AUTUMN MEETS WINTER ( L )

1.1K 78 6
                                    

Ilang araw na din ang nakalipas mula ng mangyari ang insidente sa pagitan namin ni Enix and to be honest, after ng gabing iyon, pakiramdam ko hindi na talaga siya yung dating Enix na nakilala ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero alam kong soon malalaman ko iyon dahil alam kong may chances na magkita kami ulit dahil sa sinabi niya.

Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko at napa buntung-hininga. May hinala akong ito ang dahilan kung bakit biglang ganuon nalang ang naging reaksyon ni Enix sa akin. Kahit nga si Nigel parang nagulat ng makita itong suot ko. Samantalang si Pearl naman ang saya-saya ng reaksyon.

Kaya ba ganuon nalang ang inis, gulat, o galit nina Enix sa akin at Nigel ay dahil counterpart na ako ni kuya sa posisyon niya ngayon? Natatakot ba sila sa akin sa kung anong pwede kong maiambag? Kung sa totoo lang naman ay mukhang wala akong maiaambag dahil hindi ko alam kung paano iyon patakbuhin.

Hindi ko din alam kung guni-guni ko lang ba ito pero pakiramdam ko nitong mga nakaraan may mga matang nakasunod sa akin. I mean, kung sila man ang bodyguard na kinuha ni kuya para sa akin, bakit pakiramdam ko hindi ako kumportable sa pagmamasid nila sa akin? Dapat ko bang tanungin tungkol dito si kuya? O baka hindi nalang dahil baka madagdag pa itong bagay na ito sa ibang importanteng alalahanin niya.

Speaking of kuya, madalang kami magkausap ngayon. Siguro ay dahil sa sobrang dami ng ginagawa niya.

Hay. February na. Malapit na ang graduation namin ni Pearl. Excited na ako mag college para pagka graduate ko tutulong na ako sa mga trabaho ni kuya para hindi siya napapagod ng husto. Kaso nga lang. . by that time, hindi ako sigurado kung single pa rin siya o kasal na. Nawalan kasi ako ng kahit na anong balita mula kay kuya tungkol kay Lesanna Shin.

Mabilis na lumipas ang mga araw at namalayan ko nalang na valentines na sa dami kong nakikitang nagbebenta ng mga bulaklak, balloons, at chocolates sa paligid. Isama mo pa duon 'yung mga akala mo hotdogs na nakapulang attire at mga magka holding hands at nagme makeout sa public. Hay. Ang sarap mag offer ng hotel accomodation para sa kanila.

"Hoy. Araw ng mga puso ngayon tapos iyang mukha mo sambakol. Bitter ka 'te?" salubong sa akin ni Pearl mula sa school gate.

"Hindi ah. Bakit ako mabi-bitter? Natutuwa pa nga ako kasi ito lang yung araw kung saan pwedeng maging hotdog ang karamihan. Hahaha. Hotdog Festival." sarkastiko kong turan.

"Hay naku. Bitter nga at mukhang alam ko na kung bakit. Kulang ka sa hotdog - hotdog ni Quilo. Oops. My bad hindi pala hotdog 'yung kanya kundi bologna. Hahaha." mamatay-matay sa tawa niyang asar sa akin kaya agad ko itong binatukan.

"Gago. Bibig mo. Umagang-umaga kabastusan agad." saad ko sabay irap.

My gosh. Akala ko lalaki ang malibog na nilalang sa mundo pero mukhang nagkamali ako dahil wala ng mas lilibog pa sa taong nagngangalang Pearl.

"But kidding aside, hindi ba nagparamdam sa iyo si Quilo like kagabi or today?"

"Hindi eh. Nagkausap naman kami nuong isang araw at sabi niya sadyang marami lang siyang inaasikaso kaya naiintindihan ko naman. Besdies, hindi dapat i-big deal itong valentines kasi ever since hindi kami nagcecelebrate nito. I mean, specifically ako, ewan ko nalang siya before."

"Eh para saan 'yung--?" halos pabulong niyang turan kaya agad ko siyang nilingon.

"Ano sabi mo?"

"Wala. Anyway, heto oh. Happy Valentines, Arista my love." masayang bati niya sabay abot sa akin ng binili niyang chocolate mula sa bag niya.

"Well, Happy Valentines din, bitch." natatawa kong tugon sabay abot sa kanya ng chocolate na kaparehas ng iniabot niya sa akin.

"HAHAHA. GAYA-GAYA KA." may kalakasang saad ni Pearl na natatawa dahil sa coincidence ng binili namin para sa isa't-isa.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon