapos siyang kulitin ni Pearl at takutin na hihilain siya nito papasok sa luob ng espesyalista kung magmamatigas pa rin siya. Natawa nga ako dahil nawawala ang pagka 'masculine' niya kapag nagalit si Pearl.
At ako? Sinubukan kong balewalain ang mga sintomas ng anxiety kaya ang ending hanggang sa dapat sana'y pagtulog ko ng mahimbing ay sinundan ako nito kaya ng malaman ni kuya ang tungkol dito ay sinermunan niya ako at walang pagdadalawang-isip na pina evaluate agad kung ang mga sintomas ko at pina therapy. Naexperience ko rin na kinailangan kong uminom ng sleeping pills para lang bumalik sa ayos ang tulog ko. Kaso habang dumadaan ako sa therapy hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa sa sarili ko at pagiisip na nagiging pabigat lang ako kay kuya at sa anak namin kaya naman muli akong pinatingin ni kuya sa isa pang espesyalista pero sa pagkakataong iyon ay duon niya na ako dinala sa huling tumingin sa kanya kaya siya gumaling sa dinanas niya nuon. Hindi niya ako pinabayaan sa mga panahon na iyon at ng mga taong nakapaligid sa akin. Naging totoo din si kuya at kinwento sa taong iyon ang mga nagawa niya sa akin nuon kaya naman holistic ang naging approach sa akin at hanggang ngayon ay dumadaan pa rin ako sa iilang therapies at masasabi kong nakatulong iyon sa akin para maovercome ang mga pinagdaanan ko.
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomansaArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...