AUTUMN MEETS WINTER ( XLVIII )

1.2K 100 19
                                    

[ Hoy, beks! Pasalubong ah! ] kinikilig na sabi ni Pearl sa akin sa kabilang linya habang tumatawid ako sa oh so famous na Shibuya crossing. 

Kahit maraming tao akong kasabay tumawid at makasalubong, pakiramdam ko wala ni isa sa mga ito ang may pakialam sa existence ko. Siguro ito ang dahilan kung bakit may mga unspoken issues ang mga Japanese kahit napaka ganda ng bansang ito. Sa bansang kinalakihan ko kasi, tatawid ka nalang may mga matang mapangusisa pa na titingin sa iyo na hindi mo alam kung nilalait ka o naa-amaze sa iyo bilang tao. 

"Oo! Bibilhin ko yung vibrator na gusto mo!" natatawang sagot ko.

"Gago! Manyakol!" kahit hindi ko man makita, alam kong namumula ang mukha nito sa sinabi ko. But to make things clear, hindi iyon ang pinapabili niya kundi yung iba't-ibang flavors ng KitKat. Hahaha. Gusto ko lang talaga siya asarin tungkol sa sex toys. Normal lang kasi iyon dito na makita mong binebenta na parang laruan sa bata. Hahaha. 

At saka hindi rin ako bibili nu'n. Mamaya isumbong pa ako nitong mga kasama kong bodyguard kay kuya eh 'di nalintikan naman ako sa kanya at magtaka pa iyon saan at kanino ko gagamitin.

Sa totoo lang, naiilang ako na may kasamang mga bodyguard pero hindi naman ako maka hindi kay kuya ng sinabi niyang papasamahan niya ako sa kanila. I mean, pwede ka magtanong sa mga lokal dito kung sakali mang maligaw ka at wala kang kasamang iba. Kahit hindi ganuon kagaling mag ingles ang mga hapon, gagawa sila ng paraan para matulungan ka. Iyon ang kagandahan sa kanila. At oo nga pala, kung balak ninyong gumala sa Japan mag isa na gaya ko, na balak ko sana, kung hindi lang sa trip ni kuya na pabantayan ako, huwag na huwag ninyong kakalimutang dalhin ang passport/visa ninyo dahil pa minsan-minsan, may mga police dito na lalapit sa iyo at tatanungin ka ng kung anu-ano. Iniiwasan kasi ng mga lokal dito ang mga tagu ng tago o TnT. 

Saan kaya pwede kumain dito? Ang laki-laki kasi ng lugar na ito. Parang ito yung counterpart ng commerce city sa bansa ko, pero syempre mas maganda yung dito! Parang New York!

Kung sa pang gastos sa kakainan ko, wala akong problema. Binigay sa akin ni kuya yung black diamond embedded card niya kanina bago kami umalis kasama ang mga bodyguard niya. OA nga eh kasi pito ang pinasama niya sa akin eh pwedeng isa lang naman. Nag search ako sa google kung saan may masarap na kainan kaso ang daming results na binigay sa akin. Siguro ganuon talaga kasi balita ko sa mga nakapunta na maganda talaga dito lalo na at masasarap at fresh ang mga hinahain at kinakain ng mga tao dito. 

I accept defeat at wala na akong nagawa kundi tanungin ang isa sa mga kasama kong bodyguard kung saan ang marerecommend nilang masarap na kainan dito sa kanila. Buti na nga lang at marunong mag ingles itong tinanong ko dahil lahat sila pure Japanese. 

And to my surprise, akala ko sa putchu-putcho lang nila ako irerecommend gaya ng sinabi ko pero we end up on a high-end restaurant. Yikes! Magkano kaya ang macha-charge sa credit card ni kuya? Hala!!!

Pakiramdam ko naglalaway na ako sa panunuod palang kung paano niluluto ng chef ang inorder ng isa sa kasama kong bodyguard na best seller nila para sa akin. Putek! Ang bango! My gahd! Oh how I wish nandito din si Pearl. For sure, matutuwa iyon at may kasama akong magmukhang ignorante at patay gutom sa putaheng kakainin ko. 

At oo nga pala! Ngayon ko lang naalala. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na matapos ang Christmas Eve, sinundo kami ng chopper ni kuya sa isa sa pagmamay-ari niyang building para dito sa Japan mag New Year. Ngayon ko lang ulit maeexperience na na mag bagong taon sa ibang bansa. 'Yung unang beses kasi ay nung pumunta kami ng Italy ng bata pa ako dahil may pinuntahang party ba iyon or meeting si Papa para sa mga tulad niyang may magandang estado sa buhay. Hindi ko na nga masyadong maalala ang mga nangyari duon eh. Ang naaalala ko lang may muntik na siyang pag buhatan ng kamay na kasing edad niya na hindi ko na rin maalala ang mukha. Kamusta na kaya iyon?

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon