Ilang araw makalipas ang roller coaster confession ni Enix sa akin ay inopen-up ko siya kay Pearl habang naglalakad kami pauwi galing school. Yes, hindi ako laging nagpapasundo kay Manong Ben. Wala lang. Trip ko lang. Hahaha.
Syempre ang gaga, parang bulate na nawisikan ng asin na nangingisay-ngisay pa at may pa-bonus pang hampas sa braso ko.
"My god, Bes! Iba ka talaga! Sa lahat ng nagtangka iyan ang pinaka pursigido. Kaya pala nagtataka ako nitong mga nakaraan kung bakit madalas kitang makita na kausap siya bago matapos ang shift natin."
"Ewan ko rin ba. Parang may kung ano sa kanya na humahatak sa akin na kausapin siya lagi." paliwanag ko at ayan. Nagi-epilepsy na naman siya at nabusihan ng dumaang sasakyan sa tabi dahil muntikan na siyang mahagip.
"Dito ka nga sa kabila. Para kang sira ulo eh! Pwede namang kiligin ng hindi nangingisay!" sermon ko at inakbayan siya sa balikat ng makalipat siya sa kabilang side ko.
"Baliw ka pala eh kinikilig nga di ba? Alangang umiyak ako dito na parang may nilalamayan. Shunga mo rin eh 'no? Pasampal nga ng magising ka sa kabuangan." sabay pabirong sinampal ako, kaya hinawakan ko ang kamay niya at napatigil kami ng biglang yung papalapit na kotse sa kabilang side ng kalye kung saan kami naglalakad ay humarang sa gitna ng kalsada.
Luh, parang tanga.
Anong problema nitong driver na ito? Hindi ba niya alam na pwedeng mabangga ng kasalungat na kotseng nagdadaan ang kotse niya? Thou, mukhang mayaman ang may-ari. Ang ganda ng kotse eh.
Sabay kaming naistatwa ni Pearl sa kinatatayuan namin ng makita ang taong lumabas mula sa driver seat. Naka business attire ito at mainit ang ulo.
No need to guess who.
Si kuya.
Takte. Kailan pa siya nakabalik? Ang bilis yatang natapos ng business trip niya?
"Get inside." nanggigigil niyang utos. Obvious sa mukha niya ang nakamamatay niyang tingin at nagtatagis niyang bagang.
Ayan na naman ang nanginginig kong mga tuhod na hindi makagalaw sa takot sa kanya.
"Get inside or I'll fuckin' blow the heads of you both!" nagsisimula ng umiingay sa kalsada kung nasaan kami. Nakaharang kasi ang kotse ni kuya at nagbi-build up na ang mga sasakyan sa magkabilang kalye.
"Bes, sige na. Pasok ka na." nanginginig sa takot na bulong sa akin ni Pearl.
"Paano ka?" alalang tanong ko.
"Ako ng bahala basta sumunod ka na sa kuya mo, okay?"
"ARISTA!" sigaw ni kuya at walang pakundangan akong kinaladkad papasok ng shotgun seat. Buti nalang talaga at hindi na niya na nilapitan si Pearl dahil nagtatakbo na ito palayo ng sapilitan akong ipasok ni kuya sa luob ng kotse.
Wala kaming kibuan sa luob ng kotse. Puro buntung-hininga lang ang maririnig sa pagitan naming dalawa. Ganun pa man, mukhang lalabas na ang puso ko sa rib cage sa bilis niyang magpatakbo. Akala mo may hinahabol kaming deadline patungo kay San Pedro sa pina-schedule niyang appointment.
Kinaladkad niya ako palabas ng kotse pagdating namin ng bahay at agad na tinungo ang living room at itinulak sa may couch.
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...