AUTUMN MEETS WINTER ( XLV )

1.5K 107 4
                                    

Isang linggo din kami halos na nasa Japan bago naisipan ni kuya na umuwi pabalik sa amin kaya hindi na nakapagtatakang abangan ako ni Pearl sa school gate.

Okay, binabawi ko na ang isiping ayaw ko pa sanang pumasok dahil mukhang hindi magdadalawang isip itong si Pearl na ipukpok ng paulit-ulit sa akin ang bag niya. Kung sabagay, hindi ako nagparamdam sa kanya after ng event na pinuntahan ko.

Dahan-dahan akong naglakad habang nagpapanggap na hindi ko siya napansin ng bigla nalang ako nitong hilain ng marahas at yugyugin.

"U-uy! Hi, Pearl! Nandyan ka pala?" pagma-maangan ko.

"Anong nandyan ka pala?! Tigilan mo ako sa pagpapanggap mong hindi ako agad nakita ha! Nasaan ka nitong mga nakaraang araw at wala kang paramdam?! Akala ko nakidnap ka na tapos chinop-chop katawan mo at binenta sa black market o kaya naman ginawa ng sex slave ng kung sink!" dire-diretso at inis na bungad nito sa akin. Shit. Napagalala ko yata siya ng sobra.

"Ah, eh, pwedeng baba ko muna sa room yung gamit ko bago kita sagutin?"

Tinignan ako nito at bumuntung-hininga.

"Okay, fine. Magkita tayo sa may hagdan malapit sa library. Yari ka sa akin kapag hindi ka sumipot." pagbabanta nito.

Syempre, dahil ayaw kong dagdagan pa ang inis ni Pearl sa akin ay sumunod ako sa napag usapan at tignan mo nga naman, nanduon na agad siya at nagaabang sa akin.

"Kwento ka ba bago kita sakalin. Hhnnggg!!! Nanggi-gigil ako sa iyo baklita!" at nag action pa ito na parang sasakalin ako na ikinatawa ko.

"Ito na, ito na. Kalma lang kasi."

At sinimulan ko ang kwento ko now from the top, make it drop. . Opps. Hahaha.

"Holy goly, mother of all coincidence! So, magkakilala sila Enix, Nigel, at kuya mo? How did that happen?!"

"Uhm, hindi ko rin alam. Maybe, childhood friends sila ng hindi ko alam?" nakangiwi kong sabi.

"Pwede! At baka may matindi silang pinag awayan para ganuon ang maging ending nila ngayon. Pero ang taray mo bakla at ikaw ang dahilan ng pagre reunite nila ah! Sana all!"

Agad kong binatukan si Pearl ng makita ko ang kinikilig niyang reaksyon sa kung ano mang kalokohan ang naiisip niya ngayon.

"Aray naman ha! Ikaw na nga itong pinupuri ko eh! Oh eh teka, kung nasundo ka pala agad ni Quilo mula sa pinagdalhang bahay sa iyo ni Nigel, bakit ngayon ka lang pumasok? Don't tell me sinermunan ka ng kuya mo at binugbog? Aba sabihin mo sa akin ang totoo, Arista at susugurin ko iyang kuya mo sa inyo!" umakto pang tatayo si Pearl na nagtaas ng kanyang manggas ng uniform ng pigilan ko ito.

"Baliw! Hindi! Hahaha! Ano ka ba!"

"Hoy, Arista! Mukha ba akong nagjojoke sa paningin mo at nakukuha mo pang matawa?"

"Hindi, pero kasi, oo, sinermunan ako ni kuya pero hindi niya ako binugbog. Actually. ."

"Actually? Ano? Sabihin mo na kaya at h'wag kang pabitin!"

Tinignan ko muna si Pearl habang nagiisip kung dapat ko bang sabihin sa kanya na ginawa na ako ni kuya na counterpart niya at matapos ang ilang segundong pagiisip. .

"Okay, ito na. Sasabihin na. Excited masyado eh! Pero promise mo munang hindi mo ako sasakalin?"

Tumingin siya sa akin ng may pagtataka pero kalaunan ay pumayag din sa gusto ko na hindi niya ako sakalin.

"Wala munang side comment habang nagkukwento ako." paalala ko bago ko sinimulang ikwento sa kanya ang mga nangyari sa akin sa Japan kasama si kuya.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon