AUTUMN MEETS WINTER ( XIII )

2.6K 127 3
                                    

Mabilis na lumalakad ang mga araw at sa bilis nito ay baka magulat nalang ako na bukas na ang schoolfest. Looking forward pa naman ako sa bakasyon pero dahil sa nakatakda kong performance ay hindi ko magawang ma-excite.

Sino ba namang mae-excite kung pride mo ang nakasalalay sa darating na schoolfest. Idagdag mo pa ang pressure na pinaparamdam sa iyo ng mga classmates mo na dinadasalan na ang kanilang mga anito't santo sa bahay para sa ikapapanalo ninyo, given the fact na alam din nilang mataas ang chance dahil kakilala mo ang isa sa mga manunuod. Takte.

Ang nakakainis pa, kung kailan gusto ko makita si kuya saka ko naman siya hindi mahagilap. Oo naman, yes! Aaminin kong miss ko si kuya kahit na walang ginawa iyon kundi saktan ako. At saka kahit papaano, gusto ko rin siya makita kahit isang beses man lang na um-attend sa schoolfest ko. Selfish ba pakinggan?

Nakahiga ako sa couch at nakayakap sa throw pillow ng biglang umilaw ang screen ng cellphone ko na nakapatong sa lamesa.

No need to guess who. Sure akong si Enix ang nag message sa akin.

Ang tindi talaga ng isang 'to. Hindi pa rin tumitigil kahit na may pagkakataong binibigyan ko na siya ng hint na hindi pwede maging kami. Gwapo siya at maraming nagkakagusto sa kanya pero ewan ko ba sa kanya at kung bakit sa isang tulad ko siya patuloy na nagungulit. Kung sabagay, ang ganda ko kasi pang dyossa. Hahaha. Joke lang baka may pumutol ng hair kong mahaba. Oops. Natatapakan mo pala. Hahaha.

[ Hey, babe. Lets go out. My treat. ]

Hindi ko mapigilang mapangiti sa text niya. Ganyan siya sa akin kahit na iniiwasan ko siya minsan. Baka kasi masanay ako eh wala pa sa balak ko na magka boyfriend. Takot ko nalang kay kuya.

Ni-replyan ko siya at tumungo na sa kwarto ko para mag asikaso. Nakakahiya naman kung late akong dumating sa usapan.

Actually, wala pa rin siyang ideya kung saan ako nakatira kasi hindi ako nagpapasundo or hatid sa kanya at iniiwasan ko talaga dahil baka mang trip si tadhana at pagtagpuin sila ni kuya eh di naloko na. Kaya kung magkikita man kami ay diretso sa place na pagkikitaan.

Iniiwasan ko ding malaman niyang galing ako sa mayamang pamilya dahil kapag nangyari iyon ay alam kong magtataka siya kung bakit pa ako nagpa-part time job gayong napaka yaman ni kuya. At saka, malay ko rin ba kung may conflict sa pagitan nila na maaaring ikapahamak ng sino man sa kanila at lalo na ako. OA ko mag-isip 'no? Pero kailangan.

Isang white v-neck shirt at gray faded jeans ang sinuot ko na pinaresan ng black sneakers. Pwede na ito. Casual outfit lang dapat.

Nagkita kami sa isang coffee shop ni Enix at my gosh! Ang gwapo ng loko. Panay ang lingon sa kanya ng mga babaeng nasa luob ng shop. Sorry. Sa akin 'yan. Joke. Hahaha.

"Hey. Ang aga mo." nahihiyang sabi ko at umupo sa tabi niya.

Takte. Usapan 1 pm pero nandito na siya ng 12:30. Akala ko pa ako ang mauuna sa aming dalawa.

"Actually, I just arrived a couple of minutes ahead from you so, what do you wanna do first? Movie?" nakangiti niyang tanong.

Mukhang kararating niya nga lang talaga. Hindi pa gaanong bawas yung order niyang macchiato.

Ano nga kaya magandang unang gawin namin?

"Tara." tumayo ako at sumunod naman siya.

Habang naglalakad kami papuntang sinehan ay  napansin kong panay ang lingon niya sa likuran namin. Bakit kaya?

"Are you okay?" tanong ko.

"Yeah." hinila niya ako papunta sa tapat ng ticket booth at pumili ng pwede naming panuorin.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon