"Papa! Wake up!" nagising ako sa maliit ngunit hyper na boses na tumatawag sa akin habang niyuyugyog ang kaliwang braso ko. Dahil inaantok pa ako ay hinayaan ko lang na yugyugin ako nito.
"Papa! Hey! I said wake up!" muli nitong tawag sa akin. This time napadilat at napabangon na ako dahil may kung anong malamig na bagay ang dumikit sa pisngi ko.
Agad akong sinalubong ng yakap at humahagikhik kong anak. Sa tuwing makikita ko ang mukha niya ay iisang tao lang ang pumapasok sa utak ko. Carbon copy kasi niya pero buti nalang hindi niya kaugali -- sa ngayon.
"Good morning, baby! Did you eat your breakfast na before that?" nakayakap kong tanong sa anak kong naka kandong sa hita ko at nilalantakan ang mala ice cream sa consistency niyang yogurt.
"Yes, Papa. Don't you have work today? I think you're late na."
Napatingin ako sa digital clock na nasa ibabaw ng traber katabi ng kama ko at para along nakagat ng surot sa pwet sa biglaang pagtayo ko ng kama.
Narinig kong tinawanan ako ng anak ko pero hindi ko na ito pinansin dahil tama siya. Late na ako at kailangan ko ng magmadali kung ayaw kong lumaki ang kaltas sa sweldo ko.
"Book mo ako ng masasakyan!" sigaw ko kay Garet na nasa ibaba bago ako pumasok ng tuluyan sa cr para mag asikaso.
Sa sobrang bilis ko mag asikaso hindi ko alam kung may nakalimutan ba akong gawin o wala.
"Papa, make sure you'll be home before six." paalala ng anak ko sa akin at humalik sa pisngi ko habang nagsusuot ako ng sapatos.
"Promise." tugon ko at humalik sa nuo niya at nakipag pinky swear. Ang sweet 'no? Inggit kayo.
"I love you." para akong ayaw paalisin nito sa higpit ng yakap niya sa bewang ko. Hay. Pakiramdam ko aatakehin na naman ako ng sepanx pero sinusubukan kong huwag dahil sabihin nalang natin malawak ang pag intindi ng anak ko kung bakit kailangan kong umalis at iwan siya dito sa bahay.
"Kimi wo aishiteru." tugon ko at ginulo ang cute at malambot ba buhok nito.
"Malapit na yung driver. Hindi ka na kakain?" tanong ni Garet na nasa likuran na ng anak ko at nakahawak sa balikat nito.
"Hindi na. Sige alis ako. Ikaw na muna ang bahala sa anak ko."
Paglabas ko ng gate ay sakto namang kararating lang ng driver kaya agad na akong sumakay sa luob ng kotse.
"Manong, dahan-dahan lang po sa pagmamaneho. Sorry! Mabilis kasi akong kabahan." naiilang kong sabi habang nakangiti.
"Ay pasensya na po, Sir. Balak po kasi tayo iovertake ng nasa gilid natin eh baka maipit tayo sa stoplight." paumanhin nito.
Ininom ko nalang yung tubig na nasa bag ko para kumalma ako.
Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin nawawala ang takot ko kapag bumibilis yung takbo ng sinasakyan ko. Naaalala ko pa rin kasi yung mga nangyari na parang kahapon lang.
Kalahating oras ang tinagal ng biyahe ko papunta sa trabaho ko at nagmamadali pa akong nagtatakbo palabas ng sasakyan matapos kong magbayad para gumamit ng hagdan dahil nakita ko ang haba ng pila at pagdating ko sa office namin ay agad akong napasalampak sa upuan ko habang hinahabol ang paghinga ko.
Luminga ako sa paligid at napansin kong hindi pa dumadating ang boss ko.
Late siya?
Nang umokay na ako ay agad ko ng inasikaso ang trabaho ko at hindi ko na namalayan ang oras. Tumigil lang ako sa ginagawa ko ng makaramdam ako ng gutom.
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...