AUTUMN MEETS WINTER ( LXXI )

752 65 5
                                    

Pagdating ko ng bahay, agad akong sinalubong ng anak ko at ni Garet but somehow, I felt something's off between them pero baka guni-guni ko lang kaya hindi ko nalang pinansin. Dala lang siguro ito ng pagod ko sa trabaho.

"May I help?" tanong ni Claec na nasa tabi ko na pala habang nagaasikaso ako ng lulutuing dinner namin.

"Yes, baby. Where's Aunt Garet?" tanong ko at luminga sa paligid. Mas sanay kasi ako na siya ang tumutulong sa akin mag asikaso ng dinner at hindi ang anak ko.

"I don't know. Upstairs, maybe?" tugon niya at kinuha ang mga gulay na gagamitin ko para hugasan sa sink.

Napansin ko naman ang pagiging tahimik ng anak ko. Hindi ba siya nag enjoy sa gala nila kanina? Usually kasi madaldal ito lalo na kapag nagkukwento ng gala nila ni Garet.

"Papa?"

"Hmm?"

"What's my father's name?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tinanong niya. Buti na nga lang at naka focus ako sa paghihiwa ko at hindi ako nasugatan sa biglaan niyang naitanong. Like, I was off guard! Hindi ko inexpect na bigla siyang magbi-bring up ng tungkol sa tatay niya. But come to think of it, hindi rin ako masyadong nagbibigay ng details tungkol kay kuya. Pero bakit biglang naging interesado ang anak ko sa kanya? Dahil ba ito sa napag usapan namin para sa seventh birthday niya?

"Papa?" nilingon ko ang anak ko na nakatitig sa akin at naghihintay ng sagot ko. Shit. Anong sasabihin ko sa kanya? Sasabihin ko ba ang tunay na pangalan ng tatay niya? Eh paano kung maisipan niyang hanapin siya sa internet? I mean, impossibleng hindi niya gawin iyon. Mga bata pa naman ngayon magaling na sa pag operate ng gadgets.

Arista, isip!

Anong isasagot mo sa kanya?

"W-winter." hindi ko alam bakit iyon ang naging sagot ko sa tanong niya. Siguro dahil winter season ang birthday ni kuya kaya iyon ang sinabi kong pangalan ng tatay niya. Whew.

I wish I could straight up say his father's name but not now. This isn't the right time, yet.

"Winter?" ulit niya pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag ngiti niya habang may iniisip na kung ano. Ano kayang iniisip ng anak ko na ito? Pagkaraan ng ilang minuto ay muli siyang nagtanong, "Do I pretty much resemble him?"

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa mga tinatanong sa akin ngayon ng anak ko. Like, hindi talaga ako handa sa mga oras na ito.

Pero hindi ko rin naman masisisi ang anak ko. Sooner or later itatanong niya rin ito at kailangan ko din siyang sagutin.

"You perfectly resemble your father." honest kong sagot. Totoo naman kasi. There's no use na magsinungaling ako eh si kuya naman talaga ang kamukha niya at hindi ako.

"Does he also like old songs?"

Tumango ako biglang tugon habang nagsisimula na akong mag gisa.

"What's his favorite song?"

"Why?"

"Nothing. I just want to know." nagkibit-balikat ito at parang may iniisip.

"I can't tell you why by The Eagles."

"Oh! The one that you're always singing to me at night time?"

"Uhm, yeah." nakangiting kong tugon habang kinakamot ang likod ng ulo ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil bigla akong nakaramdam ng hiya sa sinabi niya.

Well, totoo naman kasi. Kinakanta ko iyon sa kanya bilang pampatulog kasi, ewan ko. Iyon ang kantang naiisip ko na pwede kong kantahin para makatulog siya ng mahimbing kung saan effective naman sa kanya.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon