AUTUMN MEETS WINTER ( IX )

2.7K 137 5
                                    

Pagka gising ko ay nagmamadali akong naligo at nagluto ng breakfast dahil ang balak ko, aagahan ko ang pag-alis dito sa bahay. Meaning, hindi ako sasabay kay kuya kahit na sinabi niya kagabi na sabay kaming pupunta ng school.

Bahala na kung mapagalitan ako pag uwi basta ito ang naisip kong paraan para makaiwas sa kung ano man ang mangyari mamaya.

Bahala na kung magalit siya sa akin basta magiiwan nalang ako ng note dito sa table na maaga akong pinapapasok ng mga kaklase ko in preparation sa school fest. Oh di ba? Palusot 101! Hahaha.

Nakiramdam muna ako sa labas ng kwarto ni kuya at mukhang tulog pa siya kasi wala akong nakitang liwanag sa siwang sa ilalim ng pintuan. Yes!

Kung sabagay, sino bang baliw na estudyanteng gaya ko ang papasok ng 5 am? At, take note hindi ako magpapahatid kay Manong Ben. Hahaha.

Palabas na ako ng gate dala ang bag ko ng bumungad sa akin ang mamahaling kotse ni kuya at si kuya mismo na nakasandal sa pintuan ng kotse at naninigarilyo. Takte!

Anong oras siya gumising?!

Kanina pa ba siya nand'yan sa labas?

"What took you so long?" inis na tanong niya sa akin sabay hagis kung saan ng sigarilyo niya.

Luh, wala na. Finish na.

Abort mission. I repeat, abort mission! Huhu.

"A-aga mo kuya." saad ko at pumunta sa tabi niya para sana buksan ang pintuan ng shotgun seat pero hindi siya umaalis sa pagkakasandal.

"K-kuya?" kinalabit ko siya pero di siya natinag. Bakit kaya?

Napaigtad siya ng sapuin ko ng kamay ko ang nuo at leeg niya. Hala! Ang init ni kuya! Fertile!

Joke. Hahaha.

"May lagnat ka kuya! Hala! Tara sa luob. Uminom ka na ba ng gamot ha?" natataranta kong tanong habang hinihila siya papasok ng bahay. Kaloka. May sakit na pero pupunta at sasama pa rin siya sa akin sa school.

Kaya siguro naiinis siya sa akin kanina kasi bukod sa ang tagal niya na sigurong nakatayo dito sa labas at masama ang pakiramdam ay ang tagal ko pang dumating.

O baka naman ayaw niyang nakikita ko siyang ganito? Hala! Hindi ko na alam.

Ayaw ko siyang iwanan kung ganitong may sakit siya. Kilala ko ito eh. Workaholic. Ayan ang napapala niya kaka-trabaho.

Paano nalang kung bigla siyang bumagsak d'yan sa kung saan at walang makasalo at magtakbo sa kanya sa ospital? Paano kapag pati siya namatay at iwan ako? Paano na ako?!

Okay. Ang OA ko na. Pero kasi! Nagaalala ako, okay?! Do you feel me?!

"Lets go." dinig kong sabi niya at hinila ako palabas ng gate. Luh, parang tanga. Kung kailan nasa pintuan na kami ng bahay namin saka ako hihilain pabalik.

"Kuya, hindi! Magpahinga ka!" sabi ko at hinila siya ulit papunta sa luob ng bahay.

So, mukha kaming tanga na naghihilaan dito sa labas ng bahay. Partida, may sakit pa siya.

Bahala siya d'yan. Kahit batukan niya ako or anything, hihilain ko siya pabalik ng bahay. No but's. Kailangan niyang magpahinga. Paano nalang kung lumala iyon? Siya pa naman itong nagtatrabaho sa aming dalawa.

Parang sa mag-asawa lang. Siya ang haligi, ako naman ang ilaw. Joke. Hahaha. Hmm, kayo ah!

Buti at hindi na nagmatigas pa si kuya at mukhang naubos na ang energy niya sa ginawa naming hilaan kaya bumalik kami sa luob ng bahay at diniretso ko siya sa guest room. Ayaw niya kasi na pumasok kami sa kwarto niya - specifically, ako. Ewan ko ba sa kanya. Siguro may kalendaryo siya ng alak na may mga malalaking dedeng model. Nakakita kasi ako ng ganun sa bahay ng kaklase ko before.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon