AUTUMN MEETS WINTER ( LII )

858 70 2
                                    

"K-kuya! Tama na!" kahit umiiyak ay nataranta ako sa ginawang pagsapak ni kuya kay Enix.

"Didn't I tell you to stay the fuck off from Arista?" galit na saad ni kuya at muli na naman sanang aamba ng sapak kay Enix na nasalag naman nito.

"Yeah you did but it doesn't mean I'll listen to you." sagot ni Enix na siya namang gumanti ng sapak kay kuya.

"Fucking asshole!"

"Am I?" ngumisi si Enix at tumingin sa akin bago muling tumingin kay kuya, "'Coz I think you are. Why don't you tell Arista what you did and let's see who is the real asshole here, huh?"

Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa luob ng washroom. Laking pasalamat ko nalang na hanggamg ngayon wala pang ibang pumapasok ngayon dito dahil kung hindi, nakakahiya.

Galit na tumingin sa akin si kuya gayun pa man, may kung anong kakaiba akong nakita sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa nakita niyang umiiyak ako ngayon?

"Cat bite your tongue? Quilo, if you can't tell Arista what you did, it's fine. I already told him. Just a simple thank you will do but it doesn't mean I will let this slip. I'll take him with me."

"You! You fucking asshole!" nabigla ako ng bigla na namang sunggaban ng sapak ni kuya si Enix.

"Tumigil na kayo! Kuya! Enix! Ano ba? P-please! Parang awa ninyo na tumigil na kayo!" umiiyak akong umaawat sa kanila dahil mukhang wala silang balak na tumigil hanggat walang namamatay na isa sa kanila.

Masaya dapat ang araw na ito ngayon dahil graduation ko pero heto. Ito ang nangyayari ngayon.

Umiiyak ako hindi dahil sa saya. Umiiyak ako dahil sa sakit.

Alam kong galit sila sa isa't-isa kaya sila nagkakaganito ngayon sa harapan ko pero kung may dapat man na mas magalit walang iba iyon kundi ako at hindi sila. Ako ang mas nasasaktan ngayon sa mga nangyayari at ginagawa nila.

Naiintindihan ko kung bakit nagagalit si Enix at kung bakit siya nagkakaganito ngayon at iyon ay dahil sa ginawa sa akin ni kuya pero hindi din naman bingi para hindi ko marinig ang kanina niya pang pagpipilit na dapat sumama ako sa kanya at sa kanya na ako dapat mapunta.

Alam ko namang wala na akong magulang na mauuwian. Na walang aalo sa akin sa nararamdaman ko ngayon na sakit pero hindi ibig sabihin wala ng bahay na handang tumanggap sa akin dahil nandyan sina Tita Shine. Alam kong hindi nila ako pababayaan.

Naiintindihan ko rin kung bakit nagagalit si kuya kay Enix. Iyon ay dahil pinaalam nito ang isang bagay na hindi ko dapat malaman or dapat ba na nalaman ko pero sa kanya mismo? Hindi ko alam pero. .

"Sabing tama na! Tumigil na kayo!" patuloy ko pa ring pinaghihiwalay sina kuya at Enix hanggang sa hindi sinasadyang sa pagpupumilit ko ay natamaan nila ako at tumama ng malakas ang likod ko sa pader dahilan para mahilo ako at bago pa ako tuluyang mawalan ng balanse ay sinalo ako agad ni kuya.

"Arista! Are you okay? I-I'm sorry! I didn't mean to!" nagaalalang sabi ni kuya habang marahang hinahaplos ang katawan ko, "Fuck off!" bulyaw nito kay Enix na nakahawak sa iniinda niyang parte na napuruhan ni kuya.

Napaangat ako ng tingin ko at tumitig sa mga mata ni kuya. Puro na siya bangas pero nagagawa pa rin niyang magalala.

Mag alala? Talaga ba?

Muli kong naramdaman ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Kailan ba matatapos ang pag iyak ko na ito? Lalo ako naiinis sa sarili ko dahil lalo ko nararamdaman ang pagiging tanga at mahina ko.

"Arista. ." hinaplos niya ang mukha ko at ramdam ko ang paginit ng buong katawan ko. Kinagat ko ang mga labi kong nanginginig. Pinipigilan kong magsalita dahil hindi ko alam kung anong pwede kong masabi sa kanya na hindi ko maaaring bawiin pa.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon