79: Vows of Heart

6K 189 32
                                    


Bumuntong-hininga si Raven habang naglalakad sa hallway. Hindi na niya mahagilap si Kiel kahit saan. Mukhang inaasikaso nito ang mga bagong dating.

Naiintindihan naman niya ang ginagawa nito. He is the King after all. He needed to treat his subjects fairly. 

Kaya maski nga si Alejandro at ang mga kasama nito, pinatuloy nang malaya dito sa bahay.

Nasa gitna sila nang gulo at walang magandang itutulong kung makikialam siya. Wala naman siyang alam sa pagiging leader o kung ano man. Mabuti nalang talaga at hindi sa kanya direktang pinasa ng ama ang posisyon nito. Mukhang tama ang desisyon ng Daddy niya.

Mukhang noong nawala siya, napag-aralan na ni Kiel ang pasikot-sikot ng politics nila. And right now, she thinks he's doing a good job at keeping most of them alive. Wala na siyang napabalitaang naubos na Coven ngayon. At ang sabi pa ay marami na ring sumukong kalaban galing sa mga Schwarze.

Dumiretso siya sa kwarto ni Isabelle. Pupuntahan nalang niya muna ang baby nito. Mabuti nalang at kamukhang-kamukha ito ng mommy at hindi ng demonyo nitong ama.

Hanggang ngayon nag-aalala parin siya sa lagay ng kaibigan. Sa totoo lang, akala talaga niya mawawala na ito. She lost too much blood, sukat ba namang hiwain ang katawan ng pure silver blade. At kahit di niya nararamdaman, alam niya kung gaano kasakit ang ginawa dito mailabas lang ang anak.

Mabuti nalang at naging maagap sila at nasalinan agad ito ng dugo. Nakatulong din ang Ancientblood na dumadaloy sa katawan nito galing kay Luna. Napabilis ang paggaling ng sugat nito. Hindi niya alam kung papaano pero nagpapasalamat parin siya na nangyari yon, dahil doon nailigtas ang kaibigan niya.

Natigilan siya sa may pintuan. Nadatnan niyang nakaupo si Isabelle sa kama, karga ang anak habang pinaghehele. Nasa tabi parin nito si Alejandro na mukhang nakapaglinis na nang katawan at nakapag-ahit na. Hindi na mukhang ermitanyo.

Matinding pahirap siguro ang dinanas nito sa kamay ng mga Schwarze. Hanggang ngayon, halata parin niya ang mga tanda ng sugat at ang mga pasa nito sa katawan.

Napabuntong-hininga nalang uli siya

"Raven?" Napalingon si Isabelle sa kanya at ngumiti. "Ano ginagawa mo dyan, pumasok ka kaya."

"Dapat nagpapahinga ka, Ish. Di ka pa masyadong magaling." Sabi niya sa kaibigan paglapit.

"Nagpabreastfeed ako kanina kaya gumising ako. Mabuti nga at mahimbing na uli si Baby."

Napatingin siya sa sanggol. Tulog na tulog nga. Pinigilan niya ang sariling kurutin ang matambok na pisngi nito.

Bakit ba ang cute ng mga babyMother's instinct ba ito?  Siguro kahit hindi niya kadugo, mapapamahal talaga sa kanya.

"You haven't named him yet?" Tanong niya.

Nakita niya ang pagkagat ng labi ni Isabelle at napatingin kay Alejandro.

"Hanggang ngayon, wala parin kaming maisip. Ang dami kasing nangyari," sagot nito. "Saka akala ko, next month pa ako manganganak. Mabuti nga't ok siyang lumabas at healthy."

"It's alright, my love," sabat naman ni Alejandro. Marahan pa nitong hinalikan ang noo ni Isabelle. "Makakaisip din tayo."

She rolled her eyes. There. There. Si Alejandro nga ba talaga ito?

Sa totoo lang hindi parin siya makapaniwala sa nakita niya. Literal na atungal na parang bata ang ginawa nito kanina. Akala ata nito namatay si Isabelle sa panganganak.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon