AUTUMN MEETS WINTER ( XXXV )

2.2K 133 21
                                    

Nagising ang diwa ko sa mumunting mga boses na aking naririnig sa hindi kalayuan mula sa akin. Teka, patay na ba ako?

Ang huli kong natatandaan ay matapos akong itulak papasok ni mystery guy sa elevator ay nag blackout na ako. Bakit nga ba ako nag blackout? Ah! Tama! Naalala ko na.

Nagsasayaw kaming dalawa sa deck ng barko ng bigla nalang may sumabog at ng bumalik kami ay sinalubong kami ng napakaraming armadong lalaki. Nakaligtas kaya sila? O nagaya sila sa akin na patay na? Kung sabagay, kung mamamatay sila quits lang. Iniwan nila ako para makaligtas sila eh.

Pero teka nga! Kung patay na ako, nasaan ako ngayon? After life? Makikita ko ba si San Pedro o ang Grim Reaper? Totoo kayang matandang lalaki si San Pedro na may dalang manok? At ang Grim Reaper? Babae kaya siya o lalaki? Gwapo ba o maganda? O baka isang matangkad na nilalang na hindi nakikita ang katawan na nakasuot ng itim na hood at may karit? Oh mg gosh! Hindi ko alam pero naeexcite akong malaman ang tungkol sa bagay na ito kesa sa malaman kung sa heaven ba ang punta ko o sa hell. Saka nalang ako magpapanic kapag binasahan na ako ng mga kasalanan ko ng nabubuhay pa ako.

Pinakiramdaman ko muna ang paligid at maingat na sinubukang galawin ang aking daliri na siyang nagawa ko kaya unti-unti ko na ring binuksan ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang maliwanag na ilaw kaya agad akong napabalikwas.

"A-aray! Aray!" usal ko ng may humapdi sa kaliwang braso ko.

Muli akong napabalikwas ng marinig ko ang isang pamilyar at natatarantang boses papunta sa akin.

"Hey, are you alright? Tell me where it hurts."

Oww? So? Hindi ako natuluyan? Oh my gosh!

"A-ang s-sakit ng braso ko." maiiyak kong reklamo. Sobrang sakit. Mas masakit kesa ng tamaan ako nito.

"Doc, is he gonna be okay? He said it hurts." alalang usal ni Enix sa lalaking nasa gilid niya.

Kanina pa ba siya nand'yan?

"Well, base sa tama ng bala niya sa braso gaya ng napagusapan natin kanina. ." panimula ng Doktor na hindi ko na nasundan dahil bigla akong nakaramdam ng antok. Anong nangyayari sa akin?

Nang magising ako for the second time around, iyon ay dahil siguro sa pagkanta ng nagbabantay sa akin na si Enix na nakaupo sa ulunan ko at hinahaplos ang buhok ko.

Hindi ako agad gumalaw para patuloy kong mapakinggan ang pagkanta niya. Ang sarap kasi sa tenga. Isa pa, medyo nanghihina pa ang katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa dextrose na nakalagay sa kanang kamay ko. Baka kasi alam ninyo? Hinaluan ng kung ano.

Well you can't get what you want
But you can get me
So let's set out to sea
'Cause you are my medicine
When you're close to me
When you're close to me

Huli na ng mamalayan kong nakangiti ako sa pagkanta niya. Hindi ko naimagine na mas maganda pala 'yung kantang iyon kapag ginawang acoustic.

"You like it?"

"Mm-hmm." sagot ko na may ngiti sa aking labi, "Very much. I didn't expect na alam mo 'yung kanta na iyon."

Hinalikan niya ako sa nuo at marahang hinawakan ang kamay ko.

"Sorry, it was my fault that you end up being shot at the party. Kung alam ko lang na mangyayari iyon sana sinama na kita sa meeting ko with my client." kita ko sa mga mata niya ang labis na lungkot kaya hinaplos ko ang mukha niya at ngumiti.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon