Mahigit thirty minutes na din yata ang nakalipas mula ng matapos ang seremonyas sa pagpapakilala sa akin ni kuya bilang counterpart niya pero heto ako at, inaalala pa rin ang mga nangyari kanina.
Talaga bang nagkatitigan kami kanina? Hindi ba ako nananaginip ng makita ko siyang ngumiti?
"Arista," nawala ako sa gitna ng pagiisip ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni kuya. Pag tingin ko sa kanya ay nahalata ko agad ang pagka inis niya sa akin. Nang sinunsan ko kung saan siya nakatingin ay dali-dali akong sumubo agad ng pagkain na nasa plato ko. Yikes! Ayaw nga pala niya na pinaghihintay ang pagkain o nagsasayang ng pagkain which nasabi ko naman na yata sa inyo before.
Para hindi na mainis pa sa akin si kuya ay inuna ko nalang muna ang pagkain. Mamaya na ako ulit magiisip. Pero syempre, hindi nangyari dahil habang nakakailang subo na ako ay muli kong naisipang titigan ang singsing sa daliri ko.
Ang ganda talaga! Mukhang dugo't pawis ang paggawa dito hindi tulad sa usual na singsing na nakikita ko. Para kasing may kahoy sa luob ng singsing na ito.
Ano kayang magiging reaksyon at gagawin sa akin ni kuya if incase mawala ko ito accidentally 'no? Babarilin niya kaya ako agad? Ipapa torture sa bawat isang tauhan niya na naduon kanina? Hmm. . curious lang naman ako pero wala akong balak iwala ito. Saka paano ko ba naman ito mawawala eh nasa daliri ko, 'di ba? Not unless hubarin ko siya. Pero sa ganda nito, huhubarin ko pa ba? No way! Hahaha.
"I'm bored." hindi ko alam kung si kuya ba ang narinig ko pero bago ko pa malaman ang sagot ay may humawak na sa kamay ko para hilain ako kung saan. Minadali ko tuloy ang ginawa kong paglunok sa kinakain ko.
"Saan tayo pupunta kuya?" tanong ko habang naglalakad kami sa labas papunta sa isang itim na kotseng nakaparada. Ito yata yung sinakyan niya kanina.
"Somewhere fun." maikli niyang tugon at sumakay na kami sa luob.
Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mapatingin kay kuya, sa singsing na nasa daliri ko at sa mukha ko sa sidemirror.
"What?" takang tanong ni kuya habang pinapanatili ang mga mata niya sa kalsada.
"K-kuya, bakit nga pala biglaan 'yung naging desisyon mo na gawin akong counterpart mo sa pagiging boss?"
Saglit na natahimik si kuya at pagkatpos ay tumikhim.
"So no one could touch you except from me."
"Huh? Bakit? Ibig sabihin ba nun hindi na ako pwede lumapit kina Tita Shine at sa mga classmates ko?"
"Silly. That's not what I mean." nakapagtatakang hindi rin nawala sa mood si kuya ng banggitin ko sina Tita Shine. Eh alam ninyo naman hindi ba? Pearl is Tita Shine's daughter na siyang dahilan minsan ng init ng ulo niya sa akin.
"Eh, di kung ganun, saan naga-apply yung sinabi mo po?"
Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan bago mag drift pa kanan. Bigla din tuloy akong napahawak sa pinto ng shotgun seat.
"To Enix. To Nigel. And to whoever dumbass you want to get your self attach with." this time, may himig na ng pagka inis ang boses niya. Hindi ako sure kung galit ba siya sa kanila o nagseselos siya. Pero mukhang malabo yung huli, 'di ba?
Hindi ko napigilang mapakagat sa labi ko dahil sa naging sagot niya at ako ang sunod na siyang bumuntung-hinga.
"K-kuya. ."
"No." agaran niyang sagot na para bang narinig niya ang itatanong ko sa kanya kahit na hindi ko pa naman ito sinasabi.
"Pero kuya! Gusto ko lang naman malaman bakit ayaw mo sa kanila? I mean, mabait naman si Enix. Hindi lang ako sure kay Nigel, pero. .!"
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...