AUTUMN MEETS WINTER ( LXXVI )

867 76 4
                                    

Ngayon ang huling araw ng trial sa kaso ni kuya and boy, I was running late. Masama kasi 'yung pakiramdam ko dahil napagod ako sa naging lakad namin ng Christmas nina Garet at Claec. Ang dami kasi naming pinuntahan na lugar as request ng dalawa. Hindi lang 'yung dami ng pinuntahan namin ang nakakapagod pati 'yung dami ng tao dahil nga holiday.

Tho alam ko naman na ang magiging hatol ng judge dahil sa result ng mga nakaraang session, gusto ko lang makita ang magiging reaksyon ni Lesanna sa kalokohan niya. Hindi ko pa rin kasi maintindihan ang rason niya kung bakit niya kailangang paratangan ng ganuon si kuya. It just doesn't make sense.

At nga naman kapag minamalas ka, kung kailan malapit na ako sa court room kung saan dinidinig ang kaso saka naman ako tinawag ng kalikasan. Aish.

Kaya labag man sa luob ko ay wala akong nagawa kundi ang pumunta ng comfort room dahil hindi ko kaya at ayaw kong magpigil ng ihi.

Pumasok ako sa isa sa mga bakanteng cubicle and swear masyadong marami ang inihi ko kaya laking pasalamat ko na hindi ko ito pinigil at palabas na sana ako ng makarinig ako ng galit na sumisigaw. Agad kong nakilala ang boses na ito.

Lesanna?

So tapos na ang paghatol?

Antokwa! Hindi ko man lang naabutan pero mukhang hindi masaya si Lesanna sa verdict ng Judge. Inexpect niya siguro na papaburan siya nito kahit na obvious namang hindi dapat.

Pero mukhang may kausap siya at somehow pamilyar 'yung boses ng nagsasalita sa akin pero hindi ko maisip kung sino ito.

Nagdecide akong manatili sa luob ng cubicle habang pinapakinggan ang usapan nila.

"Are you seriously letting them arrest me? This is not part of our fucking plan!" nang gagalati sa galit na sabi ni Lesanna.

"The moment that you said 'yes' to my plan I thought you already know the consequences." tugon ng lalaking kausap niya.

"Fuck you! This is really not what we talked about."

"Ye, it is, sweetheart and thank you for making my plan worked. Now, if you would excuse. ." mukhang paalis na ang misteryosong lalaki pero pinigil siya ni Lesanna.

"I will tell Quilo about this! I'll make sure that you won't get away!"

"To what save yourself from being jailed? I don't think you should because by now, he wouldn't believe whatever you will have to say to him. You will remain his ex-fiancee and the lying bitch that once tried to dirty his name."

Pagkatapos ng naging paguusap nila na iyon ay narinig kong muling nagsisigaw si Lesanna hanggang sa tuluyan ko na itong hindi narinig.

Malamang nakalabas na sila ng mga humahawak sa kanyang pulis.

Sa batas, may kaso ang pagsisinungaling. Maling pangaakusa. Oo nga at kaya mong mabayaran ang danyos pero hindi ka ligtas sa hindi pagkakakulong.

Hindi ko alam kung dapat na ba akong lumabas dahil baka nanduon pa yung misteryosong lalaki sa labas ng comfort room pero may side din akong nagsasabi na lumabas ako para malaman ko kung sino ito kaya pinili kong gawin ang pangalang naiisip ko at lumabas na ng cubicle kaso paglabas ko wala akong nakita na kahit na sino.

Bigla tuloy akong binagabag sa narinig kong usapan na iyon ni Lesanna at ng misteryosong lalaki. Dapat ko bang sabihin ang tungkol dito sa kanila? Maniniwala kaya si kuya?

Sabi ng misteryosong lalaki, parte ng plano itong pagkakaso ni Lesanna kay Quilo ng sexual harrassment. I don't get it why ito ang napili nilang ikaso sa kanya at kung bakit pumayag si Lesanna pero mukhang alam ko rin naman ang sagot sa tanong na iyon sa mga nagdaang sessions at iyon ay dahil gusto pa rin nito na maikasal kay kuya pero hindi nangyari.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon