AUTUMN MEETS WINTER ( LXX )

913 92 15
                                    

Garet

Papunta kami ngayon ng inaanak ko sa mall para gumala kasi bukod sa wala akong trabaho ngayon at wala ding pasok si Claec eh ang boring sa bahay.

Buti nga at pumayag si Arista na lumabas kami kahit late na akong nakapagpaalam sa kanya. So ngayon papunta kami sa isang mall kung saan napapabalitang maraming namamataang artista. Ehehe. Alam ninyo kasi kung hindi ninyo naitatanong, fan ako ni EA at ultimate crush ko siya kaya naman nagbabaka sakali ako na makita ko siya dito.

"Oh Claec, nandito na tayo. Huwag kang hihiwalay sa akin kundi yari ako sa Papa mo kapag naiwala kita. Baka mapatay ako nu'n." pabiro kong sabi na kinatawa niya.

"You don't have to worry about me, Aunt Garet getting lost. I know where to go if that happens and where you can find me. In the concierge, right? Besides, it's you who I'm afraid getting lost because you have no sense of direction." kibit-balikat na sabi nito.

Napa jawdrop ako sa sinabi niya. Antokwa! Pasalamat itong si Claec at bata siya kundi naku! Manang-mana talaga sa pinagmanahan!

Pero kung sabagay, he's right. Napangisi ako ng maalala ko 'yung unang pagkikita namin ni Arista. Naligaw ako nu'n because I have no sense of direction. You know, Zoro from One Piece? I'm kinda like that. I'm his girl este lesbian version. Hahaha.

"Fine, fine! O' saan mo gusto unang pumunta?"

"I want to eat. I got hungry on our way here."

"Alright. Let's find a place to eat."

Habang naghahanap kami ng makakainan, hindi nakatakas sa paningin ko ang mga tingin ng nakakasalubong namin sa amin. Hindi sa akin kundi kay Claec. Thou maganda ako at hindi ako 'yung nagdadamit lalaki o lalaki kung kumilos.

Napangisi ako. Kung curious kayo kung bakit sila napapatingin sa kanya, well, artistahin kasi ang mukha ng batang ito and to be honest, carbon copy niya ang tatay niya -- well, according to Arista which I was proved to be correct ng makita ko ito face to face.

Nakakatawa nga dahil carbon copy nito ang mukha, ugali at talino ni Quilo. Akala lang ni Arista sa kanya nagmana ng ugali ang anak niya. Kung alam lang niya sa kanya lang ito sweet dahil pagdating sa iba may pagka magsusungit ito. Matured siya makipag usap hindi gaya ng ibang mga bata dahil sa taas ng IQ na meron siya. I'm not saying na hindi matalino si Arista but Quilo's level of intelligence is higher than his. Nagiisip nga ako kung dumaan siya sa depression ng inakala niyang namatay si Arista kasi ang pagkakaalam ko, mas prone sa depression or mental health issues ang mga taong mataas ang IQ but feel free to correct me if I'm wrong. There's always room for knowledge.

Napabuntung-hininga ako.

Kailan kaya masasabi ni Arista kay Quilo ang totoo? Lalo na 'yung tungkol kay Claec?

Hindi naman kasi habang-buhay, maitatago niya ang tungkol sa anak nila ni Quilo lalo pa kung kamukhang-kamukha niya ito at naghahatid ito sa kanya sa bahay. Heh! Akala niya siguro hindi ko alam na dalawang beses na siya nitong hinatid sa bahay namin.

Hindi ko rin naman kasi masisisi ang naging desisyon nuon ni Arista sa ginawa niyang paglayo sa mga taong malapit sa kanya lalo na at alam ko ang buong kwento sa pagitan niya at ni Quilo pero sana naman this time, magkaruon na sila ng happy ending. Nang nakita ko kasi si Quilo kasama si Pearl, may kutob ako na nagpapanggap silang dalawa na magkarelasyon at pakiramdam ko pakana iyon ni Quilo o baka nilang dalawa para malaman kung si Arista nga ba talaga ang Arista na kilala nila kaso itong isa naman, hay. Ewan ko ba. Pero syempre hindi ko sinabi ang tungkol duon kay Arista. Hihintayin ko nalang dumating ang sandali na magkakabukingan sila sa mga kalokohan nila. Hahaha.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon