Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng sidetable at agad itong in-open para tawagan si Pearl. Lagot talaga itong baklita na ito sa akin.
"Hoy bakla!" bungad ko.
[ Yes bakler?! How's your pakiramdam na? ]
"Malilintikan ka sa akin kapag nagkita tayo! Ikaw talaga hindi naman ako pokpok pero binugaw mo ako!" isang katakut-takot na tili at tawa ang narinig ko sa kabilang linya kaya bahagya kong nilayo ang phone sa tenga ko. Tsk. Malala na talaga itong babaeng ito.
[ Atleast, thank you sa akin at may mag aalaga sa'yo unlike sa kuya mo na nasa auction at nagpapakasaya kasama ang fiancè niya. ]
"Tss. Baliw! Dapat ginising mo nalang ako kanina para d'yan ako sa inyo magpalipas ng gabi kesa dito. Nakakahiya kaya!"
[ Shunga mo, baks! I just did the right thing. Why? Kung dinala kita sa bahay na ganyang hindi okay, tingin mo ba hindi magpupumilit si Enix na sumama sa atin sa bahay namin? And come to think of it, kapag nalaman niya kung saan ako nakatira baka kinabukasan magulat ka nalang nasa labas na iyan ng bahay ninyo. Oh my gosh bakla! Kung alam mo lang kung anong timing ng pagsasalita mo ng tulog kanina at pagtawag sa kuya mo, siyang pasok niya sa clinic. Buti nga nagawan ko ng paraan para di niya malaman na may kapatid ka. Nakakaloka ka naman kasi! Bakit mo tinatawag kuya mo? Ano bang napapanaginipan mo tungkol sa kanya ha? ]
Bigla akong natahimik dahil may point siya sa sinabi niya.
Una, tama siya na hindi ako dapat sa bahay nila nag stay dahil sooner or later, baka magising nalang ako na alam na ni Enix kung sino talaga ako at sa anong pamilya ako galing in which ayaw ko at wala akong balak na malaman niya. Pangalawa, bakit ko tinatawag si kuya? As in, what the actual fuck? Nakakahiya! Pangatlo, nananaginip ba ako kanina na kasama siya? What the hell! Bakit?
[ Kaya if I were you, pagaling ka kaagad kahit na alam kong masarap sunggaban si fafa Enix kasi naloloka na ang section mo sa nangyari sa iyo ngayon. Malapit na malapit na ang schoolfest at hindi sila makakahanap agad ng kasing dyossa mo para kayo ang manalo. ]
"Wow, nambola ka pa."
[ Hindi echos iyon baks! O'sya. Baka nasisira ko na ang moment ninyo ng future boyfriend mo. Hay naku! Kailangan ko na talagang makahanap ng bebe para sa akin. Babush! ]
Nailing nalang ako at inilapag muli ang phone ko sa sidetable at hindi pa nakakalipas ang ilang segundo ay pumasok si Enix na may dalang tray. Aww! Breakfast in bed? Char! Syempre, wag shunga. Gabi na kaya dinner in bed tawag dito pero pwede din namang maging dinner si Enix sa hitsura niya ngayon. Oh my gosh! Ang gwapo! Hahaha! Okay, kalma. Wag malandi. Don't forget na may sakit ako.
"Ah Enix, kaya kong sumubo." bigla siyang huminto sa paghahalo ng pagkain ko at ngumisi.
Shit. Double meaning yata sinabi ko?! Putakteng bibig ito oh!
"I mean, kaya kong kumain mag isa!" ramdam ko ang pamumula ng mukha ko at kinuha sa kanya ang kutsara't tinidor at sinumulang lantakan ang niluto niyang beef broccoli na may mainit na kanin at corn soup. In fairness, masarap! Boyfriend material nga siya.
"Masarap ba?"
"Uhm-hmm."
"Good. Niluto ko talaga iyan para sa'yo."
"Aba, dapat lang 'no. May sakit na nga ako tapos di mo pa ako papakainin ng masarap."
Naiilang ako na kinikilig ng palihim kasi nakaka ilang subo na ako pero hindi man lang siya natitinag sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ako. 'Di kaya may dumi ako sa mukha? Luh.
BINABASA MO ANG
AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)
RomanceArista and Quilo are brothers by blood but the latter doesn't acknowledge that fact due to his hatred to their Father. What if one day the Big Brother knew about his Young Brother's secret? Will he hate him more? Date Created: August 05, 2018 Dat...