AUTUMN MEETS WINTER ( LXXVIII )

762 72 11
                                    

Maaga kaming nag asikaso ni Garet para sa birthday ng anak ko kahit na mga inaantok pa kami. Anong oras na rin kasi kami nakatulog. Inubos pa namin 'yung binili niyang champagne.

Habang abala ako sa pagluluto ay siya naman ang nakatoka sa decorations. Siya din ang nakatoka na kukuha para sa paparating na cake na pinagawa namin para kay Claec. About sa theme ng cake, tinoka ko iyon kay Garet dahil tutal kakilala naman niya 'yung gumagawa ng cake at abala ako sa work ko ng mga panahong tinoka ko iyon sa kanya.

Paglabas ko ng kusina dala ang dalawang putahe na naluto ko na, naabutan ko si Garet na nagseset up ng table. Napanganga ako ng makita ko ang decoration namin at kalaunan ay napangiting umiiling.

"Oh, anong nangyayari sa iyo?" tanong niya sa akin.

"'Yung totoo? Sinecelebrate ba natin ang per album ng BTS?" natatawa kong tanong. Kung kagabi ang theme namin ay Love Yourself 'Answer' album na aksidenteng nangyari, ngayon naman ay Map of the Soul 7. Not that I'm complaining. Ganda nga ng color coordination ng album cover nila na iyon.

"Ay, oo nga 'no?" tugon niya ng mapagmasdan ang dinecorate niya, "Eh ikaw bumili ng mga pang decorate kahapon eh! Taga decorate lang ako! Saka okay na iyan. Tutugma naman iyang decor natin sa cake na paparating."

"Huh? Paanong tutugma? Ano bang pinagawa mo?"

"Mamaya malalaman mo." kumindat siya sa akin at napailing nalang ako na bumalik ng kusina para tapusin pa ang ibang lulutuin kong handa.

Ilang oras pa ang lumipas at narinig kong binati ulit ng happy birthday si Claec mula sa sala. Gising na ang anak ko. Ibig sabihin kailangan ko ng asikasuhin 'yung susuotin niya para sa celebration niya mamaya.

"Papa." tawag ng anak ko sa akin at paglingon ko ay nakayakap na ito sa hita ko at pupungas-pungas pa.

"Good morning, baby. Happy birthday!" sabi ko at hinalukan ang nuo niya na kinangiti niya.

"I'm still sleepy but the music is too loud! I can't sleep anymore!" sumbong nito sa akin.

"Why? Nauna kang matulog sa amin ni Aunt Garet ah? Do you plan on sleeping on your birthday?"

Umiling ito bilang sagot at pagkatapos ay lumabas ng kusina at humiga sa couch sa sala kung saan sumasayaw-sayaw si Garet sa saliw ng tugtuging Blue Hour ng TXT.

"Garet! Tara dito tulungan mo ako dito at huwag kang sumayaw-sayaw d'yan!" natatawang utos ko sa kanya at naka bunsangot siyang lumapit sa akin dahil nasira ko 'yung momentum ng pagsasayaw niya.

Parehas kaming napabuntung-hininga ni Garet at nakapamewang ng matapos kami sa handa ng anak ko. Tamang-tama. Puno 'yung table nito. At hindi ko rin alam gaano katagal bago namin mauubos ang ilan sa mga ito kapag may natira. Hahaha.

So, para sa handa ni Claec merong Sausage French Bread Pizza, BBQ Chicken Bites, Nachos with Homemade Guacamole, Buffalo Chicken Meatballs, Chocolate and Peanut Butter Crispy Bars, Marshmallow Fruit Dio na may grapes, tangerine, strawberries at pineapple on the side, Spaghetti and Meatballs, Shrimp Fettuccine Alfredo, at Lumpiang Shanghai (as requested by Claec and most especially Garet).

"May space pa ba para sa cake?" tanong ko habang tinitignan ang mga handa ni Claec sa lamesa.

"Iyan mismong natitirang space sa gitna. Iyan nalang ang hindi pa naooccupy so that means sa cake na iyan na paparating. Kung sino nalang gusto mag ice cream saka natin ilabas 'yung ginawa nating Fruit and Yogurt Swirl pops ng isang araw na nasa freezer ."

"Pustahan tayo, mga dalawang linggo tayong kakain ng post-new year at birthday food?" natatawang sabi ko.

"Malamang sa malamang. May natira pa duon sa ginawa natin kagabi eh. Alangan namang ilabas pa natin iyon eh wala ng space."

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon