30: Mask of Sanity

8.2K 174 37
                                    

 

"Alejandro!"

Nakita niya si Luna mula sa malayo. Nakatayo sa gitna ng mga bangkay ng mga naunang hunters na nakapasok na sa Paradiso. Lasog-lasog karamihan ng mga katawang nakapaligid.

Hindi na siya nabigla. Alam niya kung gaano kalakas ang ina. Saksi siya sa kakayahan nito. Pero kung ganito kadami pa ang lulusob sa kanila, baka di nito kayanin.

"Bakit ka pa nandidito!?" Duguan ang bibig nitong humarap sa kanya. Duguan na din ang damit nito. Saglit itong ngumiwi ng tangkain nitong lumapit. Napasapo pa ito sa dibdib at napaluhod. Mukhang nasaktan din ito.

"Tumakas na kayo." sabi niya nang nakalapit na siya dito. Naramdaman niya ang halos pag-ilag nito sa kanya pero wala rin itong nagawa nang marahan niya itong itinayo. "Ako na ang bahala."

"Hindi ako maaring lumabas dito, ang parusa--"

F*ck the High Council. Wala na siyang pakialam sa parusa nito o ano pa man. Mahalaga ngayon ay mailigtas niya ang ina.

"Just get out!"

Nakarinig siya ng mga yabag. Mas madami kaysa sa mga naunang lumusob. Dalawampu. Tatlumpu. Hindi nila kakayanin lalo na at silver ang mga balang ginagamit nito.

D*mn. Alam niyang hindi pa nakakalayo sina Isabelle sa Paradiso.

"Paparating na sila." Mahinang banggit ni Luna.

"Si Isabelle at Cat," sabi niya sa ina. "Sumama ka na sa kanila. Get them out of here."

Tumango ito. "Mag-ingat ka." Agad din itong nawala sa harap niya.

Dali-daling nagpapaputok ang mga pumasok na hunters. Nagpaulan na nang mga bala sa direksyon niya. Agad siyang umiwas at sinugod ang ang pinakamalapit dito. Nahablot niya ito at pinagsangga ng bala hanggang makalapit siya iba. Tumulis ang mga kuko at agad na pinuntirya ang mga leeg ng mga lumusob. Gumulong ang ilang ulo nito sa sahig.

Natapos na niya ang mga buhay ng mga ito pero alam niyang may papasugod pa.

Nandito pa ang may pakana, nararamdaman niya. Kailangan niyang makita para matapos na agad ang lahat ng ito.

Agad siyang tumakbo sa hallway. Sa kwarto kung saan nakapiit si Carina. Mabilis niyang binuksan ang nakandadong pinto.

"Carina!"

Nakita niya itong nakaluhod sa gitna ng kwarto. Umiiyak at takot na takot. "A-Alejandro, papatayin niya ako..."

D*mn it. Mali ba ang hinala niya? Hindi ba't magkakampi sila? Isa din ito sa--

"Papatayin nila ako." Ulit pa nito.

Hindi na siya nag-isip pa. Wala nang oras. Mamatay nga si Carina kung iiwan niya ito dito. 

Agad niya itong nilapitan hinila papatayo. "Let's get out of here."

"It's too late Alejandro." Umiling ito.

"Car--"

Naramdaman niya ang pagtarak ng talim sa likod niya. Tumagos iyon sa kanyang dibdib.

Dinig pa niya ang pagtawa ng may kagagawan sa likuran niya.

"Yeah Al. Too late."

*****

Nadidinig niya ang kalansing nang bakal sa loob ng silid na pinagkulungan sa kanya.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon