AUTUMN MEETS WINTER ( LXXVII )

741 66 4
                                    

Today is Decemeber 31st at dahil bukas na ang birthday ni Claec nandito kami ngayon ni Garet sa supermarket na ngayon ay punung-puno ng mga kapwa naming mamimili na bumibili ng last minute para sa handa nila mamayang New Year's Eve.

Naiwan si Claec sa bahay at abala sa panunuod ng mga anime na dinownload ni Garet para sa kanya. Sana nga lang ay nanunuod pa rin siya pagdating namin at hindi buryong sa bahay sa tagal naming wala. Hindi na kasi namin siya sinama dahil bukod sa maraming tao at baka mawala siya eh ayaw din talaga niya.

Ngayon lang din kami nakapamili ni Garet dahil naging abala kami sa mga trabaho namin lalo na ako dahil kumuha na kami ng mga bagong clients ni Rence after naming hawakan ang kaso ni kuya. Hindi kami nag grocery kahapon dahil mas pinili naming mag stay sa bahay at manuod ng mga movies at kumain ng inorder naming pagkain sa fast food chain.

Wala na rin akong narinig na kahit na ano tungkol kay kuya after ng celebration namin ng nanalo siya sa kaso. Magtataka pa ba ako kung siya na rin ang nagsabi na hindi niya maipapangako na mangyayari ang gusto ko dahil busy siyang tao? Totoo din naman dahil ng huli kong makausap si Pearl ng isanga araw ay nasa Japan daw ulit ito at may mga inaasikaso. Napabuntung-hininga ako. I guess, I failed Claec as his Papa.

"Saan pala natin iiwan itong mga pinamili natin? Bibili pa tayo ng decorations para bukas saka regalo kay Claec."

"Pwede naman sigurong iwan sa baggage counter iyan 'di ba?"

"Feeling ko hindi papayag 'yung bantay duon. Mga pagkain itong dala natin eh."

"Eh di hiramin nalang natin 'yung big cart nila para matapos na tayo at makauwi."

At iyon nga ang nangyari. Isa kami sa nagpasikip sa masikip ng daanan dito sa mall sa dami ng tao dahil sa tulak-tulak naming cart. Medyo marami kasi ang binili namin para sa handa bukas ni Claec kahit na ang inimbitahan lang naman namin ay si Rence at Miguel.

Aba syempre. Minsan lang naman ang seventh birthday at hindi kami sa labas magcecelebrate kaya dapat bongga ang handa niya kahit na indoors ang celebration at unti ang bisita. Siguro iyon na din ang pakunswelo ko dahil hindi ko nagawa ang naipangako ko sa anak ko na magcecelebrate kami ng birthday niya kasama ang tatay niya.

Pagtapos naming mamili ni Garet ng mga natitirang kailangan namin ay agad na din kaming umuwi dahil bawat oras na lumilipas ay mas lalong sumisikip ang mall sa dami ng tao.

Maga alas syete na ng gabi ng makauwi kami at naabutan namin si Claec na ansa sofa at nagbabasa ng isa sa mga bagong libro niya na na binili sa kanya ni Garet nitong nakaraan.

"Papa! Aunt Garet!" agad kong tumayo at lumait sa direksyon namin para yakapin kami kahit na marami kaming dala, "I'll help." kinuha niya ang dala ni Garet na naglalaman ng regalo namin sa kanya para bukas. Nakahinga kami ng maluwag dahil hindi niya man lang ito binigyan pansin kung ano ang nasa luob.

"Have you eaten, baby?" tanong ko matapos kong halikan ang ibabaw ng ulo niya.

"Yes, Papa. I ate the remaining pizza and macaroni."

"Alright, good. Now take a rest upstairs because me and Aunt Garet will be busy cooking for laters dinner, okay?"

"Okay."

Nang maka akyat sa kwarto ang anak ko ay nagsimula na kami ni Garet mag asikaso ng lulutuin namin para mamaya. Itinabi na rin niya sa kwarto niya 'yung babalutin naming regalo para kay Claec bukas.

Hindi naman ganuon karami ang niluto namin but it sure did take our time finishing everything. Dinamay na rin kasi namin ang pagdedecorate for New Year's Eve na bukas ay tatanggalin din namin at papalitan ng Happy 7th Birthday Claec. Hahaha.

So for New Year's Eve dinner nagluto kami ng Baked Biscuit Wreath Dip, Fried Mashed Potato Balls, Confetti Cookie Dough Cake at Lobster Mac & Cheese. For the drinks bumili si Garet ng champagne para sa amin at para hindi ma left out si Claec, natawa ako dahil nilagyan niya ng gatas 'yung champagne glass at nilagyan ng chocolate chip cookie ang ibabaw. Loko talaga. Kapag maaga natutong uminom ng alcoholic drinks itong anak ko alam ko na kung sino ang salarin. Hahaha.

May isang oras pa bago mag New Year kaya nag asikaso na kami ni Garet ng mga sarili namin at ginising ko na rin si Claec ng makapag bihis siya.

Maingay na sa labas mula pa kanina pero habang lumalapit ang New Year ay mas lalong umiingay dahil may mga nagpapaputok sa labas ng mga bata at matatanda. Nagtatagisan ng lakas ng mga stereo ang iba at 'yung iba parang balak pa yatang paulanin ang bagong taon dahil sa mga song choice nila. Hahaha.

Nasa sala na kaming lahat at mga nakabihis na at naghihintay nalang sumapit ang 12 M.N ng mapansin naming pinagmamasdan ni Claec ang mga handa at decoration.

"Bakit, 'nak? Nagugutom ka na ba?" tanong ko.

"Are we celebrating New Year or BTS Festa?" nangingiting tanong ng anak ko, "Even our music is BTS not that I'm complaining."

Napatingin kami sa tinutukoy ng anak ko at sabay kaming nagkatinginan ni Garet.

"Ikaw may idea n'yan!" sabi ko at tinuro si Garet.

"Hala! Bakit ako? Ikaw bumili ng decorations n'yan kanina eh ako lang taga ayos!"

Kung nagtataka kayo anong hitsura ng decoration namin, well imagine 'yung Love Yourself 'Answer' Album Cover ganuon 'yung kulay ng decorations kaya siguro nasabi ni Claec kung iyon ba ang theme ng New Year namin.

At ilang minuto pa ang lumipas ay tumunog na ang mga alarm namin. Hudyat na 12 M.N na.

Now Playing: Anpanman by BTS

"HAPPY NEW YEAR!!!" sabay-sabay naming sigaw kasunod ang,

"HAPPY BIRTHDAY, CLAEC!!!" sabay free style dance na kinatawa lang ng anak ko pero sumabay din namin siya trip namin ni Garet.

Syempre hindi nawala ang picture taking. Tradisyon na yata iyon tuwing may celebration.

Hindi ko nakalimutang batiin si Rence, Miguel, at Pearl ng happy new year via text message habang sumisimpleng lantak na 'yung dalawa sa gilid.

Ilang minuto ko din tinitigan ang message na happy new year at happy birthday na hindi ko alam kung isesend ko ba o hindi sa number na binigay sa akin ni Pearl na number ni kuya.

Mababasa niya kaya ito? Magtataka kaya siya kung bakit alam ko ang birthday niya?

But regardless of my thoughts, sinend ko ito at pagkatapos ay inilapag sa ibabaw ng drawer ang cellphone ko at sumali sa paglantak ng dalawa sa pagkaing niluto namin.

"Wait! 'Yung mga binili ko!" sigaw ni Garet kaya nagtataka akong tumingin sa kanya na nagmamadaling umakyat ng kwarto niya.

Pagbalik niya ay may dala siyang. . paputok?

Kailan siya bumili n'yan? Wala naman iyan sa mga binili namin kanina?

Nagtataka akong tumingin sa anak ko at mukhang alam nito ang concern ko.

"Aunt Garet bought that a week ago with her friend when we went to the mall."

Huh? Friend?

"Friend? What's the name of her friend?" nagtataka kong tanong dahil bihira lang naman ito makipagkita with her friends at hindi niya sinabi ang tungkol duon sa akin.

"I forgot. The name's hard to pronounce." tugon niya at nagkibit-balikat.

Huh? Foreigner ba 'yung friend na iyon na kasama nila at nahirapan siyang ipronounce? Also, hindi niya sinabi kung babae o lalaki. Aish! Tanungin ko nalang mamaya si Garet dahil ngayon kailangan kong makita ang kalokohan ng babae na ito na palabas na ng bahay at sisindihan na ang isa sa mga binili niyang paputok.

"HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!! BORAHAE!!!" sigaw niya habang parang buang na nagpopose sa tuwing magsisindi ng paputok at puputok ito. 

------------------------------------------------------

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon