Nakatulala lang ako sa kinauupuan ko habang hinihintay na lumabas ang doktor sa luob ng ER kung nasaan si kuya ngayon. Hindi ko alam na dalawa pala ang tinamo niyang tama ng baril sa katawan para lang sagipin ako. Sabi ko na eh. Kaya pala iba ang pakiramdam ko ng pumasok si kuya sa kwarto kung nasaan ako. Iyon pala ay dahil may tama na siya ng baril.
Lagi nalang may napapahamak ng dahil sa akin.
Bakit kasi hindi nalang ako pinatay agad ni Miguel eh di sana wala ng problema. Sana wala ngayon dito si kuya. Sana hindi siya nagaagaw buhay ngayon ng dahil sa akin.
Kasalanan ko ang lahat ng ito!
Nakayuko ako at umiiyak mag isa ng biglang may humawak sa balikat ko.
Pag angat ko ng tingin ay nakita ko ang nagaalalang mukha ni Pearl at sa likuran niya ay sina Garet at Claec na halatang nagaalala rin.
"Sorry na-late kami ng dating. Traffic kasi papunta. Bakit ikaw lang ang nandito sa labas? Hindi mo muna pinagamot iyang mga sugat at pasa mo sa katawan?" tanong ni Pearl at umupo sa kanan ko habang chine-check ang mga sugat ko sa braso.
"Treat your wounds first, Papa. You have a lot." parang maiiyak na sabi naman ni Claec na nasa kaliwa ko at nakatingin lang sa akin at kay Pearl na tinitignan ang mga sugat ko.
"Hindi. Kaya ko pa. Dito lang ako. Hindi pa lumalabas 'yung doktor eh baka kailanganin ako."
"Arista. ." tawag sa akin ni Garet na may balak sanang sabihin kasi pinutol ko.
"Okay nga lang ako sabi, okay?! Kaya ko pa! Kaya ko. ." sigaw ko at muli, umiyak na naman ako.
Agad akong niyakap ni Pearl at hinaplos ng marahan ang likod ko.
"Sshh. . Tahan na. Nandito lang kami. Kasama mo kami."
"K-kasalanan ko! Ako ang may kasalanan kung bakit siya nasa ER, Pearl! Kung hindi dahil sa akin, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Bakit kasi hindi nalang ako namatay?!"
Bahagyang lumayo si Pearl sa akin at hinawakan ang mukha ko.
"Iyan naman ang huwag na huwag mong sasabihin, Arista. Kung alam mo lang gaano ka kaimportante kay Quilo. Mahal na mahal ka niya, alam mo ba iyon? Kailangan ka din ni Claec. Importante ka din para sa kanya. Importante ka sa kanila, sa amin! Kaya huwag na huwag mo ng ulit sasabihin iyan." saad niya at muli akong niyakap ng mahigpit habang ako iyak ng iyak.
Matapos ang sa tingin ko ay mahabang paghihintay ay lumabas ang doktor mula sa luob ng ER.
"Family of Mister Naito?" tawag nito kaya dali-dali at nauna akong tumayo sa mga kasama ko at nilapitan ang doktor.
"Ako, Doc."
"And you are Mister Naito's. .?"
"I'm his husband." diretso kong sagot at ramdam ko ang pag init ng pisngi ko ng tumingin sa akin ang doktor.
Bahagya siyang ngumiti at nagsimula ng iexplain sa akin ang sitwasyon ni kuya. Halos manlumo ako ng malamang hindi sila sigurado kung kailan siya magigising dahil sa natamo niyang mga tama ng bala. Madami ding nawalang dugo sa kanya kaya matatagalan ang recovery niya sa oras na gumising siya.
Nang mailipat si kuya sa ICU ay lumapit sa akin si Garet at pinilit akong ipagamot na ang mga tama ko sa katawan. Kahit nagdadalawang-isip ay wala na rin akong nagawa kundi pumayag.
Habang ginagamot ng nurse ang mga tama ko sa katawan ay taimtim na nakatitig lang sa akin si Garet. Maya-maya ay bumuntung-hininga siya pagkatapos ng nurse na gamutin ang mga sugat ko at maiwan kaming dalawa sa luob ng kwarto. Lumakad siya papalapit sa akin at saka biglang pinitik ng malakas ang nuo ko kaya napahiyaw ako.
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...