Hindi na ako nagulat ng hilain ako ni kuya paharap sa kanya pag pasok namin ng bahay. Sabi sa inyo eh. Nagtitimpi lang ito kanina sa akin sa kotse.
"Where the hell have you been?" irritableng tanong niya habang naka kwelyo sa akin.
"K-kuya. ."
"Answer me!" sigaw niya.
"Hey, what's happening?" sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at napabitaw si kuya sa akin samantalang, nanuyo naman ang lalamunan ko sa taong nasa harapan namin.
Anong ginagawa niya dito?!
"Nothing." sagot niya at lumingon pabalik sa akin, "Go to your room." utos niya na agad kong sinunod kahit may part sa akin na nagsasabing wag siyang sundin.
Inawang ko ng kaunti ang pintuan ng kwarto ko habang palihim silang sinisilip na dalawa. Saglit silang nag usap at pagtapos ay nakita kong inangkla ng babae ang braso niya kay kuya at lumabas silang dalawa ng bahay. Saan kaya sila pupunta? Psh. Pake ko?!
Buti at nanduon yung babae na iyon kundi ginawa na naman akong sparing mate ni kuya. Kahit wag na silang bumalik na dalawa. Psh.
Dumiretso ako ng banyo para maligo at habang naliligo ay nag ring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot at ni-loud speaker.
[ Hoy, bakla! Di ka nabasa ng ulan? ]
"Nabasa, kaya nga naliligo ako eh. 'Di mo ba naririnig yung buhos ng tubig?"
[ Ay. Badtrip? Sa pagkakatanda ko good mood kang umalis dito sa bahay ah. Anyare? ]
"Kainis kasi yung driver ng kotse kanina. Di pa ako tinuluyang banggain."
[ Ha? Hoy! Umamin ka nga. Nakauwi na ba ulit kuya mo d'yan? ]
"Oo. Nandito din yung fianceè niya." sagot ko at may kalakasang ibinalik yung shampoo sa lagayan kaya nahulog ito at tumama sa ulo ko.
"TANGINA! Ang sakit ha?!" inis kong sigaw at binalik ulit sa lagayan ang bote ng shampoo.
[ Wow! Eh di inamin mo na rin na mahal mo nga kuya mo more than as a brother? ] kumunot ang nuo ko sa sinabi niya dahil ang gaga halatang kilig na kilig.
"Buang! Anong sinasabi mo? Tumama yung shampoo sa ulo ko! Ang sakit kaya!"
[ Ay weh?! Ano ba iyan! Akala ko pa naman nagre-reveal ka na sa akin ng feelings mo para sa kuya mo. ]
"Psh! Ako nga tigil-tigilan mo!"
[ Oo na! Ito naman masyadong highblood. Oh eh, anong ginagawa ng fianceè niya d'yan? Mago-overnight?! ]
"Overnight? Malabo. Oo nga't nagdadala si kuya ng mga babae niya dito sa bahay namin pero wala pa sa kanila ang nakapag overnight dito 'no."
[ Nuon wala. Ngayon baka meron. Remember, fianceè siya ng kuya mo? Meaning kapag kasal na sila, she'll be your sister-in-law. ]
Saglit akong tumigil sa ginagawa kong paliligo. Oo nga 'no? Bakit di ko naisip 'yon?
"Tapusin ko lang ligo ko. Balik ako d'yan. Bye."
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
Roman d'amourArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...