AUTUMN MEETS WINTER ( LVIII )

901 92 23
                                    

"Papa?" nilingon ko ang anak ko na nakaupo sa tabi ko at nagbabasa ng We Dream Of Space ni Erin Entrada Kelly na nabili namin nitong weekend.

Pumayag kasi ako na gumala kami nitong nakaraan dahil simula bukas, magiging super busy na ako dahil sa very much VIP client namin ni Rence.

"Hmm?"

"I just wondered, was my Father, you know? A romantic person?"

Natulala naman ako sa out of the blue na tanong niya sa akin.

"W-why?"

"Because my birth month is November and as what I learned, babies that are born in November was made around February which is love month. The month valentines is being celebrated so, uhm, I just thought if my father was a romantic person."

Nagulat talaga ako sa sinabi ng anak ko. Like, hindi ko inexpect iyon.

"Where did you found out about that?"

"Internet." sagot niya at nagkibit balikat.

Oh fuck. Pagbawalan ko ba ang anak ko na gumamit ng gadgets? Baka sa susunod kung ano na isearch nito eh.

Huminga ako ng malalim at ngumiti, "Yes. He was." eh sa totoo naman. Hindi ko naman pwedeng idisregard yung pinakita niya sa aking maganda kesehodang pagpapanggap iyon o hindi dahil sa mga mata ko, ng mga panahon na iyon, nakita ko ang sweet side ng kuya ko. Hay. Bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko sa pagalala ko sa nakaraan?

"You miss him don't you?"

"Huh? Why is that?

"Because whenever I asked you about him, you look like you're about to cry. I'm sorry, Papa. I'm not going to ask you anymore about him. Just forget as well that I asked you that I want us to be complete on my birthday. Maybe in time we will meet but not now."

Sa narinig kong sinabi ng anak ko, pakiramdam ko para akong sinaksak ng napakaraming kutsilyo. Oh no!

"No, baby. Don't say that." tuluyan na akong naiyak. No. Things shouldn't turn out this way, "I'll make a way for you, me and your father to be together on your birthday. Hmm? I love you."

Yakap-yakap ko ang anak ko at napangiting pilit. Kung alam lang ng anak ko, nalulungkot ako hindi lang dahil namimiss ko ang tatay niya kundi dahil alam ko din sa sarili ko na pati siya mismo ay nahihirapan dahil sa ginawa kong pagkakamali. I shouldn't have pretend that I was dead but I didn't know why I chose to pretend I was for them. Ngayon heto ako nahihirapan pero alam kong mas nahihirapan ang anak ko dahil nakikita niya akong nasasaktan.

Bumaba ako at pumunta ng kusina para kumuha ng maiinom na alak at umakyat papunta sa veranda kung saan ko naabutan si Garet na naka upo at nakatingin sa kawalan habang may hawak na stick ng sigarilyo.

"Mukhang malala na iyang problema mo ah. Ngayon lang kita ulit nakitang uminom." nangiting sabi niya pag upo sa tapat niya.

Alam ninyo kasi, simula ng mapagpasyahan kong magsimula ng bagong buhay, kinalimutan ko na yung mga dati kong ginagawa. 'Yung nagdadamit babae, umiinom, nagba-bar, nagpapakasaya sa buhay kasi duon ko naisip na may resposibilidad na akong dapat asikasuhin at iyon ay walang iba kundi ang anak ko dahil gusto ko siyang bigyan ng magandang buhay.

Last na inom ko yata ng alak ay ng finals na namin before graduation. Sa sobrang dami kong ginagawa kasi ng mga panahon na iyon inakala kong napabayaan ko ng bahagya ang pagaaral ko kaya nastress ako at nag inom. Nakakatawa nga dahil duon pa ako sa pinatatrabahuan ko nagpaalis ng amats. Ayaw ko naman kasi makita ako ng anak ko na lasing.

"Garet, tapatin mo nga ako."

"Naka tapat na ako sa iyo." pilosopong sagot niya na nakangisi pa.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon