Pagdating ko ng classroom ay sinalubong ako ng mga kaklase ko na busy sa kanya-kanyang nilang ginagawa.
Anong meron? First subject palang naman at nakapagtatakang wala pa ang instructor namin pero kung makakilos sila parang may homework kami na nakalimutan kong gawin. Teka, meron nga ba?
"Arista, wag kang tumunganga d'yan. Halika ka na dito at magpractice." tawag ng class president sa akin kasama ang mga backup dancers ko. Teka, anong nangyayari?
"Huh? Ten minutes nalang kaya bago dumating si Sir."
"May isang buwan nalang tayo bago ang schoolfest kaya nagpaalam na ako sa ibang mga teachers natin for minor subjects na kung pwede ay payagan tayo makapag practice at pumayag naman sila. Bale, majors lang ang schedule natin today."
Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o hindi. Sobrang seryoso ng mga classmates ko na manalo kami dahil mataas na grades ang nakasalalay dito. Pressure tuloy ako. At bakit hindi pa sinagad hanggang major subjects? Ano ba iyan!
"So, pwesto na. Kailangan i-polish ang mga moves and facial expression." sabat ng class vice president at pumalakpak pa ng tatlong beses na nangangahulugang mag ready na kami.
Pagtugtog ng music ay sabay-sabay kami na umindak. Syempre, sayaw muna ang dapat na unahin kasi kung sa pagkanta ay wala namang problema. Ako pa ba? Hahaha.
Naisip ko tuloy kung pupunta si kuya. Baka lalo na siyang maging busy dahil sa fiancè niya. I mean, hindi siya nangako sa akin na pupunta siya thou nanduon pa rin 10% out of 100 chance na pumunta siya dahil sa sinabi niyang "I'll think about it.". Syempre ako naman itong si asa-do, aasa na pupunta siya.
Sa ilang ulit namin na pag sayaw ay makailang beses ko ring narinig ang lyrics ng piyesa namin at duon ko lang narealized ang sinabi sa akin ni Pearl kagabi. Bakit nga kaya ito ang napili ko? Siya ba ang naiisip ko ng mga sandaling pinakikinggan ko ito?
Naguluhan tuloy ako sa sarili ko all of a sudden ng dahil lang sa kantang ito at sa mga sinabi ni Pearl sa akin. I know it is wrong but it seems right to me.
Pag uwi ko ng bahay ay sumalubong sa akin ang isang pamilyar na amoy at saglit akong nabigla ng makita ko si kuya pababa ng hagdan. Nakauwi na pala siya. Nilagpasan ko lang siya gaya ng ginagawa ko nuon dahil kahit naman batiin ko siya ay para lang akong bumati sa hangin kasi hindi niya ako papansinin. Pero ewan ko ba, parang may kakaiba sa akin ngayon dahil parang nakonsensya ako sa ginawa ko pero at the same time ay nainis kasi 'ni hindi man lang niya ako pinagalitan kasi dinaanan ko kang siya.
'Di ba dapat magalit siya kasi 'ni wala man lang ako hi or hello sa kanya bilang respeto na nakita ko siya?
Dumiretso ako ng kwarto at agad na humiga sa kama at tumitig sa kisame. Hindi ko alam kung gaano katagal ko iyon ginawa pero namalayan ko nalang na madilim na sa kwarto ko at umuulan sa labas dahil sa biglang paglamig ng hangin kahit na hindi ko binuksan yung aircon.
Tumayo ako at saglit na sumilip sa pintuan para tignan kung nasa labas si kuya at nakita ko siyang nakaupo sa couch at umiinom ng alak at malalim ang iniisip. Ano kayang iniisip niya? Siguro yung fiancè niya. Buti pa iyon kahit malayo iniisip niya eh ako itong malapit hindi niya magawang kamustahin kung okay lang ba ako at kung alam ko na yung about sa magiging kasal nila.
Sinara ko ang pintuan at binuksan ang lampshade na nakapatong sa sidetable ko at kinuha ang gitara kong nakatago sa luob ng cabinet. Regalo sa akin ito ni Manong Ben na siyang nagturo din sa akin paano gumamit nito kasi na-amaze ako ng makita kong marunong mag gitara ang anak niyang babae.
Hindi naman siguro maririnig ni kuya ang pagkanta ko di ba? Malakas kasi ang ulan sa labas.
Ipinosisyon ko ang daliri ko sa hawak kong gitara at pumikit para alalahanin ang kantang madalas kong marinig sa radyo tuwing linggo ng hapon bago ako nagsimulang tumugtog at kumanta ng halos pabulong para hindi ako marinig ni kuya. Baka maistorbo ko pa siya at magalit sa akin.
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...