"Ewan ko sayo, Kuya,"
Umirap nalang si Raffy nang marinig ang kwento ng kapatid niya. Kasalukuyan siyang nagsisit-ups sa carpeted na sahig ng kwarto habang pinapanood siya nito.
"Ikaw naman kasi. Akala ko ba mahal mo si Ate Raven ta's kumana ka pa ng iba. Ano ba yang juju mo, ba't di mo macontrol?" Singhal pa niya dito.
Tumigil siya sandali at tumayo. Hinihingal siya pero maya-maya lang wala na siyang nararamdamang pagod. Kinuha niya ang tuwalyang nakapatong sa malaking kama at nagpunas ng pawis.
Ganto ba talaga sila? Ang bilis makarecover?
"Raf, hindi ako nandito para sermonan mo. I need your help. Gusto ko nang makausap si Raven. Nag-aalala na ako," sabi sa kanya ng kapatid niya. Napaupo ito sa isang silya doon. Kumuha nang isang sigarilyo at nagsindi gamit yung lighter na iniregalo sa kanya. Nakuha na pala iyon ng kapatid niya. Ang alam niya naiwan niya iyon sa condo.
Napanguso nalang siya nang humalukipkip ito at sumandal. Problemadong problemado ang hitsura.
Ilang araw na ring daw di lumalabas ng kwarto ang Ate Raven niya. Ayaw kausapin ang Kuya Kiel niya matapos nitong malaman na magkakaanak ang kapatid niya sa iba. Alalang-alala naman ang kuya niyang tungaw na baka tumakas na naman ito kaya todo bantay ng mga tauhan na nakapaligid sa kwartong iyon.
Tss. Mukhang engot talaga.
"Ano bang gagawin ko ngayon?" Tanong pa nito.
"Kuya, six languages ang alam mo kaso ang shonga mo. Nasaktan siya kaya ayaw ka niyang kausapin. Ba't di mo kasi sinabi nung una palang na nakipag-jugjugan ka doon kay Yulia noong hinahanap mo siya?"
Gusto niyang batukan ngayon ito sa totoo lang. Kaso alam niyang di pa niya kontrolado ang lakas ng katawan niya, baka mapaano lalo.
Bumuga ito ng usok bago nagsalita. "I tried. Pero natakot akong--"
"Natakot kang masaktan mo siya kaya di mo sinabi. Na magalit siya sayo at iiwan ka niya." Putol niya dito.
Galing sa bibig niya ang litanyang yon pero parang siya ang natamaan.
'Matagal ko nang gustong sabihin sayo pero di ko magawa.'
Maybe, it is his reason kung totoo ngang minahal siya ni-- pakshet na yan. Bakit ba naalala na naman niya si Pierre?
Hindi talaga niya maisip kung bakit binuhay pa siya ng tukmol na yon. Di rin niya maintindihan ang sarili kung bakit pinalaya pa niya ito sa silver collar.
Napakuyom siya ng palad. Malakas na rin ang pangdama niya. Alam niyang kailangan niya munang magsanay sa bagong buhay niya ngayon, sa mga pagbabago sa katawan niya. Saka niya na haharapin si Pierre para matapos na ang deal nila. Para magkaalaman na.
"It is my fault, Raf," sabi ng Kuya Kiel niya. Napaangat ang tingin niya dito. Kitang-kita niya kung gaano ito kadepress.
Ito pa isang dapat niyang intindihin, naisip niya.
"Pero isang beses lang yon. Akala ko di ko na talaga makikita si Raven ng panahong yon. I was hopeless and Yulia was there to... damn... it is my fault."
Naiinis talaga siya sa kapatid niya. Alam niyang mataas ang sexual drive ng mga bagong bampira. Pero di naman ibig sabihin noon tamang patulan na nito ang kung sino mang lumapit.
Huminga nalang siya ng malalim. Wala naman siyang magagawa kundi makinig. Siya na nga lang pwede umintindi dito. He never opened up to anyone but her. Lagi nalang kasing pa-cool ang image nito, laging pamacho. Pero ang totoo niyan, malambot pa sa mamon ang puso nito pagdating sa feelings-feelings na ganyan.
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...