AUTUMN MEETS WINTER ( XX )

2.3K 115 2
                                    

"Oo na po. Pero last na iyang cotton today mo for today. Bukas na ulit. Baka mahalata tayo ni mama kapag hindi ka na-excite sa hapunan mamaya. Saka tignan mo oh. Bumobochog ka na. Hahaha!"

"Oy! Lawak ng ngiti mo!" sumalubong sa labi ko ang isang lumpiang togue na hawak ni Pearl.

"Sorry. Tara na?" aya ko at kinagatan ang bigay niyang lumpiang togue.

"Inggit ka dun sa bata kanina 'no?"

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"Ang lawak kasi ng ngiti mo kanina pero malungkot tignan yung mga mata mo. Parang iiyak ka na nga eh. Buti nalang at kasama mo ako kundi baka mukhang baliw ka na umiiyak sa kalsada." natatawa niyang sabi sabay akbay sa balikat ko.

"Ang cute lang kasi makakita ng magkapatid na magkasundo."

"Siguro? Pero hindi naman lahat ng magkapatid magkasundo."

"Tama. Parang kami ni kuya."

"Wala kasi kayong bonding time. Madalang din kayong mag usap."

"Paano kami magbo-bonding? Busy siya sa trabaho niya."

"Busy? Eh bakit nagagawa niyang makipag jackstone sa kung sinong babae kung busy siya? Sige nga. Fight me!" pumosisyon siya ng gaya sa kung fu na kinatawa ko.

"Baliw! Realistically speaking, hindi kaya ng lalaki mag all-nighter when it comes to sex."

"So? Your point is? Hindi nga all-nighter pero everyday naman may ka-jackstone kaya sige. Sabihin mo, hindi ba niya ginagawa iyon sa freetime niya? Ano? Kasama din ba sa trabaho niya ang makipag sex? Isa pa, nagagawa nga niyang makauwi sa bahay ninyo kahit ilang araw lang sa luob ng isang buwan kaya hindi ba matatawag na free time iyon para hindi kayo makapag bonding?"

"Luh. Grabe siya oh. Bakit ka galit?"

"Ang lame kasi ng excuse mo na kaya hindi kayo makapag bonding ay dahil busy siya."

"Eh kasi. ."

"Ano?"

"Kasi kahit hindi siya busy, alam kong hindi niya gugustuhin na magkaruon ng matagal na exposure sa akin dahil galit nga siya sa akin di ba? Ako ang dahilan kung bakit may kapatid siya labas. Ako ang resulta ng pagkakaruon ng anak ni papa bukod ng kay Tita Keiko."

"Ewan ko lang ah pero tingin mo kung galit talaga siya sa'yo, bakit kailangan ka niyang kunin pabalik mula sa amin ni mama?" napa isip ako sa sinabi niya dahil may pagkaka parehas ito sa sinabi sa akin ni Manong Ben ng nakaraan.

"10 isaw manong. 'Tig lima sa magkahiwalay na lalagyanan."

Nagpaalam ako kay Pearl na hihintayin ko siya sa may park kung saan may mga bakanteng upuan at may maliit na palaruan na may mga batang naglalaro. Umupo sa bakanteng swing habang nakahawak sa magkabilang kadena at nakatingin sa lupa.

Sooner or later, wala ng silbi ang pagkuha sa akin ni kuya dahil magpapakasal na siya. Nakakahiya naman sa magiging asawa niya kung kasama pa rin nila ako sa bahay at kung mangyari man na paalisin na ako ni kuya, alam kong matutuwa ako na malulungkot. Matutuwa kasi magagawa ko na ang mga bagay na hindi ko kailangang itago mula sa kanya pero malulungkot din dahil hindi ko na siya madalas na makikita o baka hindi na nga talaga.

"I love your demons, like devils can . ." kanta ko sa hangin ng biglang sumulpot si Pearl sa harap ko hawak ang binili niyang isaw.

"Ang drama mo 'te! Kanina lang ang saya mo ngayon naman ang lungkot mo. Kuya mo na naman iyan 'no?"

"Huh? Pinagsasasabi mo d'yan?"

"Wala. Kanina kasi okay ka ng si Enix ang topic natin pero ng masingit ang kuya mo, ayan. Drama pa more ka. Share lang. Hahaha."

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon