Panay ang tingin ko sa cellphone ko habang hinihintay ang reply sa akin ni Pearl kung nasaan na siya at ang reply sa akin ni Garet dahil nagsabi ako na male-late ako ng uwi habang magkasabay kaming naglalakad ni kuya papunta sa kung saan.
Nagtataka nga ako dahil mukhang siya lang mag isa ang nagpunta dito at walang nakasunod sa kanya na bodyguard.
"Ano palang ginagawa mo dito, Mister Naito?" pagbasag ko sa katahimikan sa pagitan namin.
Loko kasing Pearl iyan. Hindi ko alam anong kalokohan ang nasa isip niya at iniwan ako kasama itong si kuya.
"I was looking for her because she wasn't in her condo when I went there. She was asking me to accompany here in the mall earlier and since I was busy I forgot to reply that I'll be joing her. I never thought that I'll see her here with you. Not that its a bad thing but I was just surprised."
"Oo nga eh. Mukhang bored na bored yata siya sa condo niya." nakangiti kong sabi habang nakatitig siya sa akin.
"I think she'll take long to come back so, mind joining me for a dinner?"
"Uhm. ." shit. Hindi ko alam kung papayag ako dahil baka biglang bumalik si Pearl.
"I'll take that as a yes." sabay hila sa kamay ko kung saan muntik pa akong matapilok kaso hindi natuloy dahil agad niya akong marahang hinila at pinatong ang kamay sa balikat ko at ngumiti, "Thank you."
"T-Thank you? For what?"
"For existing." and I swear, yumuko ako pagtapos niyang sabihin iyon dahil ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa sinabi niya.
"Saan tayo pupunta, Mister Naito?" tanong ko habang naglalakad kami. Pinagtitinginan din kami ng mga tao pero parang wala lang sa kanya. Kung ano 'yung ugali niya after namin ehem, maikasal eh ganitong-ganito pa rin ang ugali niya sa akin. Well, hindi ko alam kung hanggang kailan. Siguro hanggat hindi ko pa sinasabi ang totoo sa kanya hindi pa siya magba violent reaction sa akin.
"We're going to eat, right? Saan mo gusto?"
I don't know why but it gives me goosebumps kapag naririnig ko mag filipino si kuya. Mas lumalalim kasi ang tono ng boses niya compare kapag nageenglish siya or nihonggo. Not that I don't like it but I just somehow simply simp over him speaking in filipino.
"Sa fast food chain nalang para mura saka baka bumalik na rin maya-maya si Pearl." sabi ko at pumasok kami sa isang fast food chain na hindi matao.
Well, ito yung fast food chain na sa palagay ko hindi matao pero still in the business dahil sa sikat nilang salad. Masarap din yung soft served chocolate ice cream nila.
Nasa counter na kami at habang tumitingin si kuya sa malaking LCD na may nakalagay na mga menu ay nakita ko kung paano ma jaw drop yung babaeng naghihintay ng order namin na parang nakakita siya ng higit pa sa isang celebrity.
"What do you want, love?" nanlaki ang mga mata ko sa huling salitang sinabi niya at ganuon din yung babae sa harap namin na awkward na tumingin sa akin at parang hindi makapaniwala sa narinig niya.
"M-Macaroni salad saka chocolate frosty." sagot ko na hindi makatingin sa kanya pero ramdam kong nakangiti siya habang nakatingin sa akin.
"Miss, give me one order of macaroni salad, two orders of dave's double with fries and drink, drink will be nestea and both fries and drink are large, one order of two piece chicken and one order of chocolate frosty for my love."
This time hinarap ko siya at kinurot sa braso. Nakita ko naman kung paano magbago ang reaksyon ng mukha niya na muntik ko ng ikatawa.
"Ouch! What's that for?" tanong niya habang hinihimas ang parte na kinurot ko.
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...