AUTUMN MEETS WINTER ( XV )

2.4K 126 0
                                    

"Pasok sa banga, bessie! Hindi halatang bakla ka sa galaw mo." puri ni Pearl habang nagpa practice ako sa harapan ng salamin sa kwarto niya. Wala si Tita Shine ngayon dahil pumunta ng probinsya at dahil wala si kuya sa bahay ay mago-overnight ako sa bahay nila Pearl para may kasama siya. Bakit ko di ba? Hahaha.

"Buti nga nagustuhan ng backup dancers ko ang napili kong kanta saka may naisip na rin kasi silang magiging get-up namin."

"Bakit pala iyan ang napili mong kanta?"

"Ha? May problema ba?"

"Wala. It's just that there's something about the lyrics. Like it speaks about a one-sided relationship. Parang ikaw sa kuya mo."

Napatigil ako sa pagsa-sayaw at nag make face sa harap niya na ikinatawa niya.

"Ano? Tama 'no?" malisyosa siyang ngumiti at ipinatong ang kanang palad niya sa baba niya.

"H-hindi ah." nag iwas ako ng tingin kasi feeling ko namumula na parang red crayola ang mukha ko.

"Sus. Umamin ka nga, baks."

"Anong aaminin ko?"

"May gusto ka sa kuya mo 'no? Hmm?"

"Wala! Baliw ka! Kuya ko siya kaya bakit ako magkakagusto sa kanya? Naka drugs ka ba at kung anu-ano mga pinagsasasabi mo?!"

"Eh bakit ganyan ka maka-react? Tapos ng nalaman mong may fianceè na siya, ang oa din ng naging reaction mo sa phone. Arista, walang masama kung magka gusto ka sa kanya."

"Pearl, lilinawin ko lang na magkapatid kami."

"Half brothers." pagpapaalala niya.

"So? Anong pinupunto mo?" tinaasan ko siya ng kilay at umupo sa sahig katapat niya na nakaupo sa gilid ng kama.

"Hindi masama kung magkagusto ka sa kanya kasi malay mo may dahilan siya bakit ganun ang trato niya sa'yo at kung bakit hindi niya sinabi ang about sa pagkakaruon niya ng fiancè. Marahil iniisip niya ang mararamdaman ng pinakamamahal niyang kapatid which is ikaw."

"Sana nga ganun kaso alam kong hindi."

"Paano mo nasabi?"

"Basta."

"Basta ako, sinasabi ko sa'yo, may something sa relationship ninyo ng kuya mo at ikaw sa kanya na siguro hindi mo lang ma-figure out sa ngayon. Baka marealize mo iyon if the other person tries his best to enter into the picture."

"Sino?"

"Si Enix. There's also something about that guy. I don't know. Kilala mo ako, bessie at ganun din ako sa'yo. Babae pa rin ako and don't underestimate our senses about things that are about to happen."

"Wow. Ang deep ha? Sinaniban ka ba ni Madam Auring?" biro ko sa kanya para mag light ang mood sa pagitan namin pero umiling lang siya at ngumisi.

Impossible talaga mangyari ang kung ano mang tumatakbo sa isip niya. Hindi ako pwedeng magkagusto kay kuya dahil magkapatid kami at kung sakali mang meron, hindi ko iyon ipapaalam at hindi na rin niya dapat pang malaman dahil wala itong patutunguhan na maganda.

Naglalakad kami ni Pearl sa hallway ng school papuntang canteen dahil maaga kaming pumasok at dahil inabot kami ng katamaran na dalawa, hindi kami nag asikaso ng breakfast sa bahay ng biglang makasalubong namin si Enix.

"Good morning ladies." nakangiting bati niya sa amin. Napalingon pa ako dahil sa bati niya dahil akala ko may nakasunod sa amin pero wala.

"Ang aga mo umakyat ng ligaw dito sa bestfriend ko ah?" natatawang bungad ni Pearl na siniko ko kasi bukod sa nakakahiya kay Enix ay baka biglang may estudyanteng sumulpot at makarinig sa sinabi niya.

"I just want to start my day right by seeing him and y'know, early bird catches the worm, right?"

Napakunot ang nuo ko.

"Bakit ako naging uod?"

"Bessie minsan shunga ka. Antok ka pa? Ibig sabihin, gusto ka ng bakuran ni Enix your love para wala ng makalapit sa'yo. Am I right?" nag thumps up sign ba ang bakla na sinang ayunan naman ni Enix na nakangiti pa ng todo.

"Ewan ko sa inyo." iniwan ko sila at pumasok ng canteen para um-order ng kakainin ko.

"Samahan mo nalang si Pearl at ako na ang bahala bumili ng pagkain." napalingon ako kay Enix sa sinabi niya.

"W-wag na. Ako nalang! May pera kami saka nakakahiya sa'yo at baka may makakita at may masabi pa sa amin na hindi maganda ni Pearl."

Pinitik niya ang nuo ko at ginulo ang buhok ko. "I don't care kung may makakita sa akin na kasama ka or kayo ni Pearl. What matters to me is my time I spent with you and besides, bakit mo kailangang isipin ang ibang tao? Just let them say what they want to say and think because at the end of the day, you're the one who knows best of yourself." marahan niya akong tinulak palayo sa kanya at pumunta ng counter para mag order ng kung ano kaya sinunod ko nalang ang sinabi niya dahil nakita kong kinawayan ako ni Pearl mula sa bakanteng pwesto kung saan siya nakaupo.

"Yiiee." asar sa akin ni Pearl na katapat ko.

"Tigilan mo ako ha! Umagang-umaga binubugaw mo ako." nagkunwari akong naiinis sa kanya na eventually ay hindi umubra.

"Sus. Tumatanggap ako ng thank you bessie kaya wag kang mahiyang magsabi."

Kapwa kaming nailing at ngumiti sa isa't-isa. Ikaw na talaga magkaruon ng bestfriend na sabog ay ewan ko nalang.

"Ay wow! Ang dami! Parang balak mong sirain ang maganda naming figure ni Arista sa mga inorder mo."

"Ayaw ko lang na magutuman kayo lalo na itong isang 'to." sabi ni Enix na tumabi sa akin habang iniaalis sa tray ang inorder niyang mga pagkain.

"Heto oh, alam kong gusto mo iyan." inilapag niya ang bowl na may lamang nilagang baka kaya napatingin ako sa kanya at kay Pearl na nagkibit-balikat at nagbuka ng kanyang bibig ngunit walang boses na lumalabas at waring nagsasabing wala siyang nabanggit tungkol dito kay Enix na pinagtaka ko. How did he know?

"Ha? Paano mo nalaman?"

"Ang alin?"

"Na gusto ko ang nilagang baka?"

"Sinabi ko ba? Ang sabi ko, baka magustuhan mo ito kasi favorite ko ito just so you know." ngumiti siya sa akin at tumingin ako ulit kay Pearl na nakatingin kay Enix. Siguro na-misheard lang ako.

Pagtapos naming kumain ay nagpaalam na si Enix dahil may pupuntahan pa daw siya pero hindi niya sinabi kung saan.

"Sigurado ka bang wala kang nabanggit sa kanya? Baka nakalimutan mo lang."

"Wala nga! Hindi lahat ng tungkol sa iyo sinasabi ko kay Enix. Kung ano lang itanong niya eh di iyon lang ang sasagutin ko. Nakita mo naman reaksyon ko kanina di ba? Gulat din kaya ako!"

Napakamot ako sa ulo ko kasi hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Bakit ba kasi ang big deal nu'n sa akin?

"Feeling ko talaga seryoso iyang si Enix sa'yo."

"Paano mo nasabi?"

"Baks, kung ikaw yung nasa sitwasyon ko ay baka ito din ang sabihin mo kasi yung mga tingin na binibigay niya sa'yo ay yung para bang ikaw lang ang nageexist na tao sa mata niya. Ganern!"

"OA mo!" natatawang sabi ko at pabirong hinampas siya sa braso niya.

"Palibhasa kasi masyado kang focus sa kuya mo kaya hindi mo napapansin." binigyan niya ako ng malisyosang ngiti kaya binatukan ko.

"Gaga! Ayan ka na naman sa mga biro mong daig pa ang naka drugs!"

"Hahaha! Nagsasabi lang ako ng totoo. Alam mo kasi matagal ko ng naiisip na may something sa inyong dalawa ng kuya mo."

"Kamanyakan kamo naiisip mo."

"Syempre given na iyon." kumindat pa siya sa akin at nag heart sign kaya pinabayaan ko nalang kasi mahirap lumaban sa sira ulo.

------------------------------------------------------

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon