AUTUMN MEETS WINTER ( LV )

913 75 4
                                    

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas. Dahan-dahan akong bumangon at lumakad papunta sa pinto ng kwarto ni Enix. Oo. Wala na ako duon sa pinagkulungan sa akin ni Enix mula ng dumating ako dito.

After ng ginawa niya sa akin, hinahayaan niya na akong magpaikut-ikot dito sa bahay kung nasaan kami kaya nga lang hindi ko magawang makalabas papunta ng gate para makatakas at makauwi sa amin dahil sa dami ng mga bantay.

"Fuck you, Enix! You got to help me! I need that damn signature of that faggot." galit na bulyaw ng isang babae.

Bakit pamilyar sa akin ang boses niya?

Nakadikit lang ang tenga ko sa pinto habang pinakikinggan ang komosyon sa labas. Natatakot kasi ako na sumilip. Baka mamaya kung ano pang mangyari na hindi magustuhan ni Enix at masakripisyo na naman ang katawan ko. Napabuntung-hininga ako sa isiping iyon.

"Stai zitto, Lesanna! You might wake him up!" galit na utos ni Enix.

"I don't care! Like I said, I need his goddamn signature!"

"For what?! Napaghiwalay na natin silang dalawa! You could now marry that goddamn man. He's all fucking yours! You don't need Arista's signature. Their marriage is fake!"

"I just have to make sure if incase so wake him up and let him sign these papers!"

"No! You're being too much! You will not see Arista and just continue with your fucking wedding tomorrow!"

"Lesanna, I think Enix is right. Maybe you're just being paranoid but I assure you again and again, their marriage is fake. You will not need Arista's signature. So lets go now and I'm pretty sure, Enix and Arista won't be able to ruin your wedding, right?" hindi ako pwedeng magkamali sa boses na ito. Si Nigel ito!

"Right. Our ties ends here. I already got what I wanted and same with you. Before your wedding even start tomorrow, we will no longer be here. Arista will come live with me in Italy."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. What? Bukas na ang kasal ni kuya at ni Lesanna? At nag usap silang tatlo tungkol dito para paghiwalayin kami? At ilalayo ako ng tuluyan ni Enix dito? Pupunta kami ng Italy?

Hindi ako halos makakilos sa kinatatayuan ko matapos kong marinig ang paguusap nila pero hindi nagtagal ay nagmadali akong tumalon pahiga sa kama para magpanggap na tulog ng marinig ko ang yabag ni Enix papunta dito sa kwarto niya.

Kinagabihan habang sabay kaming kumakain ng hapunan ay halos hindi ako makakin ng maayos dahil naaalala ko 'yung narinig kong paguusap nilang tatlo kanina. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang pagnanais kong makatakas. Ayaw ko! Hindi ako papayag na sumama dito kay Enix! Kailangan makagawa ako ng paraan para makabalik sa amin.

Kailangan kong ipaalam kay kuya ang tungkol sa naging paguusap nilang tatlo.

"Hey, baby." napapitlag ako ng maramdaman kong hinawakan ni Enix ang kaliwang kamay ko.

"Hmm?"

"Don't you like the food? Gusto mo bang magpaluto ako ng bago?"

"U-uh, no. I'm good. Wala lang talaga akong gana kumain."

"I see. Don't worry bukas may pupuntahan tayo and for sure kapag nakarating tayo sa pupuntahan natin magugustuhan mo ang mga pagkain duon."

"S-saan tayo pupunta?" tanong ko kahit na may ideya na ako kung saan.

"Tomorrow you'll know."

"Iuuwi mo na ba ako sa amin?" nagaalangan kong tanong at nakita ko kung paano nagbago ang mood niya.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon