"Arista, my love!" malakas na tawag sa akin ni Pearl na tinalo pa ang volume ng pinapatugtog kong kanta na mamaya ay ipe-perform na namin sa stage. Yes. Ngayon na ang schoolfest at hindi ako makapaniwala sa dami ng estudyanteng bumili ng ticket para lang mapanuod ang performance ng bawat levels kaya todo na ang kaba ko.
"Oh bakit?" hinto ko sa drama kong pagpa-practice alone. Syempre dapat pulido dahil kung hindi, mawawala ang tsansa naming manalo. Jusko. For some reason, few days before this event of ours ay ginusto kong manalo kami. Siguro dahil gusto ko ng nine sa class card ko. Hahaha.
"Wow! Seryoso ang goal natin na manalo ah? Anyway, pumunta ako dito para iabot 'to sa'yo. Galing 'yan kay Enix. Ako na ang nag abot sa'yo kasi sabi ko sa kanya busy ka saka para hindi ka niya madistract with his presence so thank me later kapag nanalo kayo sa support ko sa inyo ng section mo. Hahaha! Sige. Una na ako. Kami ang marshall sa event sa Audi. Baka kasi magwala yung mga estudyante sa presence ninyong mga magpe-perform. Galingan mo! Baka dumating din ang kuya mo kaya kailangan energy ha? Sige! Ba-bye!" inabot niya sa akin ang isang medium sized box bago siya tumakbo paalis kung saan pagbukas ko ay nagulat ako na ang favorite kong cake iyon na turtle pie. Oh my gosh! Paano nalaman ni Enix na favorite ko 'to? Tinanong niya ba ito kay Pearl? Oh my!
Bumalik ako sa realidad ng marinig kong nagri-ring ang cellphone ko kaya agad ko 'tong inabot at sinagot.
"Hello." nakangiti kong bati sa taong nasa kabilang linya. Shit. Kinikilig ako.
[ Hi? I guess natanggap mo na ang congratulatory gift ko para sa performance ninyo mamaya? I can clearly picture that smiling face of yours right now. ]
"Nga pala, thank you sa cake! Actually, hindi ko naisip na pa-early gift mo 'to. Akala ko kasi sorry token mo 'to sa hindi pagpaparamdam sa akin nitong nakaraan."
[ Wait. Did you miss me? Well, I missed you too. I was just busy but let's forget about that. What matters is I'm here and I'm going to watch you perform. O'sya. Baka naaabala na kita sa pagpa-practice mo 'yun kasi ang sabi ni Pearl ng magkasalubong kami kaya sa kanya ko na pinabigay 'yang cake. ]
"Hindi ka naman abala but thanks again for the cake. I'll make sure I eat it before I step on the stage."
[ I look forward to that and also, I want to spend time with you after your performance if that's okay? ]
Shit. Spend time with me? Is he asking me on a date? Shit. What should I say? I mean, I tried to ignore what Pearl had said awhile ago but what if! Just what if, kuya go here and watch me too? Geez. I'm stuck.
"Uhm yeah?"
[ Good. I can't wait to see you then. I'll be hanging up because if not, you'll not be able to practice. I love you. ]
Sasagot pa sana ako kaso ayun nga. Binaba niya na ang linya niya. What the?! Did he just said 'I love you' at the end of his sentence?
Hindi ko maiwasang hindi mamula kaya para magising ako at maiwasan ang tag landi-o-switch na ma-on ay sinampal ko ang magkabilang pisngi ko at kinain na ang cake na bigay niya. Hahaha. Ang cute. Infairness! And guys, don't worry na-picturean ko na siya at ipo-post mamaya sa IG para mainggit ang sangkatauhang naka-follow sa akin at baka maisipan din nilang magpadeliver sa akin sa bahay. Hahaha! Who wouldn't want free food, right? But of course, I'm just kidding. Eh di nalaman na ng mga followers ko na lalaki ako at hindi talaga babae. So never mind.
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...