AUTUMN MEETS WINTER ( LXVIII )

916 73 10
                                    

Nagising akong ang sakit ng ulo ko. Shit. The aftermath of drinking sucks!

Pakiramdam ko sasabog 'yung bungo ko anytime. Ugh.

Napaupo ako sa kama at sinubukang hilutin ang sentido ko. Nagbabaka sakaling maibsan ng ginagawa ko ang sama ng pakiramdam ko. Ang bigat din ng katawan ko.

Aish. Hindi ko na ulit uulitin 'yung ginawa kong pag inom kagabi.

Kinapa ko ang gilid ng kama para sana haplusin ang anak ko but to my surprise ay mukhang maaga siyang nagising kesa sa akin.

What to expect? Anong oras na ako nakauwi kagabi and for sure maaga siya pinatulog ni Garet.

Dahil hindi naibsan 'yung sakit ng ulo ko muli akong bumalik sa pagkakahiga at niyakap ang unan na malapit sa akin ng bigla akong may naalala.

Paano pala ako nakauwi kagabi?

Habang inaalala ko 'yung mga nangyari kagabi ay biglang pumasok sa isip ko 'yung sinabi ni Rence sa akin na ihahatid niya ako sa bahay namin at kung ganuon nga 'yung nangyari. .

Napadilat ako ng mga mata ko sa isang realization. Shit. Hinatid ako ni Rence sa bahay?! Paniguradong madaming itatanong sa akin si Garet!

Pero dahil slow ang function ngayon ng utak ko dahil sa sama ng pakiramdam ko, late ko din narealize na wala ako sa bahay namin ni Garet. Oh fuck!

And to make it worse, hindi ito bahay ni Rence but a familiar place to me.

It was so fucking familiar because this place that I'm in used to be my bedroom sa bahay namin ni kuya.

Shit! Shit! Shit!!!

Anong ginagawa ko dito?!

Paano ako napunta dito?!

Shit! Anong nangyari kagabi na hindi ko maalala?!

Ang natatandan ko lang ay magkasama si kuya at Pearl at kumanta siya tapos. . tapos. .Ugh. Fuck. Bakit hindi ko maalala?

Muli akong bumangon ng kama kahit masama ang pakiramdam ko at hinanap ang bag ko para makaalis na sa bahay na ito. Hindi ito pwede.

Sobrang yari ako nito kay Garet at sa anak ko dahil sinabi ko lang gagabihin ako ng uwi pero hindi ko sinabing hindi ako uuwi. Malamang nagaalala na sila sa akin.

Shit. Nasaan ba 'yung gamit ko ng macontact ko si Garet?!

Habang nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ay bigla akong napatigil ng muli akong may narealize. Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng dati kong kwarto at napansin kong parang wala man lang ni isang nagbago.

And speaking of walang nabago, tinignan ko ang damit na suot ko at nakahinga ng maluwag ng malamang hindi ako napalitan ng damit. Suot ko pa rin 'yung suot ko kagabi. Whew. Buti nalang kundi. . ah basta. Hindi ko pa kayang umamin ngayon.

Sakto namang bumukas 'yung pinto at nawitness ni kuya ang all fours position ko dahil for some reason, umandar ang katangahan ko at inisip ko na nasa ilalim ng kama 'yung bag ko.

Kahit nasa awkward ako na position, hindi napigilan ng mga mata ko na pagmasdan siya. Napalunok ako ng makita ang suot niyang long sleeve na hapit sa kanya dahil sa muscular structure ng katawan niya. Naka rolyo din ang sleeves nito at naka bukas ang ilang butones. Kung hindi ako nagkakamali sabado ngayon pero bakit parang papasok siya ng office? But damn! He looks so hot!

Wait, what did I just said?!

"You're awake." baritonong sabi ni kuya habang pinagmamasdan ako ng mga mata niyang makasalanan at ngumisi, "I'll wait for you downstairs."

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon