AUTUMN MEETS WINTER ( LXIX )

807 69 4
                                    

Halos isang linggo din ang nakalipas na hindi kami nagkita ni kuya dahil naging abala ako sa paper works at si Rence lang ang pumupunta sa office niya. Not that gusto kong sumama kay Rence or I'm desperate to see him but somehow I'm wishing na mautusan ako ng boss ko na ako 'yung papuntahin sa office niya however alam ko namang hindi pwede dahil siya ang lawyer nito at secretary lang ako. Hindi naman ako ang direktang magdedefend kay kuya sa kaso niya.

"Tomorrow's the day." dinig kong sabi niya habang naguunat ng katawan niya mula sa kinauupuan niya.

"Yeah. I'm pretty sure we will win the case." confident kong sabi. My boss wouldn't be a well known lawyer for no reason kung hindi niya kayang ipanalo ang mga nahawakan niyang cases.

"Nah. It's too early to say that. Let's just do our best and hope for the best." and this is exactly why I admire Rence. Hindi siya nagpapaka kampante sa mga kasong hinahawakan niya.

Nasa daan na ako pauwi ng marealized ko na bukas ko na rin pala muling makikita si Lesanna. Isa pa siya sa mga taong nakakakilala sa akin bilang Arista. Kinakabahan tuloy ako kung anong magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako.

"Papa!" nakangiting bati sa akin ng anak ko pagpasok ko ng bahay at agad akong hinalikan sa pisngi.

"Hi, baby! How was your day?"

"It's fine. How about you?"

"Tiring. Tomorrow's the court trial of our client."

"You'll be very busy again, I see." naka pout na saad ng anak ko at yumakap sa kaliwang paa ko na parang koala. Natawa naman ako sa ginawa niya.

"Don't worry. Once we're done, we'll go or do anything you want us to do." kumislap naman ang mga mata niya pagkasabi ko nu'n at agad na tumakbo papunta sa kung nasaan si Garet para sabihin dito ang sinabi ko.

Ito lang kasi ang kaya kong gawin pang compensate sa anak ko kapag nagiging busy ang schedule ko sa work at hindi ko magawang lumabas para makipag bonding sa kanya. Hindi ko naman kasi pwedeng lagi ding iasa kay Garet ang pagaalaga sa anak ko. Syempre kahit papaano nahihiya din ako.

Matapos kaming mag dinner at ma-make sure na tulog na ang anak ko ay muli kaming nag bonding ni Garet sa tambayan naman dito sa bahay. As usual, may alak at naninigarilyo siya.

"So bukas na pala yung trial?" tanong niya.

"Uhm-hmm." tugon ko, "Nasabi ko na rin ba sa iyo na not only makikita ko ulit si Quilo, makikita ko rin ulit 'yung dati niyang fiancee?"

"Wait, what? Bakit nasama 'yung fiancèe niya sa trial bukas?"

"Kasi 'yung nagkaso sa kanya ay 'yung dati niyang fiancèe."

Saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Makaraan ang ilang minuto nagsalita na siyang ulit.

"Naalala ko sabi mo sa akin dati, not in good terms ka duon sa fiancèe ng kuya mo so, hindi impossibleng mag react ng kakaiba ang babaeng iyon bukas kapag nakita ka niya."

"Iyan nga din ang iniisip ko magmula pa kanina." napansandal ako sa kinauupuan ko at bahagyang inislide ang katawan ko at bumuga ng hangin para paangatin ang iilang piraso ng buhok ko na nasa nuo ko.

"Well, wala akong ibang masasabi kundi good luck sa inyo bukas lalo na sa iyo."

At ang iniisip ko magmula kahapon hanggang ngayon ay siyang malapit na mangyari ilang minuto nalang mula ngayon. Whew.

Maaga ako umalis ng bahay para maaga akong makapunta sa pag gaganapan ng trial sa kaso ni kuya and honestly, kanina pa din ako panay punas ng panyo sa mukha at leeg ko dahil sa imaginary cold sweat na iniisip kong meron ako.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon