AUTUMN MEETS WINTER ( XXXIII )

3.1K 139 19
                                    

"Nakakaloka 'yang si Enix ha?! Kababalik lang niya from abroad pero heto at binigyan ka ng iisipin!"

"Kaya nga eh! Hindi ako nakatulog ng maayos dahil duon." feeling ko kinakarma na ako sa paglilihim ko. Una kay kuya. Pangalawa itong kay Enix. Paano kung nakarating na sa kanya yung nangyari sa club? Impossibleng hindi siya mag isip kung paano kami naging magkakilala ni kuya at maaaring tungkol duon ang itanong niya sa akin. Anong sasabihin ko sa kanya? Paano ako magpapaliwanag?

Lagot ako nito kapag nakarating ang tungkol sa amin ni Enix kay kuya. Hindi ko maisip kung ano pa ang pwede niyang gawin sa akin. Baka patayin niya na ako!

"Eh tumawag na ba siya sa iyo? Sabi mo ngayon niya sasabihin, di ba? Sa nakikita ko mukhang walang Enix na nandirito sa campus."

"Oo nga. Ang iniisip ko nga baka sa club siya pumunta mamaya eh hindi pa nga ako papasok. Masasayang lang punta niya duon."

"Hay, naku! Pati tuloy ako napapaisip ano yung sasabihin sa iyo ni Enix. Basta, balitaan mo ako once na magkausap kayo, okay?"

Pagtapos ng recess ay nagsibalik na kami sa kanya-kanya naming mga klase. Aabalahin ko nalang muna ang sarili ko sa lecture since ang dami kong kailangan i-catch up sa halos isang linggong hindi ko pagpasok sa school.

Nasa kalagitnaan kami ng klase ng bigla akong tawagin ng isang member ng faculty. Nice! Paniguradong tungkol sa absent ko ito dahil ang bilin ay pumunta ako ng board room. Pero teka, board room? Hindi sa discipline's or headmaster's office?

"Come in."

Dahan-dahan akong pumasok sa luob ng board room makaraan kong katukin ng tatlong beses ang pinto at hindi ko alam. Bigla akong kinabahan.

Sino bang hindi? Nakatalikod 'yung gustong kumausap sa akin at nakatanaw sa labas ng bintana.

Damn. May vibes siya na kapareho ng kay kuya.

"Have a sit." saad nito na hindi pa rin pinipihit paharap sa akin ang kanyang recliner chair.

Sabihin ninyo ang gusto ninyong sabihin pero umupo ako sa kabilang dulo ng mahabang table. Kailangan manigurado. Mahirap na.

"U-uh, bakit ninyo po pala ako pinatawag? Tungkol po ba ito sa pag absent ko ng one week? Sorry po, Sir. H'wag po kayo magalala. Bukas na bukas magdadala ako ng letter from m--"

"Why were you absent?" muntik akong mahulog sa kinauupuan ko ng humarap ang tanong nagpatawag sa akin sa board room. What the?!

"Enix?!" malamang sa malamang halata sa mukha ko ang pagkagulat pero kung iisipin, oo nga pala. Isa siya sa shareholder ng school.

"It's me. So may I know why were you absent? Were you sick?" salubong ang kilay niyang nagaabang ng sagot ko sa tanong niya.

Oh shoot! Anong sasabihin ko?

"A-ah, oo eh." what the heck! Do I sound lying?

"You were sick and yet, you were outside last night buying some groceries?" tumayo siya at lumakad papunta sa akin.

"O-okay naman na ako ng nagkita tayo kagabi." shit, bakit hindi ako makatingin ng diretso sa kanya?

"Still, you were sick and you need to rest. Don't overdo your self, Arista, especially if there's no one to take care of you." pakiramdam ko namula ako ng marahan niyang tapikin ang ulo ko ng kamay niya.

"A-ano. . Bakit mo pala ako pinatawag? Tungkol ba ito duon sa sasabihin mo sa akin? Dapat tinext mo nalang kung saan tayo pwedeng magkita. Pupunta naman ako."

"I also thought of that, however, gusto na kita makita ulit. Masyado ka kasing nagmamadali kagabi. Besides, as I said, I want to catch up with you."

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon