Naiwan akong mag isa sa isang kwartong walang kalaman-laman matapos kong malaman sino ang may pakana ng pagkidnap kina Claec at Garet. Aaminin ko, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayaring ito ngayon. Hindi ko inakala na makakagawa ng ganitong bagay si Miguel at mas lalong kapatid siya ni Enix. Naghihiganti siya dahil para sa kanya, ako ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid niya. Ang hindi niya maintindihan, wala namang may gustong mangyari ang aksidente na nangyari nuon. Gusto ko lang maka uwi nuon at makabalik sa puder ni kuya pero hindi sang ayon si Enix dahil kinain ito ng pagnanasang mapa sa kanya ako kahit na labag sa luob ko.
Alam kong may kasalanan ako sa parte ko dahil tinugon ko ang pagbibigay motibo niya sa akin na maaaring mahalin ko siya ngunit hindi ito natuloy dahil nauunawaan kong mas matimbang sa puso ko si kuya kahit na alam kong una palang ay mali ng mahalin siya dahil half-brother ko siya at mas lalong dahil parehas kami ng kasarian at may fiancee siya, pero masisisi ninyo ba ako kung mahal ko ang taong alam kong hindi sigurado sa akin kesa sa taong mahal talaga ako pero hindi ko kayang mahalin pabalik? Tao lang naman ako na mahina at nagkakamali. Madali ang magsalita at magbigay ng payo sa ibang tao sa problema nila pero pagdating sa sarili mong problema, tiyak ay hindi mo magagawang perpekto ang solusyon ng iyo.
Lalo akong kinakabahan sa nangyayari ngayon dahil hindi ko kilala ng lubos si Miguel. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya. Hindi ko alam kung kailan siya kikilos at kung paano niya ako papahirapan. Ako lang ba o idadamay niya ang anak ko?
Jusko! Walang kinalaman dito ang anak ko! Kung may dapat man siyang saktan para makapaghiganti ay tama ng sa akin niya lang ibunton ang galit niya. Huwag na sa anak ko! Hindi niya deserve na masaktan ng dahil lang sa akin!
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako mula sa pagkakaupo ko sa sulok. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong at papaano. Tatakas ba ako? Paano? Saan ko mahahanap ang kinalalagyan nina Claec at Garet? Kumain na ba sila? Natutulog? Sinaktan na ba nila sila? Tinatawag ba ako ng anak ko sa mga oras na ito? Jusko po.
Habang binabaha ng maraming tanong at pangamba ang isip ko ay saktong binalikan din ng utak ko ang mga nakalipas ko ng memorya sa lumipas na mga taon.
At, nagsimula na ang kwentuhan namin na kung hindi lang ako nilalagnat ay iisipin kong sleepover itong ginawa ko. Masaya siyang ka-kwentuhan sa totoo lang. Another gwapo points as a potential boyfriend for me.
Natawa ako sa isiping iyon. Sumagi din pala sa mga isip ko ng mga panahon na iyon na maaari ko siyang maging boyfriend. Kung alam ko lang sana na maaaring maging maling pagkakamali ko nuon ang pagtugon sa mga pagbibigay motibo niya ay nilayuan ko na siya para hindi nangyari ang mga nangyari.
"So only child ka pala?"
"Oo. Ikaw ba?"
'Yung pagsisinungaling ko na iyon. Hindi ko inakala na all those time, aware pala si Enix sa totoong pagkatao ko. Kung sabagay, gaya ni kuya ang posisyon niya.
"I do have a younger brother but the thing is, nasa ibang bansa siya but we're close believe me."
Iyon marahil ang dahilan at kung bakit hindi ko rin masisisi si Miguel kung gawin niya ang ganitong bagay. Sanggang-dikit sila ni Enix at marahil ng malaman niya ang naging pagkamatay nuon ng kapatid ay abut-abot ang naging galit nito sa nangyari at malamang ay ganuon din sa akin. Hindi kasi malayong hindi ako nababanggit ni Enix sa kanya sa bond na meron silang dalawa.
Ngayon, naiintindihan ko na. Marahil iyon ang dahilan kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko kay Miguel sa tuwing magkikita o magkakasama kami. May hindi ako maipaliwanag na nararamdaman at hindi iyon dahil may gusto ako sa kanya kundi maaaring dahil sa ikinikilos nito sa akin.
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
Roman d'amourArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...