50: Break

6K 165 26
                                    

Padabog na sumakay si Raven ng kotseng naghihintay sa kanila paglabas nang airport.

Nakakainis.

"Hey?" nag-aalalang tanong ni Kiel sa kanya pagsakay naman sa driver's seat. Hinawakan nito ang kamay niya at marahang pinisil. "Are you alright?"

Hinawi niya ang kamay nito. Sinuot niya ang seatbelt at umirap. Umiwas din ng tingin.

Nakakainis talaga.

Bumuntong-hininga lang ito. Nadinig na niya ang pagstart ng sasakyan. Black Sedan. Ordinary, naisip niya.

Alam niyang tauhan ni Vicky ang nagdala ng sasakyang dito sa airport. Mas mabuti nga talaga kung low profile sila para hindi malaman ng kalaban na nakauwi na sila ng Pilipinas.

Pero bigla siyang kinabahan nang naramdaman niyang may nakasunod sa kanila.

"Security, bodyguards na pinadala ni Vicky," sabi ni Kiel sa kanya. Mukhang nakita nito ang pagsulyap niya sa bintana. Tinitingnan ang mga nakasunod na mga itim ding Fortuner. "They planned this, hindi pa nila alam kung kailan susugod ang mga kalaban natin."

"Hunters?"

"No. Lalong lalala ang sitwasyon natin kapag nalaman ng mga kasamahan ko na hindi na ako tao."

Tumango nalang siya at ngumuso. Alam niya yon. Hindi lang naman si Kiel ang kilala niyang hunter na naging bampira. They were some, mga tauhan ni Vicky noon. Kaso di din naman nagtagal ang second life nila. Lahat halos, natatagpuang abo makalipas ang ilang araw, tinarget ng mga kapwa hunters. Nasa Hunter's Code daw nila na kailangang mamatay nang sinumang mahawaan ng pagiging bampira na kasamahan nila. Paano pa kaya pag nalaman ng mga ito ni Kiel na Hari na ito ng mga hinahunting nila?

Matagal din walang nagsalita. Nanuod nalang siya ng mga sasakyan sa gitna ng kahabaan ng traffic sa EDSA.

"Rave? May problema ba?"

"You are flirting with that flight attendant. Nakita ko kanina, nginingitian ka niya." Umirap uli siya kay Kiel at humalukipkip. Nakakainis, pinaalala na naman.

Kumunot lang noo ni Kiel sa sinabi niya. "You're jealous of her? Rave, trabaho nila yon," huminga ito ng malalim. "We should have waited for that private jet. Kung di tayo--"

"So sinisisi mo pa ako?!" tumaas na ang boses niya.

First Class seats ang sinakyan nila papauwi. It was comfortable though, mas gusto niya nga kung sa private jet nalang sila. Kaso sinuggest sa kanila ni Vicky na mas safe kung mas maraming tao silang kasabay sa eroplano. Magdadalawang isip ang kung sino man ang magtatangkang masama.

Masyado bang delikado ang lagay nila?

Humugot ng malalim na hininga si Kiel. "I'm not flirting with her, ok?"

"I have all the reason not to trust you around women. Nahuli na kita dati doon sa Yulia na yon."

"Si Yulia na naman? It's was nothing. Tapos na yon. Don't you trust me?"

"I caught you throat hugging with her once. Hindi mo na maiiaalis sakin yon."

"Siya yong humalik sakin noon Rave, inilalayo ko na siya noong nakita mo kami. Iniiwasan ko na siya pagtapos," sabi nito na medyo naiinis na. "Kaya din ako nagalit noon dahil hindi mo man lang ako pinapaliwanag."

"I am not convinced, siya din kaya ang nagsabi kay Artair sa kasal natin. Kinakausap mo parin siya, hindi niya malalaman kung hindi!"

"Fine, I told her about our wedding. Para di na siya umasa. Noong nalaman niyang bampira na ako, sinundan na niya ako kahit saan. Gusto niyang magkabalikan kami--"

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon