Isang oras din akong tumambay sa luob ng convenience store matapos makaalis ng kasama kong babae kanina ng mapagpasyahan kong umuwi na nga ng bahay namin.
Natanong ko na rin naman sa cashier kung may alam siyang daan pauwi sa sinabi kong lugar at laking pasalamat ko na meron iyon nga lang medyo malayo at madaming pasikut-sikot pero ayos lang basta makauwi ako sa amin.
Oo. Tama kayo ng nakikita. Uuwi ako sa amin. Sa bahay namin ni kuya.
Alam kong iisipin ng iba na ang tanga ko sa gagawin kong ito matapos ng mga nalaman ko pero nakokonsensya ako sa isipin na nagaalala na sa akin 'yung mga kasama ko kanina na kung ano ng nangyari sa akin.
Sana nga lang pag uwi ko sa bahay, hindi ako pagbuhatan ng kamay ni kuya gaya ng dati. Whew.
Naglalakad ako sa gilid ng kalsada na may mga nakabukas na poste ng ilaw at iilan-ilan nalang ang mga nakikita kong kotseng nagdadaan kaya kahit papaano ay napanatag ako. Oo nga at nakakatakot ang ganitong senaryo sa iilan lalo na kung babae ka kaya laking pasalamat ko at naging lalaki ako -- binabae nga lang. Walang makakapag husga sa akin sa hitsura ko ngayon na naglalakad pauwi sa amin.
Hindi ko na napansin gaano katagal na ako naglalakad pero ang nakakuha ng atensyon ko ay 'yung kotse na parang sumusunod sa akin.
Bigla akong kinabahan.
Makailang ulit kong iniling ang ulo ko dahil baka napaparanoid lang ako.
Impossible.
Kung si kuya man iyan o ang mga tauhan niya na hinahanap ako, hindi sila aakto ng ganyan dahil lalapitan agad nila ako at magsasabi sa akin o baka nga ipakausap pa sa akin si kuya sa kabilang linya ng telepono pero. .
Muli akong lumingon sa nilalakaran ko at napansin kong wala na 'yung sasakyan na pakiramdam ko sumusunod sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. Pero wala pang ilang minuto ay nabigla ako ng may mga lalaking naka ala men in black na humarang sa akin.
Sino itong mga ito?
"Mr. Gabriel. Pinapasundo kayo ng kuya mo sa amin." saad ng isa sa kanila.
Gabriel? Masyado naman yata silang formal? Pero teka, paano nila ako nahanap? Wala naman akong dala na cellphone or wallet para mahanap nila ako?
Pinagmasdan ko sila. Nagbabaka sakali na baka nakita ko na nuon ang mga mukha nila at napansin kong parang hindi sila nahirapan sa paghahanap sa akin o natuwa man lang na nahanap na nila ako.
Alam ninyo kasi, matagal na kaming magkasama ni kuya at napansin ko ang trato ni kuya sa mga tauhan niya pagdating sa akin. 'Yung mukha kasi ng mga tauhan niya kapag nakikita ako either masaya at nakahinga na ng maluwag o kinakabahan. Depende syempre sa kung anong pinatrabaho ni kuya sa kanila na tungkol sa akin.
"Uhm, paano niya ako nahanap? Kamusta si kuya?" tanong ko ng hindi gumagalaw mula sa kinatatayuan ko.
Iba ang pakiramdam ko dito. Hindi ako kumportable sa kanila.
"Sumama ka na muna sa amin, Mr. Gabriel at si Boss na ang bahalang magpaliwanag sa inyo."
Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya. Hindi ko alam pero ako mapalagay sa kanila.
"Pwede bang tawagan ko muna si kuya?"
Nagkatinginan sila sa sinabi ko.
"Mr. Gabriel. ." humakbang ang isa sa kanila para lapitan ako pero agad ko iyon pinigilan.
Sabi na eh!
Sino kaya nagpadala sa kanila? Anong kailangan nila sa akin?
"Hindi kayo tauhan ni kuya, tama ba?"
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...