AUTUMN MEETS WINTER ( XXIII )

2.5K 123 1
                                    

Exam week ngayon kaya isang mabuting estudyante ang inyong lingkod ngayon kahit na deep inside ay sobrang stress na ako dahil sa schoolfest next week. Whew. Gustuhin ko man magrelax kahit sandali ay hindi pwede. Ano pa man ang mangyari kailangan maayos ang grades ko na maipakita kay kuya para wala siyang masabi sa akin at para na rin hindi niya ako mabugbog. #AbugbogArista. Hahaha.

So far, hindi pa ako nagkakaruon ng palakol sa grades ko pero bihira lang akong mabiyayaan ng nine kaya kung maka nine man ako ngayon ay tatanawin kong utang na luob iyon sa pagka panalo ko at ng section namin sa gagawin naming performance at kay Enix na rin na siyang dahilan bakit ako napasali sa kalokang performance sa stage, pero speaking of Enix. .

Hindi siya nagpaparamdam nitong mga nakaraang araw. Nakapagtataka nga eh. Busy siguro. O baka naman nagsawa na sa akin? Well, hindi ko siya masisisi dahil pa tweetums ang lola ninyo pero syempre nami-miss ko rin ang presence niya kahit alam kong hindi tama na magkaruon ng feelings sa kanya.

Kaming dalawa lang ulit ni kuya ang magkasama sa bahay dahil wala na yung so-called fianceè niya. Ewan kung saan siya pumunta at wala akong pakialam. Much better kung hindi ko na siya makita pa - ever! Asar kasi ako sa kanya. Paano ba naman sa pagka may hitsura niya (ehem, hindi siya maganda for me okay? Kahit na sinasabi nila na maganda siya) ang panget ng ugali niya. Ayaw ko siya maging sister-in-law at hindi ko siya gusto para kay kuya. Not that I am jealous but hey, I'm telling you guys what I observed and nothing but the truth.

Paano ko nasabi na panget ang ugali niya?

To my friends out there, if Girls can feel there's something wrong with a particular person at one glance, Gays can radar better! Yes, better!

I can sense the masamang ugali na meron siya especially that one time na nasa kotse kami ni kuya the other day ng ihatid namin siya sa airport. Acting good siya sa harap ni kuya at pinilit pa niya na isama ako kesyo she wants to know more about me gayong si kuya lang naman ang focus niya all thru out ng biyahe and his business plans in the future na mas ikayayaman ni kuya na tinerm niya as "sila" and when it's about my turn to speak I saw how she's rolling her eyes on me sa rearview mirror!

Ugh. Talk about being a gold digger with a trashy attitude even thou she came from a rich family and educated. Duon ko narealized na tama ang kasabihang: Hindi nabibili ng pera ang ugali ng isang tao.

Nakatanaw ako sa kawalan habang nasa biyahe kami Manong Ben pauwi ng bahay. Kakahatid lang namin kay Pearl sa bahay nila ni Tita Shine and now that I'm all alone, all I can do is to ask myself some stupid questions that again, won't do me good since I don't even have the answers to those things I'm confused of. What a stupid thing to do, right?

Heto na naman ako't ibi-ibig deal ang ginawang pag interwtined ni kuya sa daliri ko sa katuhang ni Arisa. Like, why? Why would he do that knowing na maaaring may makakita sa kanya at kumalat 'yun sa kung saan mang social media site gayong may fianceè siya? Hindi ba siya natatakot sa mga issues na maaaring ipukol sa kanya ng mga mapanghusgang nilalang?

And until now, nasa bahay pa rin namin siya! Like, ang tagal ko ng hindi nakakapasok ng Club. Nakakahiya na kay Ms. Thalia thou alam naman niya ang dahilan kung bakit pero kahit na. Hindi naman sa ayaw kong nasa bahay si kuya, it's just that medyo naninibago at naiilang ako? Recently kasi napapadalas na ang uwi niya sa bahay at tumatagal iyon ng ilang araw unlike before parang isang araw o maximum na yata ang tatlong araw ay umaalis na siya pero ngayon, iba. Bakit kaya?

"Arista. 'Yung kuya mo nakatayo na sa pintuan ng bahay ninyo." dinig kong sabi ni Manong Ben kaya agad akong napatingin sa sinasabi niya. Shit. Kanina pa ba kami nakarating?

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon