AUTUMN MEETS WINTER ( XLIX )

1.1K 84 4
                                    

"Sa wakas, mukhang ayos na rin kayo ni Quilo. Hindi ko na kailangang magalala sa leading lady ko na hindi marereciprocate ng leading man niya." masayang saad ni Pearl na siyang binatukan ko naman. Talaga itong babae na ito puro kalokohan pinagsasasabi. Mamaya may makarinig sa kanya na sabayan namin sa paglalakad pauwi eh.

Leading lady? Ako ba tinutukoy niya? Loko talaga.

"Anong pinagsasasabi mo d'yan? Nakalimutan mo na ba na may fiance siya? Kasi ako hindi ko pa rin iyon nakakalimutan. Nagtataka nga ako bakit hindi ko na nakikita or naririnig na banggitin siya ni kuya sa akin." oh yes. I'm completely aware of kuya's fiance kaya nga may side sa akin na naguguilty sa tuwing alam ninyo na, may ginagawa kami ni kuya na kamunduhan.

"Eh malamang kasi nagbackout na ang kuya mo na pakasalan siya. Teka nga, about d'yan sa nasabi mo tungkol sa fiance niya, didn't he tell you yet?" nagtaka ako ng tignan niya ako ng puno ng kuryosidad. Huh? Sabihin ni kuya ang sa akin?

"Ang alin?"

"'Yung tungkol sa ka--"naputol ang dapat na sasabihin ni Pearl sa akin ng biglang may kotseng humarang sa daraanan namin. 'Yung tipong nag drift lang para harangan kami. Buti at walang gaanong mga sasakyan ang dumaraan ngayon kundi mag cause pa ito ng aksidente. Tanging ang mga usisero lang ang nakatingin ngayon sa amin.

Is it just me or parang nangyari na rin ito before? Napalunok ako sa isipin na iyon.

"Arista." kumalabog ang puso ko ng makilala ko ang boses na nagsalita mula sa luob ng kotse. No, it wan't kuya this time but Enix.

"H-hi." naiilang kong bati ng mapansin kong kakaiba ang awra niya mula sa huli kaming nagkita.

"Can we talk?"

"Sama ako." invite ni Pearl sa sarili niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Hoy. Pinagsasasabi mo d'yan?"

Hindi siya sumagot sa akin. Sa halip naglipat-lipat ang tingin ko kay Pearl at Enix na mukhang may pinaguusapan na hindi ko alam dahil sa tinginan nilang dalawa at kung iyon ang pagbabasehan ko, mukhang hindi iyon maganda. Teka, nagkaruon ba ng away sa pagitan nila ng hindi ko alam?

"Hindi kasi pwedeng umalis si Arista ng hindi ako kasama. We're currently on a buddy system kay Miss Thalia. May incident kasi na nagyari sa club recently and it has something to do with our safety. I hope you understand." gusto kong magreact sa sinabi ni Pearl dahil wala akong maalala or alam tungkol sa sinabi niyang iyon kay Enix but I didn't.

"Ah, oo, Enix. Pasensya ka na ha? Kung hindi kasi natin kasama si Pearl hindi ako pwedeng umalis ng mag isa kahit na kilala natin ang isa't-isa."

Napansin ko ang pagkainis at pagtitimpi sa naging reaksyon niya sa sinabi namin at napabuntung-hininga nalamang.

"Alright. See you later at Hunt Paradise." agad nitong inistart ang makina ng kanyang kotse at humarurot palayo sa amin.

Nang hindi ko na maaninag ang sasakyan ni Enix, agad kong hinampas sa braso si Pearl.

"Hoy! Anong kalokohan 'yung pinagsasasabi mo kanina kay Enix?"

"I just saved you so just thank me, okay?" ay wow? Ang taray ah.

"At saan mo naman ako iniligtas?"

"From Enix. He wasn't the same as before when we met him. Something is different and I'm pretty sure you noticed it. If I were you, kung may nasabi man si Quilo about Enix, better follow his order because I can feel that there's something bad about to happen if you don't. I just can't tell when or how but better be sure and safe." 

Hindi na ako nakaimik pa sa sinabi niya dahil alam ko sa sarili kong may nabanggit na din na ganito sa akin si kuya. Ang pinagtataka ko lang, bakit ganuon nalang ang inakto ni Enix kanina? I mean, never ko siyang nakita maging ganuon so, bakit? May alam ba sina kuya at Pearl na hindi nila sinasabi sa akin about Enix?

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon