Marahang hinawakan ni Raffy ang bakal na cuff na nasa may pulsuhan ni Alejandro. Halos nakabaon na ito sa balat sa sobrang higpit. Sugat-sugat na rin ang parteng iyon, halatang matagal na itong nakakadena.
Silver. Humapdi ang palad niya ang dumampi ito doon. Hindi nga talaga ito makakawala nang basta-basta.
"W-who are you..."
Nagulat pa siya ng bigla itong nagsalita. Nagising na pala.
"Rafaella." Pakilala niya. Sinusian na niya ang makapal na bakal na nakakabit dito. Unti-unti iyon lumuwag hanggang makawala na ang isang kamay. Mabilis siyang lumipat sa isa pa at sinimulang pakawalan iyon. "Hinihintay ka na ni Isabelle."
Bumagsak ito sa sahig bago pa niya mapakawalan ang kadena sa mga paa. Mukhang hinang-hina na talaga. Mabuti at tumagal pa itong ganito, mukhang di nakakainom ng dugo. Ang ibang bampira, nagiging rogue na kung tutuusin. Siguro, iba talaga kapag trueblood.
"Ok ka lang?" Tanong niya. Dahan-dahan itong lumuhod at tumango.
Gwapo pala ito sa malapitan kahit may bigote at balbas pa. Lalo na siguro kapag nalinisan. Kaya siguro nahulog dito si Isabelle kahit sabihin pang Stockholm Syndrome ang nangyari. Yung nakidnap tapos nainlove sa kidnapper.
Err. Parang ganoon din nga pala ang nangyari sa kanila ni Pierre. Di ba kinidnap niya rin ang tukmol na yon?
Natanggal na niya ang kadena nito sa mga paa. "Kaya mo bang tumayo?" tanong niya.
Hindi ito sumagot. Nakayuko lang ito na parang nanginginig. Sabagay, malamig naman talaga dito.
May narinig siyang ingay, mga putok ng baril. Napatayo siya. Bumilils na naman ang tibok ng puso niya sa sobrang pag-aalala. Baka mapaano si Pierre doon, wala pa naman itong dalang armas.
"E-Elle." Nadinig niya iyon mula kay Alejandro. Nagtataka siya kung bakit alam nito ang pangalang tinatawag sa kanya ni Pierre.
"Umalis na tay--" Itatayo na sana niya ito nang bigla siya nitong hinila nang marahas. Napahiga siya sa malamig na sahig habang madiin itong nakahawak sa dalawang braso niya.
"Shit!" Nabitawan niya ang baril. Hindi na niya ito maabot.
Pula na ang mga mata ni Alejandro. Matalim na nakatitig sa kanya. Nakakatakot. Parang rogue na gutom na gutom ang hitsura.
Dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa bandang leeg niya. Mabilis siyang pumiglas pero balewala ang kahit anong gawin niya. Mahigpit parin ang kapit. "Ano ba?! Bitiwan mo ako!"
Naalala niya, hindi ba't ni-rape nito si Ate Raven niya?
Nararamdaman na niya ang pangil nito na sumusugat sa kanya. Hindi naman siya nito kinakagat. Parang... hinahalikan na siya.
"WAG!" Sigaw niya.
Agad na tumalsik si Alejandro mula sa ibabaw niya. May dalawang bisig na humila sa kanya papaupo at niyakap siya nang mahigpit. "Shh. I'm sorry. I'm sorry Elle. I shoudn't left you."
Si Pierre yon. Hinahaplos-haplos pa nito ang likod niya para tuluyang siyang mapakalma.
Napatitig lang siya sa nakasalampak na lalaki sa dulo ng kwartong iyon. Mukhang tumama ito sa bakal na ding-ding at nawalan ng malay.
Bakit niya ginawa yon?
Nanginginig parin siya sa takot. Parang katulad ito noon.
Yung mga demonyong gumahasa sa kanya. Naaalala na naman niya.
"It's ok Elle, nandito ako hindi ka na niya masasaktan."
Napayakap siya kay Pierre nang makita niyang gumalaw si Alejandro. Nagigising na ito.
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...