AUTUM MEETS WINTER ( LXIV )

951 90 13
                                    

"Good morning, Sir. How may I assist you?" tanong sa akin ng receptionist pagpasok ko ng isa sa mga kompanya na pagmamay-ari ni kuya. Okay siya. Maganda. As expected sa isang receptionist. Kaso mukhang mataray.

"At what floor is Mister Naito's office located?" tanong ko habang nililibot ang tingin ko sa ground floor.

"Do you have an appointment with him?"

"No."

"Then you have to make an appointment, Sir. The CEO is a busy man." may himig ng pagtataray na sagot nito.

Pinipigilan kong magtaas ng kilay dahil ayaw kong gumawa ng eksena dito. Tama naman kasi siya. Kahit sino naman kasi na gustong makita ang CEO o kung sinong may mataas na posisyon ay kailangan magpa appointment for formality sake at aware naman akong busy person ang kuya ko nuon pa man. Pero ibang usapan itong ngayon at wala akong pakialam sa appointment na sinasabi nito babae na ito lalo pa kung yung appointment ng CEO sa amin ng boss ko eh hindi niya mapuntahan. Whew.

"Miss, all I ask is Mister Naito's office floor. Either you give it to me while I am still asking in a nice way or I'll have a word about this to the CEO and might as well to my boss, Mister Vasquez, to which I know is the current attorney of his. I bet it'll be hard for you to look for another job under this kind of company if you get fired." I am now using my monotone voice. Walang bahid ng pagiging magalang kagaya ng kanina.

Nakita ko kung paano mapalunok ang babae sa takot at mamutla. Dali-dali nitong sinabi sa akin kung nasaan ang office ni kuya. Pinasalamatan ko siya at ngitian na parang walang nangyari na tensyon sa amin kanina bago ako tuluyang pumunta sa dapat kong puntahan.

Hindi ko alam kung nasaan ang secretary ni kuya na nakausap ko sa phone kahapon at kanina kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na huwag ng ipaalam ang pagdating ko. For sure naman, malalaman din ng secretary niya dahil itatawag ng receptionist dito ang pagpunta ko ng walang pasabi. Siguraduhin lang talaga nila na totoong busy si kuya dahil kung hindi, hay naku nalang talaga!

Sa wakas ay nakarating din ako sa tapat ng pintuan ng office ni kuya but for some reason bago pa man dumikit ang kamao ko para katukin ang pinto ay bigla akong parang kinabahan at hindi maigalaw ang katawan ko. Shocks! What if may ma-witness akong hindi kaaya-aya?

Pero isinantabi ko ang tanong na iyon sa isip ko at bago pa magsunud-sunod ang tanong sa akin na hindi ko alam kung magkakaruon ng kasagutan ay tuluyan na akong kumatok.

Nakailang beses na ang pagkatok na ginawa ko pero walang sumasagot mula sa luob kaya naman isang paraan lang ang naisip ko para malaman kung may tao ba o wala. Ipinihit ko ang doorknob and thankfully, hindi ito nakasara kaya nagawa kong sumilip sa luob and to my dismay, walang kuya ang sumalubong sa akin.

Wait, what?! Did I just say dismay? Dismay dahil walang kuya na sumalubong sa akin?

Of course, that's not true! Syempre masaya akong wala siya dito. Nagpapatunay lang na busy nga talaga siya dahil sa mga meetings niya for today.

Pero kung ganitong busy nga siya, paano ko magagawa yung agenda ko today? Hindi naman pwedeng maantala din iyon at iyon nga mismo ang dahilan bakit ako nagpunta dito ngayon.

Oh my gosh. What should I do? Should I just go and explain what happened to Rence and make another and hopefully last resched of appointment? Or, wait here until kuya gets in here so I can do the shit we were supposed to do and finish yesterday?

Nakailang atras-abante ang ginawa ko bago ko napag desisyunan ang gagawin ko. Whew. Hopefully, I will not get into any trouble for doing this.

Umupo ako sa couch na nakalaan para sa guest katapat ng malaking desk ni kuya at sinubukan na umupo ng maayos habang hinihintay siya pero kalaunan sa pagka inip ko ay naisipan kong ilabas na ang cellphone ko na nasa bulsa ko at mag check sa social media pero muli akong napagod sa hindi ko alam gaano na katagal na ginagawa ko at sinimulang manuod ng funny videos sa youtube.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon