Nagising akong tulala at dinama ang sumasakit kong katawan. Ganito pala ang pakiramdam ng makipagtalik. Masakit sa una, masarap sa kalagitnaan at dulo, pero sa huli kinabukasan paggising mo ay babalik ang lahat sa una at duon mo mapapagtanto ang pagkakamaling hinayaan mong mangyari.
Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng gabing iyon at ang mga sumunod na araw na halos iparanas sa akin ni kuya ang pinaghalong ligaya at hirap ay ngayon na nakaalis na siya pabalik sa realidad, ako rin ay bumalik na sa realidad kung saan halos pandirihan ko ang sarili ko dahil walang oras na magkasama kami ni kuya sa kanyang kwarto ay pinamumukha niya sa akin kung gaano kababa ang tingin niya sa isang tulad ko - na ang tanging nais lang ng tulad ko ay pakikipagtalik, kung saan siya ay nagkakamali. Gaya rin kami ng normal na lalaki at babae na ang nais ay mahalin ng totoo pero hindi niya iyon maintindihan dahil sarado ang kanyang kaisipan.
Nakatulala ako sa kisame ng aking kwarto habang paulit-ulit na sinasabi sa sarili ko na kakayanin ko ito kahit na kalahati ng pagkatao ko ay halos madurog na sa ginawang pambababoy ni kuya sa aking katawan at kaisipan. Gusto kong lumayas. Gusto kong magpaka layu-layo, pumunta sa lugar kung saan walang makakakilala sa akin ngunit sa mundong ginagalawan ko, mahihirapan ako. Oo na. Alam kong sasabihin ninyong duwag ako, oo, siguro nga kasi hindi ninyo naiintindihan na kahit lumayas ako sa pamamahay na ito makakagawa at makakagawa ng paraan ang kuya ko para mahanap ako. Alam ko naman sa sarili ko na hindi pa sa pakikipagtalik sa kanya matatapos ang parusa ko dahil sa likod ng ginawa namin na iyon, gaya ng sinabi ko ay kalakip duon ang kanyang pandidiri at pangmamaliit niya sa akin bilang kapatid niya sa labas na isang bakla. Isang kahihiyan para sa kanya, 'di ba?
Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang tumayo at lumakas palabas ng kwartong ito gayong ilang oras na ang nakalipas mula ng umalis si kuya. Siguro ay dahil nanduon pa rin ang takot o kung ano mang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam sa oras na makita ko ang pintuan ng kwarto ni kuya kung saan maraming bagay akong maaalala.
Siguro tama lang na kamustahin ko si Pearl dahil hindi ko ito ng ilang araw dahil sa ginawa ni kuya sa akin na pagkulong sa kwarto at gawin akong sex slave na halos tubig lang ang inumin at kung may pagkain man ay isang beses lang akong pakainin at napaka unti pa. Tortured talaga ang katawan ko from in and out. Akala ko nga mamamatay na ako pero hindi. Mukhang malakas si kuya kay Kamatayan dahil ayaw niya akong ibigay sa kanya.
Teka, nasaan na ba 'yung cellphone ko?
Tumayo ako sa kama at ginalugad ang drawer ko hanggang sa makita ang hinahanap ko na low battery. Psh. Ano ba 'yan! Agad ko itong chinarge at kahit na pinagbabawal ay ginamit ko ito habang naka charge at sumalubong sa akin ang napakaraming texts at missed calls. Inexit ko ito at ginawa ang dapat kong gawin - ang tawagan si Pearl para kamustahin at ini loud speaker ito. Wala pang ilang segundo mula ng mag ring ito. . .
[ BAKLAAA!!! OW SHIT!!! NASAAN KA? KAMUSTA KA? ANO NG NANGYARI SA IYO? IKAW BA TALAGA ITO? BUHAY KA PA BA? ANO- ]
Halatang-halata sa boses niya ang tuwa at pagaalala kaya naman bago pa siya atakihin sa puso sa pagtawag ko ay pinutol ko na ang sasabihin niya pa sana. Nagalala din naman ako sa maaaring ginawa sa kanya at kay Tita Shine ni kuya at ng mga tauhan niya pero sa tono palang niya ay mukhang okay lang siya.
[ Calm down, Pearl. Ako ito at buhay pa ako. Matatawagan ba kita kung deads na ako? ] umakto akong parang normal lang ang lahat at walang masamang nangyari sa akin.
[ SIGURADO KA? PARANG HINDI EH! KNOWING YOU AND 'YANG KUYA MO! TEKA NANDYAN PA BA SIYA HA? SUSUGOD NA SANA AKO D'YAN KASO ITONG SI MAMA SABI BAKA LALO KA LANG DAW MASAMA PAG PUMUNTA AKO D'YAN!!! GRRR!!! ]
Well, actually, kung sumugod talaga siya baka. . buti at pinigilan siya ni Tita Shine, at buti nalang walang ginawang masama sa kanila si kuya. Siguro ay naisip niya na sapat ng ako lang ang parusahan niya dahil ako naman ang siyang nagsinungaling at nagtago sa kanya ng katotohanan sa pagkatao ko at hindi ang mga taong nakapaligid sa akin.
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...