AUTUMN MEETS WINTER ( XLII )

1.4K 120 18
                                    

Masarap ang naging tulog ko kaya pagkagising ko ay pakiramdam ko gusto ko agad kumain ng masarap na agahan. Pero wala nga pala ako sa bahay namin para mangielam ako ng mga gamit sa kusina.

Tatayo palang ako para sana lumabas ng mapansin ko ang isang tray ng pagkain na nasa sidetable.

Kailan ito dinala dito?

Mukhang masarap ang mga nakalagay kaya hindi na ako nag inarte at sinimulang lantakan ang nakahain.

Matapos akong kumain ay nag asikaso muna ako maligo bago lumabas para hanapin ang kusina at ilagay itong pinagkainan ko.

Habang naglalakad ako sa hallway at hinahanap kung nasaan ang kusina ay napansin ko agad ang nakabibinging katahimikan na gaya ng sa bahay. Sa pagkakatanda ko, ang daming mga tao na nandito kagabi pero bakit parang ni isang ingay ay wala akong madinig. Hindi kaya nabingi na ako ng hindi ko alam?

Sa haba ng nilakad ko ay sa wakas natagpuan ko rin ang kusina. Nasaan ang mga tao dito? Kanina pa ako walang makita. Di bale na nga. Marunong naman ako mag hugas ng pinagkainan ko. Hindi naman ito big deal sa akin.

Abala na ako sa paghuhugas ng pinagkainan ko ng biglang may mabibilis na yabag akong narinig mula sa aking likuran at paglingon ko ay hindi magkanda ugaga sa paguunahan ang mga babaeng nakita ko kagabi na naka maid uniform papunta sa direksyon ko. Teka, anong nangyayari?

Nagulat ako ng bigla nilang inagaw ang hinuhugasan ko at ang sponge sa kamay ko. Agad din nilang pinunasan ang basa kong kamay habang panay ang paghingi ng sorry kasabay ng pag yuko. Bakit parang takot na takot sila? Hindi naman ako magagalit sa kanila na ako naghugas ng pinagkainan ko.

Namalayan ko nalang na hinila ako ng ilan sa kanila palabas ng kusina at ginayak sa ibang kwarto.

Tokwa. Kasalanan ba dito maghugas ang bisita? Normal lang naman ito duon sa amin.

Dinala nila ako sa library ng bahay kung saan may nakapwesto ding piano sa luob nito.

Naupo nalang ako sa desk na naruruon matapos nila akong iwan.

Ano ng gagawin ko ngayon?

Tumayo ako at tumingin ng mga librong naruruon hanggang sa may hindi sinasadyang makapa ako sa isa sa mga shelf sa likuran ng mga libro.

Ano ito? Don't tell me, galawang library si kuya na kapag may gustong libro at ayaw ipahiram sa iba ay tinatago sa likuran?

Kinuha ko ang librong nakatago at laking gulat ko ng marealized na ito yung paborito kong libro nuon na akala ko ay nawala ko.

Iniregalo kasi sa akin ito ng naging bisita nina papa at Tita Keiko at nagustuhan ko ang kwento nito kaya kahit paulit-ulit ko mang basahin ay gusto ko pa rin. Ang title ng librong ito ay Alice In Wonderland.

Lagi ko pa nga naiisip nuon na kung gagawin mang live action ang kwentong iyon ay babagay si kuya bilang Mad Hatter. At ako? Syempre si Alice, duh?!

Pero bakit nga pala nandito ang librong ito? Sinuri ko pa maigi ang libro para lang makasiguro na akin nga ito hanggang sa makita ko ang palatandaan ko sa likurang bahagi nito. May drawing ko ito. Syempre drawing bata at sinulat ang pangalan namin ni kuya ayon sa hitsura ng drawing ko na ginaganampanan namin sa libro. Hahaha. Hitsura! Para pala talaga akong batang babae sa ginawa kong ito dahil nilagyan ko pa ng heart sa gitna.

Narinig kong pumihit ang seradura ng pinto kaya sa taranta ko ay nagmamadaling binalik ko ang libro ko sa taguan nito. Teka, bakit ko tinago pabalik eh akin iyon?

Napalunok ako at kinakabahan sa pwesto ko ng iluwa ng pinto si kuya na mukhang bagong ligo pero obvious namang hindi.

Agad akong siningkitan ng mga mata niya kung saan niya ako nakitang nakatayo.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon