AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)

1.5K 55 9
                                    

DISCLAIMER:

This novel is a work of fiction. The names, characters, incidents and places are the product of my imagination as the author, and are not to be construed as real. Any resemblance to persons living or dead or to an another story is entirely coincidental and unintentional.

------------------------------------------------------

FROM THE AUTHOR:

Taos puso ang aking pasasalamat sa pagbibigay ninyo ng oras sa pagbabasa ng aking pinaka unang BxB novel na pinublished ko ng 2019. Ito ang masasabi kong literal na novel dahil umabot ako ng napakaraming chapters para mabuo hindi gaya ng mga nauna ko ng nilikha. Imagine, Walamput limang kabanta. Mangyari lamang na palakpakan ang inyong sarili dahil nagawa ninyong magtiis sa ganuong kahaba na kwento hindi pa kasali dito ang mabagal na paguupdate ng inyong lingkod na author.

Anyway, alam ko sa sarili ko na may ibang magbabasa na hindi gusto ang naging ending ng kwento at wala akong magagawa sa bagay na iyon. Nais ko lang din linawin na mas lamang ang pagnanais ko na gumawa ng kwento para sa sarili ko at hindi lang para sa magbabasa. Mahirap din para sa side ko na magbigay ng anong paglilinaw bawat kabanta dahil mas nanaig pa rin sa akin ang pagiging silent reader. Ibig sabihin hindi lang ako basta tahimik na nagbabasa ng inyong mga comments para sa ika immprove ko kundi pati na rin ang pagbabasa ko ng mga gawang kwento ng iilan sa aking magbabasa at dito ko din sasabihin na proud ako sa inyo dahil naglalaan kayo ng panahon para lumikha ng kwento para sa inyong sarili at sa ibang magbabasa.

Nais ko lang din linawin na ang katauhan ni Arista sa kwento ay ginawa kong may hapyaw sa realidad. Ibig sabihin, may mga tao tayong makikilala sa buhay natin na kapag nalaman natin ang kwento nila ay mapapaisip tayo kung bakit sila nanatili sa ganuong sitwasyon o 'di naman kaya ay gumawa ng isang nakakalokong bagay na 'ni sa hinagap ay hindi natin makita ang kanilang punto sa kanilang ginawa pero anu't-ano pa man, buhay nila iyon. Hanggat hindi tayo napupunta sa ganuong sitwasyon hindi tayo maaaring manghusga. At patungkol naman kay Quilo, oo nga at naging masama siya sa una pero gaya ng lumang kasabihan lahat ng bagay may dahilan at may karapatang magbago lalo na kung mahal mo ang isang tao. Para naman sa karakter ni Enix, nakakabulag ang pagmamahal pero hindi dahilan iyon para gumawa ka ng bagay na makakasakit sa taong iyong minamahal. Kung mahal mo talaga ay kailangan mong unuwain ang naging desisyon nito ng bukal sa iyong luob dahil anu't-ano pa man, ang tunay na nagmamahal magiging masaya kung makikita din niyang masaya ang mahal niya kahit hindi sa kanya at kahit na masakit gaya ng ginawa ni Rence. At syempre huwag nating kalimutan na sa buhay natin may mga kaibigan tayong handang umunawa at tumulong sa atin sa buhay gaya nila Pearl at Garet.

So, sa mga naka follow sa akin, kung nabasa ninyo ang pinaka huling kabanata ng kwento ay malamang may ideya na kayo na may kasunod na kwento ang AMW. It will stand on its own. Hindi ito karugtong ng AMW bagkus ay ipapakita nito ang magiging pag-ibig ni Claec sa kanyang paglaki at malamang habang binabasa ninyo ito ay naipost ko na ang unang kabanata ng kwentong iyon na pinamagatang Staring At Summer.

And before I end this ubod ko ng haba na note sa inyo, muli, maraming salamat sa pagsama kina Quilo at Arista Gabriel - Naito.

Hanggang sa muli.

Salamat sa pagbabahagi ng inyong kaweirduhan, Brictorique. 

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon