AUTUMN MEETS WINTER ( LVII )

862 72 4
                                    

"Ano ba iyan! Umagang-umaga nakapalumbaba ka d'yan? Malas 'yan oy!" sita sa akin ni Garet sabay pabirong wasiwas sa akin ng feather duster. Himala nga't ang aga niya maglinis ng bahay ngayon.

"Puta! Kapag ako nabahing tatapat ako sa iyo. Bless you ka talaga!"

"Ang panget mo kasi tignan. Teka ano bang meron at naka ganyan ka? May nangyari ba?" tumigil siya sa ginagawa niyang paglilinis at umupo sa tapat ko.

Bahagya akong napatingin sa may hagdan para i-check kung gising na ba ang anak ko at saka muling binalik ang tingin kay Garet na hinahalo ang kanyang black coffee.

"Tinanong ko kasi si Claec kagabi kung anong gusto niya para sa birthday niya. ."

"Tapos? Ano meron? H'wag mong sabihin na gusto niya ng party sa limousine at may mga babaeng sumasayaw? Aba! Advance thinking! Magse-seventh birthday palang siya pero ang gusto pang debut na niya ang set-up!" 

"Puta ka! Alam kong mature mag isip ang anak ko pero hindi tulad mo na puro kalokohan ang nasa isip!"

Nagkatawanan kaming dalawa.

"Eh bakit nga?"

"Gusto niyang makasama kaming dalawa ng tatay niya sa birthday niya."

Binigyan niya ako ng curious look na kinanuot ng nuo ko.

"So? Maganda nga 'yon kasi at least alam nating normal na bata pa rin si Claec kasi gusto niya makilala at makasama ang tatay niya. More importantly, wala siyang galit dito."

"Alam ko, pero kasi ang hirap ng hinihiling niya sa akin."

Ano nalang ang sasabihin ng Ama niya sa akin kapag nalaman nitong all this time ay ang inaakala niyang taong patay na ay buhay pala?

Maniniwala ba siya sa akin kapag sinabi kong mayruon kaming anak at si Claec 'yon?

Minsan naiisip ko, paano kung bumalik ako agad kay kuya nuon after kong makaligtas? Siguro wala akong pinoproblema na ganito ngayon.

"Arista, ang tanging maipapayo ko lang sa iyo bilang para na kitang bunsong kapatid, hindi habang buhay makakapagtago ka lalo na sa tatay ni Claec. Magalit man siya o hindi, maniwala man o hindi na anak ninyong dalawa si Claec, at the end of the day at least ginawa mo ang tama na dapat sana'y nuon mo pa ginawa. Isa pa, may tinatawag tayong lukso ng dugo at alam kong mararamdaman niya 'yon sa anak ninyo. Siya ang kalahati sa pagkatao ni Claec at may karapatan siya sa anak mo hindi lang ikaw. H'wag mong ipagkait sa dalawang taong mahalaga sa iyo na makilala nila ang isa't-isa."

Napabuga nalang ako ng hangin sa sinabi ni Garet. May point siya. Alam ko din 'yon sa sarili ko na iyon ang dapat at tama kong gawin. Siguro natatakot lang ako para sa anak ko, hindi lang para sa akin sa magiging reaksyon ni kuya.

"Nga pala, gagala kami ni Claec mamaya."

"Saan naman?"

"Sa mall syempre."

"Bakit?"

"Gagala nga. Baliw 'to. Hindi ko naman itatakas 'yang anak mo. Kailangan ba may dahilan para gumala? Ito talaga. Dinaig pa ang nanay sa pagka paranoid. Kung gusto mo mang chicks kami para as early as now marunong na siya paano manligaw, go lang sa akin iyan. Tuturuan ko siya."

"Loko!" pabiro kong hinampas sa braso si Garet habang natatawa sa sinabi niya.

Agad kaming napalingon ng may marinig kaming sumarang pinto sa second floor.

"Good morning, Papa! Good morning, Aunt Garet!" bati sa amin ng anak ko na pupungas-pungas pa na bumababa ng hagdan.

"Good morning, baby." bati ko at sinalubong siya ng isang power hug at kinandong siya sa hita ko at kiniss sa pisngi.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon