"Good mood tayo ah?" puna ni Rence pagpasok ko ng office namin. Nginitian ko lang ito dahil himala! Nauna siya sa akin dumating ngayon. Bihira lang ito mangyari.
"Mukhang ikaw rin. Ang aga mo pumasok." tugon ko ng makaupo ako sa desk ko at agad na binuksan ang laptop ko para magsimulang magtrabaho.
Binuksan ko ang email ko para magtingin ng notifications mula sa prospect clients namin kapag natapos ang case ni kuya ng mapansin ko ang isang agaw pansin na email. Hindi ko alam kung spam ba itong matatawag pero ang weird lang kasi ng nakapaluob sa email na iyon.
[ Remember me? ]
Remember me? Sino namang sira ulo ang magsesend ng ganito sa email ko? Besides, professional email itong gamit ko at hindi personal email. Hindi kaya namali lang ito ng sesendan? Wala naman kasing nakakaalam ng work email ko unless naging client ka ng boss ko at ako ang pinagrereply niya ng kung ano na kailangan ng client.
Hindi ko nalang ito pinansin at nilagay sa trash folder at nagpatuloy sa pagtatrabaho pero ilang araw matapos kong matanggap ang unang weird email mula sa unknown sender, isang panibagong email ulit ang nareceive ko.
[ Miss me? ]
The heck? Sino ba ito? Bakit nagtatanong kung miss ko siya? Kilala ko ba itong unknown sender na ito? Hindi kaya nangpa-prank ito?
And again, I shrug it off. Marami pang mas importanteng bagay kesa dito sa kung sino man ito na ang lakas ng tama manggulo sa oras ng trabaho.
Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng makatanggap ako ng pangalawang email mula sa unknown sender ay hindi na ito muling nagparamdam. Buti nga dahil nagsasayang lang ng oras sa akin 'yung nangpa-prank na iyon. Binlock ko na rin kasi ang email na iyon just incase para hindi na ako ulit masendan ng kalokohan niya.
Kasalukuyan akong nag go-grocery sa supermarket at nakapila na sa cashier ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa bulsa ko dahil baka si Rence ito o Garet pero ng mabasa ko ang nakuha kong message ay napakunot ang nuo ko.
[ Let's play, darling. ]
Wait, what the hell? Darling?
Agad kong tinignan kung sino ang nagtext pero isang unknown number lang ang nakita ko.
Now this is starting to be creepy!
Walang ibang nakakaalam ng number ko kundi si Rence at Garet lang. Sinong nakakuha ng number ko? Hindi ito nakakatuwa kung na wrong send lang ito sa akin at ganito ang nakalagay dahil no shit sherlock! This reminded me of the unknown emails na natanggap ko these past few days. And for some reason, agad akong napalingon sa kaliwa't-kanan ko na para bang may makikita ako na kung sino na maaring nagsend sa akin ng message but to my dismay, mga nagchichismisan lang na matatanda ang kahilera ko sa pila at wala ni isa sa kanila ang may hawak na cellphone and possibly, nagtetext.
I composed myself after that text message and again, tried to ignore it. Wala akong balak patulan ang mga ganitong sira ulo na walang magawa sa buhay kundi mang prank.
And yet, after that text message, the next day and the following days after nagsimula na rin akong maka receive ng tawag mula sa iba't-ibang phone numbers and to make it worse, isang beses lang ito mangyari sa isang araw at the same exact time - 07:13 AM.
Imbis na matakot, nagsisimula na akong mainis sa ginagawa ng kung sino mang wala sa katinuan na taong ito.
[ I bet they didn't know but I do. ]
This time napayuko nalang ako sa desk ko at napasabunot sa buhok sa inis ng makatanggap na naman ako ng weird email from an unknown sender. Sino bang gumagawa nito at anong problema nito? Hindi na talaga ako natutuwa. Napipikon na ako!
"Arista? Are you okay?" napa angat ako ng tingin kay Rence at ngumiting pilit.
"Yeah, I'm just hungry."
"But didn't we just ate our lunch?" nag kibit-balikat nalang ako sa tanong niya at muling tumingin sa pinadala ng unknown sender.
Sino ka ba at anong kailangan mo?
Para mawala ang inis ko dahil ayaw kong maka apekto ito sa trabaho ko, nagbukas nalang ako ng panibagong tab at nagtingin sa social media ng mga current happenings.
At first, it was boring but not unless makakita ako ng funny videos wherein I'm trying not to smile or laugh not until may umagaw ng atensyon ko at nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Pakiramdam ko mahihimatay ako but couldn't.
' Celebrity EA talks about getting married this year. '
Nahihirapan man, pero nagawa kong makatayo mula sa pwesto ko kahit nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa magkabilang gilid ng desk ko.
"Where are you going?" nagaalalang tanong ni Rence ng makita niya akong nakatayo at malamang halata sa kilos o sa mukha ko ang dahilan ng pagtatanong niyang iyon.
"B-bibili lang ng makakain. May gusto ka bang ipasabay?"
"Wala. Huwag kang masyadong matagal sa labas ah." tumango nalang ako sa sinabi niya at agad na lumakad palabas at hinanap ang comfort room at pumasok sa isa sa mga bakanteng cubicle at duon umiyak.
Hindi ko man nabasa 'yung article na nakita ko patungkol kay Pearl obvious naman sa title kung sino ang maaari niyang tinutukoy duon. Walang iba kundi si kuya.
Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ng ganito. Dapat alam ko ng maaaring mangyari ito dahil magka relasyon sila ni kuya at dahil alam nilang hindi ako 'yung Arista na kilala nila, na hindi ako dapat umaakto ng ganito, na dapat maging masaya ako sa kanila pero hindi. Hindi ko magawa. Masakit! Nasasaktan ako!
Huli na ako. Hindi ko na magagawang itama ang pagkakamali ko.
Wala na akong lakas ng luob para sabihin pa kay kuya ang nangyari sa akin at ang tungkol kay Claec. Hindi ko na mababago ang kasalanang nagawa ko. Ang pangiiwan ko sa kanya six years ago. Ang pagsisinungaling ko na hindi ako 'yung half-brother niya. Ang pagpapanggap ko bilang ibang tao. Wala na. Huli na. Huli na ang lahat!
Nanlalabo man ang mga mata ko sa pag iyak ko ay napatingin ako sa bagay na tumatama sa pisngi ko habang pinipilit ko na punasan ang mga luha kong tuloy lang sa pag agos.
Napangiti ako ng mapait ng mapagmasdan ko ang daliri kong suot ang singsing ko na ang kapares ay na kay kuya. Tsk, Ano pang silbi ng pagsusuot ko nito?
Galit kong inalis sa daliri ko ang singsing at ng itatapon ko na ito sa basurahan na nasa gilid ng pinto ay humigpit ang pagkakahawak ko sa singsing. Hindi ko magawang itapon ang bagay na nagbubuklod sa akin at kay kuya. Bakit? Bakit hindi ko magawa?!
Sa gitna ng pag iyak ko ay tumunog ang cellphone ko.
Pagod at wala sa luob kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko para tignan kung sino ang nagtext. Baka si Rence ito. Gaano na ba akong katagal na wala sa office?
But to my surprise, napamura ako sa nabasa ko.
[ Ouch. Does it hurt? ]
Sa sobrang asar ko, not in my right mind, and out of annoyance ay nireplyan ko 'yung unknown number. Ewan ko nalang kung hindi pa tumigil ang walang hiyang ito.
[ Fuck you whoever you are! ]
Pagkasend ko nu'n ay lumabas na ako ng cubicle at tinignan ang sarili ko sa salamin. Shit. I look shit! Umiling ako at naghilamos ng mukha ko.
Kailangan ko ng bumalik sa trabaho.
Kailangan kong unahin ang panggastos namin ng anak ko sa araw-araw.
Pero bago ako tuluyang makalabas ng comfort room muling tumunog ang cellphone ko at muli akong napamura ng mabasa ko ang reply ng unknown number.
[ Sure, darling. I'll fuck you. ]
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...